LILY POV Dumating kami sa apple store dito sa mall. Maraming mga tao dito sa loob, maraming mga gustong bumili ng bagong Iphone. Pagpasok nga namin ay napatingin ako kaagad sa mga cellphone, ang gaganda, sobrang akit ako sa mga kulay ng mga ito. Ngunit ang pinaka magandang kulay para sa akin ay yung orange. Nang hinawakan ko nga ito ay kaagad na nagtawag ng sales lady si Ninong na kaagad lumapit sa amin. "Kukuha kami ng tatlong ganitong cellphone," sambit niya sabay bigay ng credit card sa sales lady. "Dalawang orange at isang itim, pag hiwalayin mo lahat." Wala nang ibang tanungan pa. Talagang walang atubiling bibili kasi mapera siya. Masaya na sana ako ngunit galing sa isang demonyo ang pambili. Kung tutuusin ay kaya ko rin sana bumili ng iphone para sa sarili ko at kay Ahron but I

