One

2097 Words
◾◾◾◾ Chapter one: mission "In order to gain your freedom, you have to lose something." Limang buwan na ang nakalilipas simula ng nangyaring pagtakas ko. Si chief o ang dating butler ng pamilya namin ang siyang tumulong sa akin, siya ang nagdala sa akin sa Castello at ngayon ang nagbibigay ng proteksyon upang masiguro ang kaligtasan ko. Umakyat na ako sa aking kwarto upang magpalit ng damit dahil maya-maya lang ay siguradong darating na rin ang aking sundo na si Dan. Saktong pagbaba ko naman ay siyang pagbusina ng kotse kaya mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. "Good evening, young lady." Bati sa akin ni Dan, ngiti lang ang itinugon ko sa kaniya at sumakay na sa likuran ng kotse matapos niya akong pagbuksan. Tahimik lang ako sa byahe habang nakatingin sa kalsada hanggang sa makarating nga kami sa opisina ni chief. Habang naglalakad ako pagpasok pa lang ng kompaniya niya ay lahat ng taong madadako sa akin ang mata ay bigla na lang umiiwas ng tingin. Isang babae pa ang napatigil sa kaniyang paglalakad at di namalayan ang pagkahulog ng mga papeles na hawak. "Nahulog ang dala mo." Paalala ko habang dire-diretsong naglalakad. Sumakay ako ng elevator at lahat ng nakasakay roon ay agad na nagsilabasan kaya ang resulta ay mag-isa lang akong nakasakay ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanila ni chief kung bakit nagkaganiyan sila sa akin ngayon. I hope it isn't some terrifying tales. "What do you need?" Bungad ko kay chief pagkapasok ng opisina niya. "And knock before you come in." sarkastiko naman niyang sabi na hindi ko na lang pinansin, naupo ako sa sofa sa tapat ng table niya. "What do you need?" Walang gana kong ulit. "Impatient as ever, Sora." Napahalukipkip ako sa narinig. "Aalis na ako." Bored kong sabi at akmang tatayo na nang pigilan niya ako. "Alright! You have a mission... Just a simple one." "What kind?" "You need to accept it first." Seryosong sabi ni chief na nagpataas ng kilay ko. "You are just going to watch over someone." Dagdag pa niya. This seems suspicious. "Okay." May iniabot namang file sa akin si chief na naglalaman nang information tungkol sa lead ko ngayon. "I'll go." Paalam ko bago tumayo at lumabas na ng opisina. Hinatid naman ako ni Dan papunta ng Castello kung saan ako nakatira. It was made of marbles and stones at masyado rin malaki ang kastilyong ito para sa akin na nagiisang nakatira dito at sa ibang maids na siyang tagalinis at tagapaghanda ko ng pagkain. Mga maids na hindi ko alam kung nag eexist nga ba talaga dahil hindi ko sila nakikita sa tuwing nasa castello ako. Hindi ko muna binasa ang files at natulog na lang agad ako pagdating ng kwarto. Hatinggabi na rin at makapaghihintay naman ang misyon na 'to. *** Kinabukasan, halos manlumo ako sa kinauupuan ko matapos mabasa ang files na binigay ni chief. He outsmarted me and I should have known better! Alam niyang ayokong humaharap sa maraming tao kaya pina-oo niya muna ako sa pagtanggap ng misyon. Ang lalaking mamanmanan ko ay nag aaral sa SANC UNIVERSITY at kailangan ko rin pumasok sa eskwalahan yun! I flip the pages again up to the last page at nakuha naman ng atensyon ko ang pangalan ng isa pang lalaki. Shin Sumiyoshi 22 years old Siya siguro ang nakasaad dito na makakasama ko sa misyon o yung magbabantay sa akin sa Sanc. Alam ni chief na hindi ako marunong lumaban and the only asset I have is my brain. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at tumingin sa kawalan. I always hated school eversince I was a child. Nung unang beses akong pumasok ng school ay nabully ako dahil sa kakaiba kong itsura, simula noon natakot na akong magpakita sa ibang tao na nagresulta naman ng pagkakakulong ko sa golden's tower ng halos sampung taon. May dalawang araw pa ako para maghanda sa pagpasok ko ng university pero hindi sapat yun para maibsan ang kabang nararamdaman ko. Nagikot-ikot muna ako sa likod ng castello kung saan may tanim ng iba't ibang bulaklak. Mahangin sa likurang bahagi ng kastilyong ito at tahimik kaya sa tuwing gusto ko munang magpalipas ng oras o makapag isip ay dito muna ako dumideretso. ******** Ilang minuto bago ako muling nabalik sa ulirat matapos kong makita ang hitsura ng uniporme ng Sanc, dahil