LILY POV Napilitan na akong tumayo mula sa aking pagkakahiga. Pumunta na ako sa pintuan para sana buksan ito ngunit pagdating ko rito ay wala nang kumakatok. Binuksan ko pa rin ang pintuan at sumilip sa labas. Nakita ko si Ninong Raul na papunta sa kanyang kwarto. Baka sa cr siya dumaan nito. Sinundan ko siya at nang sumilip ako sa kanyang kwarto, nakita ko na nag iimpake siya ng mga damit at nilalagay ito sa kanyang maleta. What is going on here? Saan siya pupunta? Don't tell me na aalis siya ng hating gabi? At saan naman siya pupunta nito? Isasama niya ba ako!? Bigla siyang lumingon pero mabilis akong nakapag tago sa dingding. Grabe ang kaba ko, hindi ko alam ang gagawin niya kapag nahuli akong sumisilip sa kanya. "Hello? Wait me there, paalis na ako, naghihintay na ang taxi sa bab

