Chapter 1

2449 Words
Chapter 1 "Hoyy bruha ka Paula,nagcutting class ka kahapon sa Arts, maraming activity na pinagaw si sir Mark.," bungad sa kaniya ni Arriane pagpasok niya kinabukasan. Agad niya itong siniko dahil nasa likuran lang nila ang yaya niya, baka marinig itong tumakas siya sa klase kahapon. "Hinaan mo nga yang boses mo, baka marinig ka ni yaya." "Bye ya," kumaway siya sa yaya niya nang papasok na siya ng gate ng school. Sakto namang pagtigil ng sasakyan ay siyang daan ng kaibigan kaya tinawag niya ito. "Lukaret ka talaga, kapag nalaman ng magulang mo yan sermon na naman ang aabutin mo, ayos ayosin mo yang pag-aaral mo baka gusto mong hindi makagraduate" "Duhh??bored na bored ako kahapon , saka bakit naman nila ako ibabagsak, sa laki ng investment ng parents ko sa school na to?" "Yan na naman tayo e,palagi mo nalang ginagawang shield ang connection and power ng magulang mo. Ganyan ba talaga kayong mayayaman?"Napairap siya sa sinabi ni Arriane.Sa lahat ng kaklass niya itong si Arriane ang nagtyagang maging kaibigan siya.Galing ito sa middle class kung hindi dahil sa utak nito hindi ito makakapasok sa school nila sa mahal ba naman ng tuition doon. Si Arriane ang tipong babaeng kahit galing sa middle class kayang kaya dalhin ang sarili, straight forward din ito, isa sa hinahangaan niya dito ang sipag at tiyaga nitong pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. "That's how money works Arriane,"pagyayabang niya pa. Umikot ang eyeball nito sa ere at tinalikuran siya. Maarte siyang naglakad para sundan ito, lahat ng mata nakatingin sa kaniya, well sanay na naman siya don, maraming gustong mapalapit sa kaniya pero ramdam niyang marami din ang inis.Maalin man sa dalawa wala siyang pakialam, pinipili niya lang din naman ang gusto niyang maging kaibigan. pagdating sa room nila ay maingay ang kaniyang mga kaklase.Meron na naman sigurong binubully ang mga ito,galit ang mukhang inawat iyon ni Arriane.Hindi pa napapansin ng mga kaklase niya ang na naroon na siya sa loob. Tumikhim siya. "Ahemm"Agad naman na nagsipag tahimik ang mga ito,nang makita siya, kaniya kaniya ng balik sa kani-kanilang upuan. "Kailan nyo titigilan si Channel ,wala na naman kayong ibang napagdiskitahan kundi siya." mataray niyang saad. Humakbang siya para sa lapitan si Channel na nasa sulok ,magulo ang buhok nito habang nakayuko, umuuga ang balikat dahil sa pag-iyak,sumiklab ang galit sa dibdib niya. "Paano kasi nakakatawa, ang layo naman kasi talaga ng pangalan niya sa itsura niya, Channel yong pangalan mukha namang basurahan". Naningkit ang mata niya sa tinuran ni Jessica, nagtawanan naman ang mga kaibigan nito. "Tumahimik ka Jessica, as if naman hindi ko alam kung saan kinuha ng parents mo ang pinang tuition sayo dito., Asikasohin mo muna ang grades mong puro pasang awa bago ka mang api sa kapwa,kung hindi lang naman sa perang kinurakot ng ama mo hindi ka makakapag enrol dito." Napasinghap si Jessica sa sinabi niya.Nanlisik ang matang nakatingin ito sa kaniya.Malamang napahiya e. Tinaasan niya lang ito ng kilay at nilapitan si Channel, muntik na siyang mapamura nang makita putok ang kilay nito ,at dumudugo. Hinawakan niya sa braso si Channel, at inalalayang tumayo. Kinuha ni Rian aang gamit nito at sumunod sa kanila palabas ng room, nag-iwan siya ng babalang tingin kina Jessica bago sila lumabas. Dinala niya ito sa clinic. Nagulat pa siya nang pagdating doon ay naroon si Jacob.,Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng doctor na yon sa clinic ng school nila. Nagulat ito nang makita siya. Pero agad din namang nakabawi nang marinig na dumaing si Channel. "What happend".tanong nito. Inalalayan si Channel na maupo. "Nabully na naman siya,".Sagot ni Rian tumikom ang bibig nito at nagbago