LILY POV Akala ko ay hindi siya lalabas at hahayaan ang security na paalisin ang mga tao doon pero dinala niya ang kanyang wallet at lumabas din. Nagiging mas exciting na ang pangyayari. Sana naman ay kuyugin siya ng mga tao doon at saktan siya para madala siya sa pangyayari. If they do that, para na rin akong nakaganti sa mga ginawa niya. Paglapit niya sa mga tao ay kaagad humarang ang mga security guards. Ang panget ng ganito, nasa loob ako ng sasakyan at wala akong naririnig. So dahil sa pagiging isang dakilang chismosa ko rin ay lumabas ako at nakinig sa usapan. Ang lakas ng mga boses ng mga tao at iisa lamang ang sinisigaw nila na mismong nakalagay sa kanilang mga karatula, kurakot na madalas sinasabi sa lahat ng mga pulitiko. Kinausap sila ni Ninong at nagulat na lamang ako ng

