"Iho... You are here!" sabi ni Katharina nang mapadpad si Dennis sa lamesa namin. Binati ni Dennis ang kanyang pinsan na si Ram na tinanguan lang siya nito. Malaki ang ngisi niya. Hindi pa rin nagbago ang dating kilala kong Dennis na hinuhulog niya sa kanyang pagngisi ang bawat plano niya. Kaya mahirap malaman kung ano ang binabalak niya. No wonder, na papasunod niya ako noon na sumang-ayon sa kasalan namin ni Ram. Dahil na rin sa kanyang ngisi na hindi mababakas na may masamang plano pala. "Hey, dude! How are you!" bati nito Kay Ramcess saka niya tinapik ang braso nito. "I'm good," maikling sagot ni Ram. Sunod nitong binati sa Mommy ni Ram na nakipagbeso pa sa kanya. Halata ang hindi pagkakaroon ng magandang turingan ng dalawang pinsan. Pati ang Mommy ni Ram, mukhang hindi na gustu