ang expression ng mukha.Kumuha ito ng facemask at nagsuot ng gloves.Pagkatapos ay sinuri ito. "Putok ang kilay mo ,kailangan yang tahiin Kailangan mong madala sa hospital dahil medyo malalim ang sugat ." Mahinahon nitong turan habang kinakausap si Channel. "Lalapatan muna kita ng first aid para maampat ang dugo, pero pagkatapos dito dadalhin kita sa hospital okay,?" Tumango si Channel at nagpasalamat. "Paanong nabully siya?Napakaaga pa para may mangyaring ganito, naireport nyo naba to sa admin?" kausap nito kay Rian, ingat na ingat na hindi mapadako ang tingin sa kaniya ,tila iniiwasan siya. "No idea, nadatnan nalang namin na nagkakagulo ang classroom, then we found her sa isang sulok and.. and.. crying " maarte niyang sagot. Kahit kay Rian ito nakatingin,sinulyapan lang siya saglit pagkatapos ay muling tinuon ang pansin kay Channel. hmmp!!suplado, buti nalang gwapo ka... Habang abala ang lalaking lapatan ng first aid si Channel nagkaroon siya ng pagkakataong suriin ang kabuuan nito, mula sa balikat na kahit natatakpan ng coat alam niyang broad yon. Bumaba ang mata niya sa impis nitong tiyan, halatang alagang alaga ang katawan, maging ang kutis ay makinis. Muling umakyat ang tingin niya sa mukha nito, kahit natatakpan ng facemask nakalitaw parin ang umbok ng ilong nitong minsan na niyang napagmasdan nung nasa hospital, matangos iyon. Ang pinakagusto niya sa lahat ang stubbles na parang ang sarap nun haplos haplosin. Napailing siya, paano dumating sa puntong sinasaulo niya ang physical features ng isang lalaki. Siniko siya ni Rian, pinandilatan siya nito ng mata. "What??" saad niya, ngunit walang boses. Lumapit ang mukha nito sa kaniya at bumulong. "Masyado kang obvious, kulang nalang sunggaban mo si doc". "Huwag kang maingay" ganting bulong niya dito saka umayos ng tayo. Hinintay nilang matapos si Jacob ,. Nilagyan nito ng bandage ang kilay bi Channel. Bumukas ang pinto at iniluwa iyon ni Mrs. Jacinto. "Good Morning doc Reece..Ohh ang aga niyan doc, ano pong nangyare?" Nag-alalang tanong ni Mrs. Jacinto ,ito admin hesd nila ng School..Bakas sa mukha nito ang awa habang nakatingin kay Channel. "Ikaw ulit Miss Agustin,. The last time you're here your having troubled with Miss Salcedo.," Binalingan siya nito. "Mrs. Jacinto, I did not this her, infact I am the one who brought Channel here in the clinic,". "Really Miss Salcedo, the last time youre in trouble you said the same thing, hindi ikaw ang gumawa,alin ba sa sinasabi mo ang totoo.?" "What??" "Maybe It's time to call your parents". Pagkasabi niyon ay lumabas ito ng clinic at akmang lalabas ng pigilan niya ito. Hinawakan niya ito sa braso. "Mrs.Jacinto, you're wrong, I did not do harmed Channel, kahit tanungin nyo pa siya. Pagdating ko sa room naroon na yong mga kaklase ko binubully siya." "Saka ko na papaniwalaan ang sinasabi mo Miss Salcedo after investigation, but I'm warning you,kapag napatunayan na ikaw ulit ang gumawa ng gulo,kahit running ka for Valedictorian Im sorry, mapipilitan kaming alisin ka sa eskwelahang ito". Madiin at seryoso nitong turan saka ito tuluyang lumabas. "Wa...what??" Nakangangang napalingon siya kay Rian na tila nabigla rin. "Anong problema nun?,Hindi naman ako gumagawa ng trouble, They'll just push me to my limit kaya pumapatol ako, you knew me Arriane." "Well,make your money works for you gaya nang palagi mong sinasabi, well see kung ililigtas kapa ng pera ng magulang mo sa pagkakataong ito". Saad ng kaibigan,pero alam niyang niloloko siya nito. Dinilaan pa siya nito para lalo siyang maasar. "Rian, are you crazy???, tayo ang magkasama kanina, how dare you to say that, hindi ako ang gumawa niyan kay Channel,don't tell me naniniwala ka sa matandang yon??" mataray niyang sabi dito. Napabaling siya bigla kay Jacob, nakalimutan niyang naroon nga pala ito. Nakatingin ito sa kaniya ngunit hindi niya maarok ang nasa isip nito, malalim itong tumingin kaya naman nailang siya. "Do...doc.., Not me. . promise ,hindi ko kayang gawin yan kay Channel". "Hindi ako ang magulang niya para hingin ang explanation mo, mas lalong hindi ako guidance councilor para makinig sayo". Suplado nitong saad. Tumayo ito, sa tangkad niyang 5' 5 umabot lang siya hanggang balikat ng lalaki. "Dadalhin kita sa St. Francis, tatahiin ko doon ang kilay mo,. and kailangan niya ng kasama dahil hindi na ako makakaalis para ihatid siya sa kanila, magbababa pa ako ng letter sa admin para excuse muna ngayong araw hanggang bukas,". "Ahmm, doc sorry may student council meeting po kasi ako this morning, siya nalang tutal siya naman tong trouble maker". Pinandilatan niya ito ng mata., talagang pati ito ay pinapapangit ang image niya kay Jacob. Akmang kukurutin niya ito nang tumunog ang cellphone, nag-excuse si Rian para lumabas, kumindat ito sa kaniya bago tuluyang lumabas. Nakaangat ang kaniyang kamay sa ere dahil sa ginawa ni Rian. Pinukulo nito ang dugo niya agang aga. On the other side napangiti siya ibig sabihin siya ang sasama kay Channel sa hospital, makakasama niya ng ilang sandali ang gwapong doctor. May gumuhit na ngiti sa sulok ng kaniyang labi. Nakaangat ang kilay ni Jacob ng tingnan niya ito,biglang napawi ang ngiti niya, baka kung anong isipin nito sa kaniya. "So, ikinatutuwa mo talaga ang may mapahamak na iba dahil sa kagagawan mo, . tsssk.." "Ha??" te...teka, nagkamali ka, hindi ako.. ang.." "Dalhin mo ang gamit ni Channel, alangan namang siya ang pagdadalhin mo ng gamit siya ang enjured". matigas na saad nito, inalalayan nitong makatayo si channel sa upuan at marahan na ginawakan sa braso. "Pero..." "Ano???" "O.. Okay, dadalhin ko na ang gamit ni Channel". "Can you walk?" baling nito kay Channel, at masuyo itong tinanong. "Yes doc" "Okay, personal car ko na ang dadalhin naten dahil wala dito ang service,". Nakasunod siya sa mga ito habang naglalakad patungong parking. Hirap na hirap siyang dalhin ang bag ni Channel, bakit ba kasi ganun ito magdala ng gamit, parang buong bahay ay naroon sa loob. Nagbubulungan ang mga estudyanteng nakakasalubong nila,.. malamang first time nilang makitang nagbitbit siya ng gamit ng iba, baliktad na dati nag-aagawan ang mga ito kung sino magdadala ng gamit niya, ngayon siya na ang gumagawa nun". Kung hindi ka lang gwapo, nunca susundin kita Pagdating sa parking, maingat itong nakaalalay kay Channel pagpasok ng sasakyan. Sa likuran ito pinasakay. Akmang bubuksan niya ang pinto sa tabi ng driver seat ng magsalita ito. "That seat is not belongs to you," masungit nitong turan. Napahiya siya. Ayaw siya nitong katabi. "Aahmm sorry". Pumihit siya sa likuran,.napairap siya sa hangin dahil hindi man lang siya nito tinulungang buhatin ang gamit ni Channel papasok sa sasakyan, hindi rin siya pinagbukas ng pinto. wala ba siyang dating dito??Nagtataka siya kung bakit masungit ito sa kaniya.Humugot siya ng malalim na hinga saka binuksan ang pinto sa tabi ni Channel. Saktong pagpasok niya nang may dumating na babae, sinalubong ito ni Jacob at bumeso. Kilala niya ang babae, isa ito sa student assistant na natarayan niya nung minsang nabuhusan siya ng tubig habang kumakain sila sa isang coffee shop, ang alam niya nag papart time doon ang iyon, nasa senior high na ito ,mula sa loob ay kita niya kung paano ito ngitian ni Jacob. Inalalayan din ito ng lalaki para makapasok sa loob, sa tabi ng driver seat na gusto niyang upuan kanina. So ito pala ang nag-mamay-ari ng upuan sa tabi nito. Nanlaki ang mata ng babae ng makita siya sa loob ng sasakyan, nagtataka marahil ito kung bakit naroon siya. "Good Morning po. mam Paula".Bati sa kanya sabay yuko.Bakas sa mukha ang pagtataka nang mapadako ang tingin kay Channel.Nilingon nito si Jacob. "Dadalhin ko siya sa St. Francis, nabully siya ng mga kaklase at nagkaroon ng malalim na sugat ang kilay,kailangan tahiin". Napasinghap ito ,at biglang napatingin ulit sa kaniya..Bumuka ang labi nito ngunit hindi nagsalita, sa halip ay nagbaba ng tingin at umayos ng upo sa harap. Hindi na ito muling lumingon sa likuran. "Your seatbelt babe" . boses ni Jacob. "Ohh sorry" . Nagmamadali ang kilos na nagkabit ng seatbelt ang babae. Tamad na umayos siya ng upo, si Channel sa tabi niya ay tahimik lang, siguro nga ay masakit ang sugat nito. Babe.... Napairap siya, parang nainis siya sa tawag ni Jacob sa babae.. Hindi malayong may relasyon ang dalawa. Nilingon niyang muli si Channel, nakapikit na ito. Nakaramdam siya ng awa dito.Kung kinakailangan itong i-confine ipapaconfine niya. Hindi niya alam kung taga saan si Channel, ang alam niya lang kagaya ni Arriane nakakuha ito ng full scholarship sa school kaya ito nakapasok doon. Pero hindi kagaya ni Arriane na kaya nitong ipaglaban ang sarili sa mga kapwa estudyanteng nambubully. Ayaw na niyang bumalik sa dati na kapag may nababalitaan siyang binubully na estudyante ay binabalikan niya yong mga may gawa. Kaya sa dulo siya ang lumalabas na mahilig sa trouble,ang hindi alam ng iba nireresbakan niya lang ang mga iyon bilang ganti sa mga nagiging biktima ng mga ito. Alam niyang ang kagaya ni Channel ay walang laban sa ibang mag-aaral doon sa St.Gerald International school ,siya lang ang kinatatakutan ng ibang anak mayayaman na nag-aaral doon. Bumaba sa kung saan ang babaeng nasa harapan,. Ang dami pang sinasabi ni Jacob saka tuluyan itong pinakawalan. Nakasimangot siya. Pagdating sa hospital ay agad na dinala ni Jacob si Channel sa ER,pagpasok niya ay nakasunod ang mga naroon sa kaniya. Malamang iisipin na naman ang mga ito siya may kagagawan sa nnangyari kay Channel base sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Tumaas ang kaniyang kilay at taas noong naglakad palabas sana doon. "Miss Salcedo,Where are you going??" Tawag sa kaniya ni Jacob. "I am going to my mom's office" Humakbang si Jacob palapit sa kaniya. Tumigil ito ng dalawang hakbang ang pagitan,ngunit amoy niya ang pinaghalong alcohol at pabango nito, hindi niya mapigilan ang sariling mapapikit , nagustuhan niya ang combination ng amoy ng lalaki. "No, you have patient here na kailangan mong samahan, pagkatapos mong biktimahin lalayasan mo?" saad nito sa mababang tono, . "What??I told you I am not the one who did this to her". "At sino paba, ikaw ang naroon ,ikaw lang naman ang mahilig gumawa ng gulo, biktima ang mga nakakaawang bata kagaya ni Channel," "What??" "It's your obligation to accommodate her here,pagkatapos niyang makapagpahinga dito ihahatid mo siya sa bahay nila, at bigyan mo siya ng perang kailangan niya sa ilang araw na hindi siya makakapasok sa part time job niya dahil sa kagagawan mo. ". Madiin nitong saad.Pinagtitinginan sila ng mga naroon, kahit mahina ang boses ng lalaki rinig parin ito ng mga tao. "Paula Veronica, to my office". Napalingon siya sa likod nang marinig ang boses ng ama. Napapikit siya ng mariin. "Nagsasabi ako ng totoo at patutunayan ko yan sayo, lover boy. ,kapag lumabas na hindi ako gumawa nito kay Channel , may utang ka sakin na isang gabing date." kumindat siya dito. "And, kahit hindi sabihin sakin, nasa isip ko na ako ang maghahatid kay Channel sa bahay nila at magbibigay ng pangangailangan niya habang nagpapagaling, see you on our date ,handsome" . Nagtagis ang bagang nito, bago pa ito makapagsalita ay pumihit na siya patalikod para sundan ang ama sa opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD