Chapter 3: Name

2901 Words
Chapter 3 Joyce Devon Montevillia POV I can't figure it out what's keeping them looking at me. Well... On the other thought. They look at me because of my appearance...especially because of my ugly face. They look at me as a trash while I was walking in the crowded campus. They keep on looking at me. Halata sa mga tinginan nila sa akin na labis nila akong pinandidirihan. Ipinagsawalang bahala ko na lang. At nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na bago sa akin ang ganito. Sanay na akong tingin nila sa akin ay isang babaeng walang pakealam sa sarili. Hindi ko na lang pinansin ang mga studyante, sa pagkat hindi sila nakakatulong sa akin, at sumunod na lang sa kay Lauren. Pang-limang araw na ngayon ng klase and here I am again. Suffering from the people around me. Hindi ko sila masisi kung bakit panay pandidiri ang tingin nila sa akin. Nakakadiri naman talaga ako. No one likes me in this campus. No one dares to have fun with me... No one wants to become my friends... Tanging si Lauren lang... Ang bukod tanging kaibigan ko, bukod tanging bunsong kapatid at higit sa lahat. Siya lang ang kalaro ko. Siya rin ang nagtatanggol sa akin sa lahat ng lumalait sa anyo ko. "Faster, Joy! Mala-late na tayo," masaya akong hinila ni Lauren sa hallway na kadalasan maraming studyanteng nag-e-standby. Nasa likuran niya lang ako. Hawak ko ang libro habang nakasunod ako sa kanya. Nakayuko ako. Medyo dumistansiya ako upang hindi kami pagchi-chismisan dalawa. Ngunit sadyang walang pakealam si Lauren sa mga studyante na pinagtitinginan kami. Binalikan niya ako upang hilahin ang kamay ko. "M-mauna ka na...Pinagtitinginan nila tayo," bulong ko nito nang sinabihan niya akong magmadali kami. Namewang siya saka umiling. "Bakit ako mauuna? Parehong building lang naman ang papasukin nating dalawa. Ihahatid na kita sa room mo." "P-pero,Lau. I'm fine... Kaya ko naman ang sarili ko." Binawi ko ang kamay sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya ako hinayaang makawala. Inakbayan niya pa ako. "Come on! What's with you? Hindi ka ba sanay na kasama mo ako? Kapatid kita. Kahit ikaw ang mas nakakatanda sa ating dalawa. Responsibilidad kong sumama sa'yo. Lalo na't aalagaan kita palagi... Mom and Dad told me. I must watch you. Kung sino man ang aaway sa'yo kaya kitang ipaglaban. No one can bully you. As long as I am here." Ngumisi siya nang malaki. Nagbuntong hininga ako. Tumango-tango ako ng ulo, tila naintindihan ang sinabi niya. Nakaakbay pa rin siyang habang nilalakad namin paakyat ng hagdanan. Bawat madadaanan namin nagbubulungan nila pero deadma lang si Lauren. Hindi ako mapakali, sanay akong mag-isa palagi. Sanay akong walang kasamang maglalakad. I'm a fresh man first year college here. Kaya bago ang mga studyante sa akin. Limang araw pa lang ako sa campus na ito pero mahahalata mo nang hindi ako welcome. Kagat ko na lamang ang pang-ibabang labi dahil nanliliit na naman ako sa sarili ko. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata ng mga taong nakapalibot. I don't have any confidence to myself. I was being doubted my abilities, especially on my appearance. "Kapatid niya ba talaga si Lauren? Ang layo naman ng mukha nila. Maganda ang bunso niyang kapatid samantalang siya... Parang pinaglihi ng sama ng loob." Sa ikatlong palapag ng hagdanan natigil kami sa pag-akyat, dahil sa bulungan ng limang babae nang napadaan kami sa class room nila. Saktong nasa labas sila kaya narinig namin ang pag-uusap nilang lima. Nagtawanan pa sila habang tinitingnan ako. Tumikhim ako saka nagkunwaring hindi na lang narinig iyon. Palagi kong iniiisip na hindi ako ang pinag-uusapan nila. Kahit halata naman talaga na ako ang tinutukoy ng kanilang usapan. "Hindi siya pinaglihi sa sama ng loob. Kundi pinaglihi iyan sa kapre. Ang panget-panget. Ang taba pa!" sabi naman ng isa pang studyante. Sabay silang nagtawanan habang pinakatitigan ang kabuuan ko, mula ulo hanggang paa. Humigpit na lamang ang hawak ko sa strap ng bag. "Natingnan niya kaya ang mukha niya sa salamin? Siguro hindi niya kayang tingnan. Mapapasigaw yata siya sa takot." Mas lalo silang nagtatawanan. Namula ang mukha ko dahil sa kanilang pag-uusap ukol sa anyo ko. Araw-araw palagi akong nakakarinig ng ganito. Pero wala akong lakas ng loob para lumaban. Sino ba ang maglakas nang loob, gayong tama naman sila. I'm such an ugly. I'm fat... I'm weak. Minsan nilalabas ko na lang sa kabilang tenga. Masakit pero kailangan ko nang maging manhid dahil hindi na bago sa akin ang ganito. Lalagpasan ko na sana ang mga studyanteng nagbubulungan pero dahil kasama ko si Lauren. Ang kapatid kong hindi natatakot na ipagtanggol ako. Mabilis niyang kinalas ang pagkaka-akbay sa akin. Upang lapitan ang limang babaeng pinag-uusapan ako. "Lauren! Bumalik ka rito! Hayaan muna sila!" mahinang tawag ko. Hihilahin ko sana ang kamay niya para makapagpatuloy na kami sa pag-akyat ng hagdanan pero kilala ko siya. Kahit payat siya alam kong malakas ang loob niyang lumaban. "Ano'ng pinagsasabi niyo?!" namewang si Lauren saka tinuro-turo ang limang babae. "Can you repeat what you've all said to my ate!" Nakipagpantay ng tayo iyong babaeg medyo chubby para harapin si Lauren. Sa panahong iyon takot ang bumalot sa akin. Ayaw ko nang gulo kaya ayaw kong lumaban sa mga taong bumabatikos sa anyo ko. Bago pa lang ako sa skwelahan na ito. Ayaw kong mabahiran ng masamang record ang buhay ko rito bilang estudtyante. "Lau... Let's go, please. Hayaan mo na lang sila!" I keep on pulling her uniform but she won't listen. Mas nakipagmatigasan pa siya sa limang babae. "Ayus-ayusin niyo ang paglalait niyo sa ate Joy ko... Kung panget ang tingin niyo sa kanya. Paano na lang kayo? Mas panget kayo dahil wala kayong ibang ginawa kundi ang manglait ng kapwa!" "Panget naman talaga iyang si Joy. Marami ngang takot sa pagmumukha niya. Can't you see that? Sunog ang mukha niya. Sino ba ang gaganahan na lalapitan siya? Her face is gross! Hindi lang iyan, mataba pa," umikot ang mata ng kasama ng chubby na babae. Nag-cross-arm pa siya sabay taas ng kilay. "Aba't! Makapagsabi ka ng panget sa ate ko. Akala mo maganda ka? Mukha ka ngang palaka sa kapal ng lipstick mo! Baka kung hindi lang nasunog ang pagmumukha ni Joy mas maganda pa siya sa'yo!" balik ni Lauren. Nagtawanan lang silang lima. Para bang katawa-tawa ang sinabi ni Lauren. "Wala ng pag-asang gaganda iyan. Sa taba at panget na pagmumukha ng ate mo. Bulag na lang ang papatol sa kanya." "Ano'ng sabi mo! Gusto mo talaga ng away!" Nanlaki ang mata ko nang mabilis na hinablot ni Lauren ang buhok ng chubby na babae. Napahiyaw ito sa sakit. "Tama na iyan. Late na tayo sa school. Huwag mo na silang pansinin!" pagsita ko sa kapatid. Hinila ko siya palayo sa limang babae na pinagtutulungan na rin siyang sabunotan. Kahit si Lauren lang ang nilayo ko pero nahila ako noong isang babae. Kaya nasali ako sa pagsasabunotan nila. Kaya ang resulta kaming dalawa ni Lauren ang pinagtutulungan nila. "Let go my damn hair b***h!" sigaw nila dahil hindi sila tinigilan sa pagsabunot ni Lauren. Niyakap ko ang kapatid para hindi siya maagapan sa sabunutan. Kaya ako itong nasabunutan ng lima. Nanghahapdi ang braso ko gawa ng kuko nilang nanunuot sa balat ko. Napasigaw na nga ako sa hapdi. Pinagtutulakan ko silang lima para lumayo sila sa amin ni Lauren ang kaso mas nahila lang nila ang buhok ko. Hindi rin nagpapatalo ang kapatid ko dahil nakipagsabunutan pa rin siya. Natigil lang kami nang may humila sa akin at kay Lauren. "That's fvcking enough!" Napalayo kami ni Lau sa limang babaeng nanabunot sa amin dahil sa boses ng lalaking hinihila kami. Kulang na lang ingudngud ang pagmumukha namin sa semento. Dahil talo kami ni Lauren. Sa pagkat lima sila at dalawa lang kami mas nagkabuhol-buhol ang buhok namin. "Walanghiya kayo! Ang lakas ng loob niyong pagtutulungan kami ni Joy!" Galit pa rin ang mababakas sa kapatid ko. Hinila ko ang kamay niya para hindi na siya makalapit sa limang babae na kalma lang habang ngumingisi pa. "That's what you get! Tanggapin niyo na lang kasi na panget talaga iyang kapatid mong si Joy. Huwag mo na lang ipagtanggol!" iling-iling nito. "Gusto mo talaga ng gulo!" Akmang sasabunutan na naman ni Lauren ang limang babae ngunit mabilis siyang hinila sa lalaking umawat sa amin na nasa likuran ko pala. "Will you stop, Miss... Nasa skwelahan kayo. Let the disciplinary faculty can handle this. Don't make a scene in the hallway! Calm your ass down!" Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Tanging dibdib niya lang ang nakita ko nang mabalingan ko ito sa likuran. Hinila niya rin ako kanina kaya napalayo kami sa limang babae. Ang tangkad niya. At kaharap ko siya ngayon pero ang buong atensyon niya nasa kay Lauren na panay pakikipagsagutan sa limang babae. Hawak niya ang kamay ni Lauren upang pigilan ito sa pagsugod. Nakahinga ako nang maluwag dahil dumating siya. Ang lapit niya lang sa akin. Bawat bigkas niya ng salita ay naamoy ko ang mabango niyang hininga. "Hindi eh! Nilalait nila ang ate ko! How dare them to look down my sister!" Hindi pa rin siya tinitingnan ni Lauren dahil tinuro-turo pa rin niya ang limang babae. Gusto pa ulit makipagsabunutan. "All of you will be called in principal's office. This is out of rules. You are inside of the school and we won't tolerate some fight inside the school... Exactly twelve in the afternoon all of you must be in the office! Called your parents and we will discuss your punishments." Doon natigil si Lauren at sabay kaming lahat na napatitig sa mukha ng lalaki dahil sa anunsiyo nito. This is what I've been scared for. Ang ipatawag na naman sina Mommy at daddy dahil sa gulo. Napaatras ako nang pagkatingala ko sa matangkad na lalaki. Halos malula ako sa pagmumukha nito. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kapatid ko. Mariin ang pagkakatitig niya nito. Bago niya tiningnan ang limang babae na napatahimik rin dahil sa kanyang presensiya. Sunod sa akin na nakatingala sa kanya. Walang mababakas na pandidiri sa mukha niya nang matingnan ang mukha ko. Iba ang tingin niya. Nakakunot lang ang kanyang noo. Nang matauhan ako sa pagtitig sa kanya. Mabilis kong inaayos ang telang pantakip sa mukha ko. Biglang nahiya sa pagkat titig na titig siya sa pagmumukha ko. Siya lang ang na encounter kong studyante na hindi lumayo sa akin nang matingnan