Ilang minutong nagmasid si Wong Ming sa labas ng bintana at masasabi niyang napakaganda ng lugar na kinaroroonan niya. Kung hindi sinabi sa kaniya ni City Lord Bao na isa lamang itong space mula sa loob ng singsing. Kung siya ang magsasabi ay talaga nga namang hindi niya aakalaing sa pagkawasak ng siyudad ng Mint City ay may naiwan pa rin itong magandang lugar na siyang nagpapatunay na nag-eexist pa rin ang Mint City. Mabilis na iwinala ni Wong Ming ang sarili niya mula sa pagkakatanaw sa malawak na katubigan. Lingid sa kaalaman ni Wong Ming ay mayroong mga dambuhalang mga nilalang na lumalangoy at naninirahan sa katubigan na ito. Sa lawak ng katubigan ay aakalain lamang na ordinaryo lamang ito na lugar ngunit hindi pala dahil na rin sa pasalin-salin na pagmamay-ari ng pambihirang sin

