"I don't like that coffee!" I shouted in irritation. Binuhos ko sa harapan niya mismo ang isang tasang black coffee. Nakatingin lang si Ram sa ginagawa ko. Walang reaksyong mababakas sa kanyang mga mata habang tiningnan ang mainit na kape na nasa sahig. "Hindi masarap ang timpla mo! This is the third time! Nagsasayang ka lang ng kape!" sigaw ko sa inis. Pangatlong beses na niya akong ginagawan ng kape and so far... I like the taste, hindi totoong hindi masarap, the truth is, magaling siya magtimpla. Ngayon lang ako naka-inom ng ganitong lasa ng kape. Parang may hinalo siya upang mas maging masarap ang lasa ng kape. That's why I keep on declining the coffee. Naalala ko ang nangyari noon kung paano niya ako tratuhin. Ang hindi ko lang matanggap, na ginaganito niya ako noon. Halos pinand