ang sunog kong mukha. "What are you talking? Bakit kami mapupunta sa principal's office? Hindi kami ang may kasalanan kaya nagkagul----" "You are fighting inside the campus... It is against the rules, Lauren. All of you... We'll see in the principal's office. Nagulat ako dahil kilala niya ang kapatid ko. Nanlaki ang matang napatingin ako muli sa kanya. Pagka-angat ko ng mukha naabutan ko siyang malalim ang tingin sa akin. Para bang pinasok niya ang kailaliman ko sa mga tingin niya. Napalunok ako ng laway habang tinititigan ang tindig at anyo niya. I never admire faces but this man in front of me is unique. Iba ang aura na nakikita ko sa kanyang mga mata. His dark eyes looks mysterious. Mapupungay ito na may mahabang pilik-mata. Natatakpan rin ang kanang mata niya sa kanyang hindi kahabaang buhok na may kulay golden brown. Matangos ang kanyang ilong. Mapula ang labi. Mas matangkad siya sa akin. Hanggang dibdib niya lang ako. I gulped when my eyes darted on his long sleeve uniform. Bagay sa kanya ang uniform ng school. Bumababa ang mata ko sa kanyang suot na I.D. Natigil ang mundo ko nang mabasa ko ang pangalan niya. Lalo na ang nasa likod nito na medyo sumiwang sa likod ng I.D niya. "And who are you to command us? Pinagtatanggol ko lang ang ate ko sa mga mapanglait na studyante rito. Bakit kami itatawag sa principal's office. Baka itong limang palaka na ito, nababagay silang ipatawag!" Alam kong pati si Lauren natigilan rin nang ilang sandali sa lalaking umawat sa amin. Ngunit mas nanaig pa rin ang galit niya sa mga babae. "I'm the disciplinary officers in this campus." Pinakita niya sa amin ang suot niyang I.D na nagsasaad na isa nga siyang officer ng campus. Pero hindi ako roon nagulat... Napalunok ako nang mabasa ko ang pangalan niya. "Can't you remember my presence? Isa na ang trabaho ko ang turuan ng leksyon ang mga studyanteng gumagawa ng gulo. As an officer, it's my responsibility to teach all of you some lessons. Let see in the principal's office together with your parents... It's class hour already. Attend your class first before we could see again." Tumalikod na siya para umakyat sa hagdanan kung saan rin kami papunta ni Lauren. Walang lingon-lingon siyang namulsa habang tinatahak ang hagdan. Sinundan na lang namin siya ng tingin. Napatulala na lamang ako. Habang nakasunod sa lalaking sumita sa amin. Nang mawala siya sa pangingin naming lahat. Narinig ko ang bulungan ng limang babae. "Oh my gosh! Nagbabalik na pala siya!" "Hindi ko inaasahan na makikita niya tayong nakipagsabunutan rito sa hallway. Patay tayo nito!" "Hindi ko agad siya nakilala. Ang laki ng ipinagbago niya nang makatungtung siya ng america." "He is more handsome right now! May pagkakaguluhan na naman ang mga babae sa campus!" "Akala ko nasa states siya? Nakabalik na pala siya at dito nag-aaral. I have my inspiration again! I can't wait to see him in the principal's office." "Ang guwapo niya pa rin talaga. Walang pinagbago. Mas lalo lang siyang gumagwapo! Akala ko next month pa siya makabalik ng Pilipinas. Ngayong araw na pala ulit ang pasok niya." Natigil lalo ako pagkarinig ko sa mga bulungan ng mga studyanteng nanonood pala sa awayan namin. Nagtitigan kami ni Lauren. Kunot noo lang ang kanyang tingin sa akin. Nagtataka sa tulala kong pagmumukha. "Are you okay? Pumasok na tayo. Masiyado ng late para sa pang-umaga na klase natin. Don't mind them, Joy. Ako ang bahala sa'yo." Nagsipasukan na ang limang