Nagkulong lang ako sa kuwarto buong araw. Iniisip kung tama bang takbuhan si Ram at pagsalitaan ng masama dahil lang sinurpresa niya ako bilang paghingi ng tawad sa lahat ng kasalanan niya. Pang ilang beses akong hindi mapakali sa higaan. Narinig ko ring tinawag ako ni Ram para kumain na kami ng dinner ngunit hindi ako lumabas. I locked my door and tell him not to disturb me. Mas pinili kong matulog pagkatapos ng tagpong iyon. Hindi rin ako nakaramdam ng gutom kahit sa buong araw na byahe namin hanggang sa kagabihan na pag surpresa niya sa akin. Ang hirap pakisamahan ng naramdaman ko dahil ako na mismo ang nagpapahirap sa mga desisyon ko sa buhay. How ironic. Gusto kong pagtawanan ang sarili kung ano ba ang gusto kong mangyari sa buhay kong puno ng pagbabago. Puno rin ng problema. Na

