AHRON POV "Puro ka kalokohan, lagot ka sa akin mamaya!" sambit niya pa, she put the call to an end without letting me speak. Natatawa man ako ngunit umaalon ang kaba sa dibdib ko. Pagdating ko sa venue, nakita ko na maraming mga press sa labas at maging sa loob. Napakamot ako sa ulo ko, paano ako makakapasok nito ng hindi ako napapansin o mahahagip ng mga camera? Dalawa pa man din ang dala kong mga maleta ngayon. Si Lily ang sagot sa problema ko. Kahit na galit siya, alam kong pupuntahan niya ako dito sa labas. Mas okay nang dito niya ako sigawan kaysa sa doon sa loob na maraming tao. Nang tatawagan ko pa lamang siya ay may kumalabit na sa likuran ko. "Ahron?" Lumingon ako at nakita ko si Bea na naka kulay green na dress. Noong una nga ay hindi ko siya namukhaan pero buti at ngumi

