LILY POV Lunch break na at saktong pagod na din ako sa trabaho ko. Sinet aside ko ang nag iisang document na ipapakita ko kay Ninong mamaya. He needs to see this asap and I am expecting na gagawan niya ito ng paraan. Nagbukas ang pintuan at pumasok si Bea. Nagulat ako sa muli niyang pasok without knocking on the door. Baka wala silang pintuan sa bahay. "Tara lunch na tayo? Wala pa si Congressman and I know na wala ka ring kasamang mag lunch," pag-aaya niya. Wala akong kasama sa lunch kaya sumama na ako kay Bea. Kumain kami sa isang karinderya, I am not choosey when it comes to that. As long as malinis ang mga pagkain ay wala akong problema. And so far, masasabi ko na masarap din naman ang mga pagkain dito. Masarap ang sabaw ng sinigang nila at mainit ang kanina. Nawasa ang tubig n

