LILY Nang makapara na ako ng taxi, papasok pa lang ako ay nakikita ko na ang isang pamilyar na sasakyan. Halos manginig ang buo kong katawan, I know exactly who owned this car kaya nga sumakay ako kaagad. Pagpasok ko sa loob ay kaagad akong nagsalita ng natataranta sa taxi driver. "Sir, baka pwede pong pabilisan ang pagmamaneho. Sa airport po ang punta ko, dadagdagan ko na lang ang ibabayad ko sa inyo mamaya." Nandito na ako kaya papanindigan ko na ito. I don't want to go home anymore dahil sa takot ko sa Ninong ko. Pero bakit ba siya umuwi ng maaga? Ang sabi ni Bea kanina ay malabo siyang umuwi dahil sa sunod sunod na mga meeting niya! Binilisan ng taxi driver ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan pero sumusunod na ang sasakyan sa amin. And then nakatanggap ako ng tawag galing kay N