babae sa kanilang class room pagkatapos nilang mag-flip-hair sa amin ni Lauren. Hindi na sila nakipagbangyan. Ngunit mababakas pa rin ang pagtawa nila nang nakakainsulto. Para bang sinasabi ng mga tingin nila na mayayari kami mamaya sa principal's office. "Do you know him, Lauren?" Hindi ko mapigilang tanong. Kakaiba kasi ang titig noong lalaki sa kanya noong hinila siya para palayo sa mga babaeng nanabunot sa amin. Nagkibit balikat lang siya. "Siya ang officers sa campus. Noong bago lang ako rito nandiyan na iyan siya. He is strict. Hindi ko lang siya nakilala agad kanina dahil nagpakulay siya ng buhok. Mas pumuti rin at nagbago ang kanyang hair style." Sumunod na kami sa tinatahak na hagdan ng lalaking sumita sa amin. Tumango-tango ako habang kinikuwento niya sa akin ang background noong lalaki. Hinanap ko ang pigura noong lalaki pero ang bilis ng hakbang niya at hindi na namin siya naabutan. "Anak iyon ng may-ari ng skwelahan na ito. Mag-ingat ka sa kanya. Walang sinasanto iyon. Kilala siya bilang heartthrob ng campus na ito. Marami siyang fans club rito at maraming naghahabol sa kanya..Siya rin ang nagbibigay ng parusa sa mga lumalabag sa skwelahang ito. He is the strict decisplinary officers. Hindi mo pa siya kilala dahil first year college ka pa lang. At kapapasok mo pa lang sa skwelahan na ito. Ang masasabi ko lang sa'yo mag-ingat ka sa kanya... He is good in playing and manipulating." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Kung ganoon mag-iingat pala ako sa lalaking iyon..mukhang delikado pa naman. The way he talk earlier nakakatakot na. Dahil palagi akong tumitigil sa pag-aaral noong elementary ako. Mas nauna si Lauren sa akin. She is in third year college now. While I am still in first year in college. She's 18 years old while. I am nineteen. Isang agwat lang ang lamang namin. "Marami na siyang napatalsik na studyante rito. He is worst when he is mad. Tinitingala siya ng lahat ng studyante lalo na't he is the leader of the officers. Hindi lang iyan. Ang Mommy niya ang makakaharap natin mamayang lunch." Natigil ako... "Do you mean... Principal ang Mommy niya rito? And at the same time pagmamay-ari din nila ang University?" gulat kong saad. She just nodded. Agad akong nawala sa sarili. Biglang bumalik sa pag-iisip ko ang mukha noong lalaki kanina. He keep on running in my mind. Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako pagkakita ko sa pangalan ng lalaki iyon na nasa I.D niya. But his name are familiar to me. I think I heard that name. I think I know that name... "What's his name?" I asked curiously. Gusto kong e-confirm kahit nakita ko ang pangalan nito sa kanyang suot na I.D kanina. Tumigil kami sa pag-akyat ng hagdanan. Hinarap niya ako para sagotin ang tanong. She smiled at me genuinely. "He is Ramcess Morgan.... A fourth year bussiness Management. And a top student. And soon to be CEO in this Morgan University." Napanga-nga na lang ako... I can't help my emotions. Napatakip ako sa bibig. I remember now... I remember that name. I can remember that man. The man who I've been finding for so long...Finally I already meet him again. Akala ko nagkakamali lang ako... Pero totoo ngang nakita ko ulit siya. The boy who promised me that wants to marry me when I turn eighteen. Ramcess Morgan... Sa wakas nagkita na rin ulit tayo. The question is... Kilala niya pa kaya ako? Gayong nagbago na ang itsura ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD