Chapter 1.8

1016 Words
Agad na tiningnan naman ni Wong Ming ang dalawang bantay habang mabilis namang pumasok sa loob ng Auction hall ng nasabing bahay-subastahan. Wala siyang lingong-likod na naglakad habang nalampasan niya ang mga ito. Naglakad siya at napagmasdan ang mga nadaraanan niya at masasabi niyang nagsusumigaw sa karangyaan ang nasabing lugar na ito. Mamahaling mga dekorasyon, mga mwebles maging ng mga gawa sa kristal na mga ilaw habang mayroong mga tila apoy na nasa loob nito na nagbibigay ng kakaibang kulay sa paligid. Hindi nga alam ni Wong Ming na kahit ang nakasabit pa lamang na calming fire na ito ay dekorasyon lamang ng nadaraanan niya sa malawak na pasilyong ito. Nakakatuwa lamang isipin na maayos ang ganitong klaseng lugar na ito kumpara sa iba. Sisiguraduhin niyang hindi masasayang ang oras niya kung sakaling makahanap siya ng mga bagay na magbibigay kasiyahan sa kaniyang sariling kagustuhan o interes. Maya-maya pa ay natanaw niya sa malayo na isang magandang dilag. Sa ayos at uri ng pananamit nito ay masasabing isa itong miyembro ng nilalang na nagtatrabaho sa loob ng Stone Crest Auction House. ... Mahigit isang oras na siya sa loob ng secret room kung saan siya inihatid ng dalagang nakaharap niya sa malawak na pasilyo ng auction house na ito at masasabi niyang hindi naman siya pinabayaan nito bagkus ay mayroong malaking surpresa ang secret room na binayaran niya ng salapi. Mayroong masaganang enerhiyang umalpas sa loob ng sekretong silid na kinaroroonan niya at mayroong mga pambihirang uri ng inumin na nasa silid na ito. Mayroong mga libreng ibinibigay sa mga espesyal na mga nilalang dito habang ang mga nasa shelves ay mayroong mga bayad. Nagulat si Wong Ming sa mga iba't-ibang mga likidong naririto na nakahilera lalo na at hindi naman ito basta-basta lamang makikita sa mga shops bagkus ay eksklusibo lamang ito sa mga itinuturing na VIP ng Stone Crest Auction House. Sa katunayan ay bumili siya ng sampong bote ng mga pambihirang likidong natipuhan niya na naka-display lamang at medyo malaki-laki rin kung tutuusin ang binayad niya. Hindi naman malaking bagay para kay Wong Ming ang salapi lalo pa't marami siyang bagay na dinala na naipon niya mula noong nilisan niya ang Golden Crane City lalong-lalo na ang Wong Family. Magkagayon pa man ay higit na malaki ang value ng mga pambihirang bagay na dala niya mula sa nasabing lungsod patungo rito kung kaya't hindi siya namomroblema sa salaping meron siya. Nalaman niyang may halaga pala ang salapi sa bawat siyudad at maaari itong palitan na naaayon sa eksaktong halaga nito. Nakakamangha isipin ngunit panatag naman siya na hindi siya pagdududahan ng Red City lalo pa't hindi lamang siya ang unang nilalang na taga-Golden Crane City na pumunta sa siyudad na ito. Hindi naman masyadong nagsalita si Wong Ming ng mga personal na bagay bagkus ay itinuon niya ang sarili niya sa kasalukuyan niyang hangarin na makakuha ng bagay na maaari niyang pagka-interesan. Ting! Ting! Ting! Malakas na tunog ang narinig ni Wong Ming mula sa maliliit na mga bells na nakasabit sa loob ng secret room na ito nang mapansin niyang lumitaw sa mawalak na stage ang isang magandang babaeng tila nasa thirties na base sa bone structure nito ngunit ang kaanyuan nito maging ang balat nito ay hindi kakikitaan ng anumang bakas ng paglipas ng panahon. Sigurado si Wong Ming na hindi ordinaryong nilalang lamang ang nasabing babaeng magsisilbing host ng pagpapasubasta ngayong araw. Isang maugong na hiyawan at palakpakan naman ang namayani sa lugar na ito habang mababatid na ni Wong Ming na kilalang-kilala ng lahat ang naturang host sa gitna ng malawak na stage. Walang sinayang ang nasabing host ng pagpapasubasta nang mapansing unti-unting tumahimik ang lahat maging ang mga ingay sa paligid nito "Magandang araw sa lahat. Ako si Madam Yanyu ang inyong magiging host sa pagpapasubasta ngayong araw. Wala na tayong aaksayahing oras at magsisimula na kaagad tayo!" Malakas na wika ng nasabing host na nagpakilala bilang si Madam Yanyu na siya namang malakas na ingay at hiyawan ang maririnig muli sa buong kapaligiran matapos nitong sabihin ang dapat nitong sabihin. Halos positibong mga bagay ang maririnig sa buong lugar na ito habang makikitang tila nagustuhan ng lahat ang nasabing pagpapakilala nito maging ang pagharap nito sa kanila. Sigurado siyang mayroong mahalagang papel na ginagampanan ito sa loob ng Stone Crest Auction House kaya naman malapit ang loib nito sa kaniya lalo na kung paano nito dalhin ang sarili sa harap ng maraming mga tao. Pansin niyang tila kakaiba nga ang presensyang hatid ng ginang na ito. Hindi alam ni Wong Ming kung ano ang magiging hatid ng ginang na ito lung sakaling magtagpo ang landas nila sa hinaharap. Kitang-kita niya ang simpleng pag-obserba ng ginang sa kapaligiran nito lalo na sa mga secret room kung saan naroroon ang mga VIP na mga martial arts experts katulad niya. Mabilis na iwinala ni Wong Ming ang pag-oobserba sa nasabing babaeng ginang nang mapansin na nakatingin sa direksyon nila ang mga mapupungay na mga mata nito. Mabuti na lamang at naging maagap ang nasabing binata kundi ay tuluyan na siyang natunton ng ginang. Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong naningkit ang tingin nitong sinusuyod ang pinanggalingan ng kakaibang tinging naramdaman nito mula sa kaniya o maaaring meron ding nag-oobserba rito. Magkagayon pa man ay kailangang mag-ingat ni Wong Ming lalo na at nasa lungsod siya ng mismong mortal na kaaway ng Dou City na pinagmulan niya. Masasabi ni Wong Ming na puno ng misteryo ang katauhan ng nasabing ginang na host sa pagpapasubasta sa Stone Crest Auction House hindi dahil sa kaanyuan at presensya nito ngunit dahil na rin sa mga bagay na natuklasan ni Wong Ming. "Bakit hindi ko maramdaman ang cultivation level nito? Mayroong bagay na parang pumoprotekta sa katawan nito upang hindi ko masuri ang buong pagkatao nito!" Nahintatakutang sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan habang tikom na tikom ang mga bibig nito. Ramdam ni Wong Ming ang paglukob ng kakaibang pananggalang sa mismong katawan magandang babaeng ginang nang subukan njyang suriin ang sikretong tinatago ng nasabing ginang na nasa gitna ng malawak na stage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD