AHRON POV "Kung ang pinag uusapan natin dito ay ang tungkol sa nangyari kahapon, kalimutan na natin ito. Sadyang napikon lang din ako ng sobra kaya hindi ko na nagawang pigilan pa ang kamao ko. Ako rin, nanghihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga nagawa ko sayo. Sana ay wag mag bago ang tingin mo sa akin Ahron, hindi naman ako masamang tao eh. Sadyang naubos lang din ang pasensya ko at nasagad ako." Mabuti naman maayos na kami sa wakas. Wala akong sama ng loob sa kanya. Kahit na pag baliktarin pa ang mundo, siya pa rin ang Ninong ng babaeng pinakamamahal ko sa lahat. "You don't need to say sorry po Congressman. Ako po ang may kasalanan dito at ako ang dapat na mag apologize for what happened. Basta kayo po muna ang bahala sa gf ko ha? Nag aalala ako sa kanya na nagsuka siya, mabuti at

