LILY POV Isang tungga, dalawa hanggang sa humirit pa ako ng humirit. Nakarami ako ng inom ng alak hanggang sa maramdaman ko ang matinding kalasingan. This is the very first time na malasing ako ng todo pero gusto ko pang uminom. Who cares kung gagapang akong makauwi? Kukuha pa sana ako ng isa pa ngunit hinawakan nitong si Bea ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. "Bakit Bea? May problema ba?" tanong ko. "Lily, please tama na, magpaawat ka naman. Ang dami mo na kayang mga nainom na alak. Baka ako ang pagalitan ni Ninong Raul mo sa ginagawa mo eh," sambit niya. "Don't worry about me, minsan ko lang ito gawin girl. Baka ang susunod nito ay abutin pa ng isang taon bago mangyari." "Weh? Nawala lang si Ahrontapos ganyan ka na mag behave. Magkaaway ba kayo kanina bago siya umalis ha? Or