masyadong maikli ang kulay itim nitong pleated skirt. Pero sa huli ay wala rin naman akong ibang nagawa kundi suotin ito at binagayan na lang ng itim na high socks. Beep*beep* Mabilis kong sinuot ang kapartner nitong blazer at kinuha ang bag ko bago tumakbo pababa. Nandiyan na ang sundo ko... Pagkalabas pa lang ng gate ay napahinto na ako sa isang pamilyar na awra na aking nakikita. Dominant and powerful aura like what my father has... Nakasandal lang siya sa kaniyang white and gold Lamborghini, with his all black attire na uniporme rin ng Sanc University. His personality truly contradicts the color of his car. Nagpatuloy ako ng paglalakad at walang salita ay pumasok siya sa driver's seat kaya wala na rin akong nagawa kundi sumakay sa likod nito. "What are you doing?" Malamig na tanong nito sa akin habang nakatingin sa rearview mirror. "What do you mean?" Bored ko namang tanong bago tumingin sa labas ng bintana. "I don't want to look like a driver. Better sit here in front. Tch." He looks pissed off by the way he speaks kaya napagdesisyunan ko na lang ang lumipat ng upuan sa unahan. Inayos ko naman ang aking seatbelt bago siya nagsimulang magmaneho. Mahigpit, as in mahigpit akong napakapit sa aking seatbelt ng halos paliparin niya na ang sasakyan sa sobrang bilis niyang magmaneho. Wala pang 10 minuto ay nakarating kami ng university at pakiramdam ko isusuka ko lahat ng kinain ko kaninang umaga. "Papatayin mo ba ako!?" Inis kong singhal sa kaniya. "Be thankful you didn't die." Walang gana niya namang sagot bago lumabas ng kotse. Lahat naman ng inis ko kanina ay agad na nawala at napalitan ng kaba ng maalala kong nandito na kami. Huminga muna ako ng malalim bago sumunod kay Shin na tahimik na naghihintay sa labas. Napahawak naman ako sa mahaba kong golden blonde na buhok na umaabot na hanggang sa aking bewang. That is why I differ from the others— dahil sa kakaibang kulay ng buhok ko at sa asul na asul kong mga mata. Nasa likuran lang ako ni Shin habang naglalakad papunta sa aming first subject. Maraming mata ang napapatingin sa amin pero marami rin ang napipiling umiwas marahil ay dahil sa cold aura ng kasama ko. "Freak! Duh!" Rinig ko pang malakas na sabi ng isang babae na nadaanan namin sa may hallway. Nang makarating sa room ay doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil mas kaunti na lang ang mga tao. Walang kibo namang naupo sa may bandang dulo ang kasama ko kaya sumunod na lang din ako sa kaniya. Naupo ako sa may tabi niya at kinuha ang dala kong libro para magbasa. Pok* Agad akong napaangat ng ulo ng may papel ang tumama mula rito, inis ko namang binalingan si Shin. "I didn't do it." Sabi niya bago ibalik ang atensyon sa labas ng bintana. "You did it, right?" Sabi ko sa isang lalaki na nakaupo di kalayuan sa likod. "Huh! Wag ka ngang mambintang di ako yung nagbato!" Malakas niyang pagdeny. Guilty. "You did it. Base pa lang sa paggalaw ng mata mo kanina para tignan kung nakatingin ba ako sayo at sa tagilid mong posisyon at paano mo naman nalaman na may nambato sa akin?" Paliwanag ko dahilan para tumahimik siya at ibaling ang atensyon sa bagong pasok naming professor. "Good morning." Bati ni sir sa amin bago ilibot ang paningin. "Transferee?" Baling niya naman sa amin ni Shin. "Yeah." Walang gana kong sagot "Obviously." Bulong naman ni Shin. "Please introduce yourselves." Utos niya. Tumayo naman ako para magpakilala "Sora." Maikli kong sabi bago naupo ulit. "Shin." Malamig na sabi naman ng katabi ko. "Yes, Angelica?" Tawag naman ni sir sa babaeng nagtaas ng kamay. "Hindi ba bawal ang may kulay ang buhok at -" "It's natural." Pagpuputol ko bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin. Isang irap naman ang ipinukol nito sa akin dahil sa pagputol ko sa sinabi niya pero hindi ko na lamang siya tinignan ulit. Bakit ba kasi ang daming maiinit ang ulo ngayong araw? Nakaramdam na rin ako ng pagkainip nang hindi pa rin dumarating ang target ko. Dito ang unang klase niya kaya bakit hindi pa rin siya dumarating? "Nah... Why do they have to keep staring at me?" Mahina kong sabi sa kawalan. "Because you're different." Diretsong sabi Shin pero hindi ko na siyang nagawang lingunin pa ng biglang bumukas ang pinto ng room. "You are twenty minutes early for your second subject Mr. Tyler Amadeus!" Inis na sabi sa kaniya ni sir pero wala itong paki alam na umupo sa tabi ko at yumuko. Matapos ang klase ay nanatili pa ring naka ubob sa kaniyang table si Amadeus. Tumayo na ako para lumabas nang bigla na lang may humawak sa palapulsuhan ko. Nilingon ko ito, si Amadeus na pala ang may hawak sa akin pero nakayuko pa rin siya nang magsalita. "Sora..." Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng banggitin niya ang aking pangalan, kahit si Shin ay mukhang nakuha ang atensyon. Sinubukan ko namang bawiin ang aking kamay pero lalong humigpit ang pagkakahawak niya. Nagpumiglas ulit ako hanggang sa bago na namang kamay ang humawak naman sa pulsuhan ni Amadeus. "Let her go." Matigas na sabi ni Shin. Umangat naman ang ulo ni Amadeus habang nakangiti pa ng nakaloloko bago bitawan ang aking kamay. Halos matapilok pa ako sa daanan ng bigla na lang akong hilahin ni Shin palabas. "Be careful with that guy." Malamig nitong sabi sa akin. 'I know' gusto ko sanang sabihin sa kaniya. "Kilala mo ba siya?" Tanong ko habang mabagal na kaming naglalakad sa may field. "Yeah and he's dangerous." Gaya kanina ay hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses niya. Nakayuko lang ako habang naglalakad ng - oumph! "Thank you." Sabi ko ng tulungan akong itayo ni Shin dahil sa pagkakabangga sa akin ng kung sino. Lumingon ako para tignan kung sino yun kaso likod niya na lang ang aking nakikita. Nauna nang naglakad si Shin at nakasunod lang ako sa likod niya papuntang cafeteria, pagkapasok naman namin rito ay halos di magkamayaw ang ingay at dami ng tao. Nahagip pa ng aking mata si Angelica na masama ang tingin sa akin habang iniinom ang juice niya, susunod na rin sana ako kay Shin na bumibili na ng pagkain ng may mahigpit na humawak sa braso ko. "Alam mo dapat sayo tinuturuan ng leksyon." Pinigilan ko ang aking sarili na magtanong ng 'huh? Bakit naman?' dahil baka lalo lang siyang magalit kaya nanatili lang akong tahimik habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mata. "Nemie! Amin na yung gunting!" Sigaw niya na naghakot lang ng atensyon sa karamihan. Tatanggalin ko sana ang pagkakahawak niya sa akin ng buhok ko naman ang kaniyang nahawakan, mukhang alam ko na ang mangyayari. She was about to cut my hair short ng may pumigil sa kamay niyang may hawak na gunting. 'Shin...' At ang sunod niyang ginawa ang mas kinagulat ng karamihan, inagaw ni Shin ang gunting at marahas na ginupit ang buhok ni Angelica bago ihagis ang gunting na siya namang saktong bumaon sa table nung Nemie. And after that he grab me on my wrist at hinila ako palabas ng cafeteria. Pumunta kami sa may likod ng university kung saan walang katao tao. Naupo kami sa madamong bahagi nito. "Thank you. " Bulong ko. Kruuu~ Napangiwi ako ng kumulo ang aking tiyan dahil sa gutom. Hindi pa nga pala ako nakapag breakfast kanina. "Ahmm. Shin n-" "Here." Abot niya sa akin ng isa pang plastik na hawak niya. Kinuha ko naman iyon at kinain ang sandwich na laman nito at smart C. Matapos kumain ay paalis na rin sana kami ng may mahagip naman ang mata ko sa gilid ng building. "Wait." *** TYLER Positive. Tama nga ang narinig ko na nandito ang golden fairy, kahit sa malayo ay alam na alam ko ng siya iyon. Sa blonde nitong napakahabang buhok hindi imposible ang madali siyang makilala. Pagkalabas nila ng classroom ay agad ko namang tinawagan si Pearson. "What?" Bungad niya naman sa akin sa kabilang linya. Sumandal naman ako bago ipatong ang dalawa kong paa sa upuan sa aking harapan. "She's here." Ngisi ko. "Then do your job." Kahit di ko siya nakikita alam kong nakangiti siya ngayon. "Anything for your bride, Pearson." Ngisi ko. "By the way, ngayon ang transaksyon dito. Anong gagawin ko matapos iyon?" "Kill them." Matigas niyang sabi bago ibaba ang tawag. Ibang klase talaga matapos makipagtransaksyon ipapapatay niya ang pinagkuhanan. Pero ang dapat ko munang isipin ay ang prinsesa ni Pearson. Let's see kung hindi maguluhan ang babaeng tinatawag nilang Sora. Parte ako ng Royal mafia pero kakampi ako ni Pearson. Wala namang masama kung kumapit si Sora sa maling katotohanan. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD