Chapter 7

2525 Words
Chapter 7 Ilang minutong tinitigan ni Paula ang ilang libohin , gusto niya iyong ibalik kay Jacob. Iba ang iniisip nito sa kaniyang tinuran. Akala pa naman niya nakapuntos siya dahil nag-effort siya nung gabing iyon para iuwi sa condo nang kuya niya ang lalaki. Ang iniexpect niya matutuwa ito dahil tinulungan niya itong safe na makauwi sa gabing iyon,pero kabaliktaran ang naging reaksyon nito. Para itong nandiri at nagalit dahil siya ang nag-uwi nito nung gabing iyon. Paano kaya kung ang Rose na iyon ang nag-uwi dito, baka magpapasalamat at yayakapin pa ni Jacob sa sobrang kaligayahan. Gusto niya itong sampalin nung bigkasin nito ang pangalan nang Rose na yon habang tulog. "Ohh wow , ang dami mong pera. Anyare?? anong ginawa mong kabutihan at binigyan ka nang magulang mo nang ganyan kadaming pera?"Bungad da kaniya ni Rian na bagong dating, kasunod nito si Mariz , nasa library siya at doon naghihintay nang sunod nilang klase. "Hindi ito bigay nila mommy" simpleng sagot niya, hindi parin inaalis ang tingin sa pera.Nung binilang niya iyon nasa siyam na libo iyon.Ano bang akala ni Jacob kaya siya nitong bayaran nang pera,. "Ohh really?? sino nagbigay kuya mo?"Umiling siya,.Tamad siyang sagutin ang pang uurirat nang mga kaibigan,. "Ano ba yan, napulot mo lang ba yan??,teka nga.. ano bang meron sa pera na yan at sinasaulo mo yata ang serial number". pangungulit parin ni Rian. "Jacob gave this to me". "Jacob?? whos Jacob?" si Mariz na lumapit pa ang mukha sa kaniya na parang naiinip sa sagot niya. "Jacob as in Doctor Reece Jacob Herrera?? nagkita na kayo?" ulit nito sa napakalakas ang boses na tanong ni Mariz na siyang ikinalingon nang ilang estudyante. "Ssshhh, ang ingay mo Mariz.Lower your voice,nakakahiya". "Wow, marunong ka pala nuon" pang-aasar sa kaniya ni Rian. "Sige asarin nyo pa ako, mas lalo akong hindi magsasalita". Umirap ang dalawa sa hangin at bahagyang umismid. "Oh sige na, quite na kami. ibulong mo na". "Okay, lapit kayo. ibubulong ko nalang" . Inilapit naman nang mga ito ang teynga sa kaniya. Saka niya ibinulong ang sasabihin. "Secret walang clue". Bulong niya sa mga ito. Inirapan siya nang dalawa at bahagyang tinulak. "Ay ano ba naman yan, napakadamot sa information." "Mga chismosa talaga kayo. Halatang halata. diyan na nga kayo. Mauna na ako. may pupuntahan pa ako". "Huyy aba saan ka naman pupunta?? may practice pa mamaya para sa graduation naten, kailangan ka doon." Tumaas kilay niya, at agad na nabored. "Hay naku, alam ko na naman ang gagawin ko, pakisabi nalang kay sir sumama ang pakiramdam ko. " Hindi na niya hinintay magsalita ang dalawa at tuloy tuloy na lumabas nang library. Nagriring ang cellphone at agad naman niya iyong sinagot nang makitang yaya niya ang tumatawag. "Yes yaya"? "Paula, naghabilin si mommy mo umuwi ka nang maaga, deretso kang uwi pagkatapos nang practice mo. " "Bakit?" "Anong bakit?may event sa hospital nyo mamayang gabi diba? kaya ka nga nagpasukat nang susuotin mo last week. " Oo nga pala, muntik na niya iyong nakalimutan dahil sa okupado ni Jacob ang isip niya. Matagal na nakatitig si Paula sa kalsadang dinadaanan ng taxi. Hindi siya mapakali. Napakabilis ng t***k ng kanyang puso habang papalapit sa lugar na gusto niyang puntahan. Kailangan niyang malaman ang totoo. Hindi maaring magkamali—ang nakita niya nung isang gabi sa mall ay hindi isang ilusyon. Trenta minuto ang biyahe bago niya narating ang isang upscale na building. Napansin niyang medyo matrapik, kaya lalong tumindi ang kanyang pagka-inip. Pagdating niya sa lobby, nilapitan siya ng guard. “Ma’am, may concern po ba kayo? May unit po ba kayo dito?” tanong nito. Umiling siya, pero hindi agad nakasagot. Ramdam niya ang bigat ng tingin ng guard, kaya napaurong siya. Masyadong diretso ang approach niya. Tumalikod na lang siya, pilit na iniisip kung paano makakahanap ng ibang paraan. Habang naghihintay siya ng taxi sa labas, napatigil siya nang makita ang isang itim na Pajero na pumaparada sa harap ng building. Parang bumagal ang oras. Ito iyon. Ang parehong sasakyan na nakita niya nung isang gabi sa mall. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kalsada, tahimik ngunit kinakabahan, habang bumababa ang driver ng Pajero at binuksan ang pinto para sa pasahero. Nagulat siya nang makita ang babaeng bumaba—si Rose. Eleganteng-elegante ang dating nito, nakasuot ng black pencil skirt at blazer. Tila pupunta ito sa isang importanteng meeting. Ang maamong ngiti nito sa driver ay hindi niya mapalampas, lalo na nang tila magbiro ang lalaki at malambing na umiling si Rose. Nag-init ang mga mata ni Paula habang hinabol ng tingin ang bawat galaw ng babae. Hindi siya maaaring magkamali—may koneksyon si Rose sa lugar na ito. Mabilis niyang hinanap ang cellphone niya at sakto sa oras na na-picture-an niya si Rose habang yumayakap ito sa driver. Agad siyang napaisip. Imposibleng si Jacob iyon. Nang makapasok si Rose sa loob ng building, nagdesisyon siyang balikan ang guard. “Kuya, pwede po magtanong?” sabay pilit na ngiti. “Yes, ma’am?” tanong ng guard, halatang nagtataka. “’Yung babae pong pumasok kanina, dito po ba siya nakatira?” tanong niya. Gumamit siya ng kaunting kwento para hindi siya pagdudahan. “Friend po kasi ng kuya ko ‘yun. Natanong ko lang kung dito na ba siya nakatira.” “Opo, ma’am. Dito siya tumutuloy, pero hindi po nakapangalan sa kanya ang unit,” sagot ng guard. Napakunot ang noo niya. “Ah, ganun po ba? Kanino po nakapangalan, kuya?” Ngunit bago makasagot ang guard, dumating ang isa pang bisita at kinailangan nitong tumuon sa pag-aassist. Naiwan si Paula na may mas marami pang tanong sa isip. Tumunog ang cellphone niya—tumatawag ang yaya niya. a loob ng taxi pauwi, hindi mapakali si Paula. Ang mga eksenang nasaksihan niya kanina ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Sino ang tunay na may-ari ng condo? Ano ang relasyon ni Rose sa driver ng Pajero? At higit sa lahat, bakit tila napakalapit ni Rose kay Jacob? Pagdating sa bahay, sinalubong siya ng yaya niya. “Paula, ang tagal mo! Parating na ang stylist at make-up artist mo. Magmadali ka, at baka ma-late ka sa event,” sabi nito, halatang naiinis. Sa gabing iyon, nakabihis si Paula ng eleganteng evening gown na sinadya para sa kanilang event. Habang pababa siya ng hagdan, napansin niyang maraming tao ang nasa kanilang sala—mga bisita mula sa ospital at business partners ng kanyang mga magulang. Nakita niya rin ang ina niyang abala sa pag-entertain ng mga bisita. "Paula, halika dito," tawag ng kanyang ina. Lumapit siya at napansin agad ang matamis na ngiti nito habang pinapakilala siya sa ilang doktor na kasama nito. Isa sa mga iyon ay si Doctor Jacob Herrera. Laking gulat niya nang makita si Jacob na naka-black suit at may dalang baso ng wine. Diretso ang tingin nito sa kanya, ngunit hindi nagbago ang lamig ng ekspresyon sa mukha. Para bang wala itong nakikita. Ngunit sa ilalim ng mga ilaw ng chandelier, may kakaibang tensyon sa kanilang pagitan na hindi maipaliwanag. Sumimangot siya nang biglang lumitaw ang babaeng kanina lang ay ibang lalaki ang kasama. Gusto niyang sugurin ito at ipamukha kay Jacob na hindi matinong babae ang kinalolokohan nito. Na may iba iyong kinakalantari bukod sa kaniya. Ngunit bigla siyang napaurong dahil alam niyang hindi ito maniniwala sa kaniya. "Paula, this is Doctor Herrera. Isa sa mga pinaka-talented nating cardiologist sa ospital, nakapunta na siya sa bahay naten last time remember?" sabi ng ina niya, proud na proud. " Yes mom,Good evening, Doctor Herrera," bati niya, pilit na kalmado ang boses. "Good evening," maikling sagot ni Jacob, walang emosyon. Hindi niya alam kung ang tensyon ba ay dala ng eksena kanina o dahil sa presensya ni Rose sa kanyang isip. Ngunit isang bagay ang sigurado—ang gabing ito ay hindi matatapos nang walang komplikasyon. Lalo na’t nariyan si Jacob. Habang nag-iikot si Paula sa event, pilit niyang iniwasang muling mapalapit kay Jacob.Bigla siyang nakaramdam nang inis dito dahil kasama nito ang babae na yon. Kung kumilos ang babae akala ko kung sinong mahinhin.. Ngunit sa kabila nito, nararamdaman niyang sinusundan siya ng tingin nito. Ang bawat kilos niya ay parang nasisilip nito, at kahit sa pag-uusap niya sa iba’t ibang bisita, ramdam niyang naroon lang si Jacob sa paligid. Nang mapagod siya sa pakikisalamuha, tumungo siya sa veranda ng venue para makalanghap ng sariwang hangin. Tahimik ang lugar, na para bang tinanggal ang bigat ng dami ng tao sa loob. Habang nakatingin siya sa malayo, muling pumasok sa isip niya ang eksena kanina—si Rose, ang driver, at ang misteryo sa likod ng lahat. "Hindi mo yata hilig ang mga ganitong event," boses na nagmula sa likod niya.Tumawa ito nang pagak.. "Yeah..magtataka pa ba ako, ang gusto mo naman ay hindi fomal event na kagaya nito. Kundi ang maharot na tugtog nang isang bar, may bitbit na alak at walang habas kung gimiling sa gitna nang dancefloor,hindi alintana ang mga lalaking halos tumulo ang laway habang pinapanuod ka". may pang-uuyam sa tinig nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Nag-init ang ulo niya. Napalingon siya at nakita si Jacob, nakasandal sa frame ng pinto, ang isang kamay ay may hawak na wine glass. Hindi niya alam kung anong klaseng laro ang ginagawa nito, pero isang bagay ang malinaw: gusto nitong mag-usap sila. "Bakit nandito ka?" tanong niya, pilit na ginagawang normal ang tono. "I work here, Paula. That’s a question you shouldn’t be asking." May bahid ng sarcasm ang sagot nito. Tumiklop ang kanyang bibig. Ayaw niyang mapahiya, pero hindi rin niya alam kung paano sasagutin ang lalaki. Tumalikod siya at muling tumingin sa malayo. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya, hanggang sa maramdaman niya ang presensya nito sa tabi niya. "Bakit ka nagtatago sa madilim na part na to nang event?looking for a man again na bibiktimahin mo ngayong gabi??" may bahid na pangunutya ang tono nang boses, naamoy niya ang mabangong hininga nito na may halong alak. Nakainom na ang lalaki. "Ano bang problema mo?" asik niya rito. "ooopppss, parang ang sungit mo yata, samantalang kahapon halos magmakaawa ka sakin para mabigyan ko nang atensyon". "Excuse me??" "Hindi kaba talaga titigil hanggat hindi nakakarami nang lalaki??ha??alam ba nang magulang mo kung gaano ka karuming babae??" Malutong na sampal ang ginawad niya sa pisnge nito. Madilim sa area na yon kaya alam niyang walang makakapansin sa kanila.Sumosobra na ito sa sinasabi at pagkakakilala sa kaniya. "How dare you to say that, hindi mo ako ganun kakilala." Galit niyang asik dito. Malakas ang dating sa kaniya ni Jacob, aminin niyang gusto niya ito .Pero nasasaktan siya sa kung paano ito magsalita tungkol sa pagkatao niya. "Kilalang kilala kita, kung sino sinong lalaki nalang ang pinapatulan mo". "Pwede ba. Kung wala kang magandang sasabihin ,leave me alone. Bumalik kana doon sa babaeng kasama mo. Hindi ka rin naman nakakasiguro kung ano ang tunay niyang pagkatao kung mahusgahan mo ako wagas,."Nangunot ang noo ni Jacob sa sinabi niya. Pagkatapos ay nangangalit ang panga, nagagalit ba ito dahil pinagdudahan ko babaeng ginugusto nito. "Rose is a fine woman,with class na pwede ipagmalaki kahit kanino because she is a descent woman, and you??? wala ka sa kalingkingan niya". Umangat ang kilay niya at mas lumapit pa siya rito.Tumingkayad siya upang bumulong sa teynga nang lalaki. "Talaga ba?? gaano ka nakakasiguro na malinis ang pagkatao nang babaeng pinagyayabang mo sa akin?Baka kapag nalaman mo ang totoo babawiin mo yang sinabi mo , baka mabigla ka na virgin pa ako kesa sa kaniya". Nilandian niya ang boses sa huling sinabi at walang lingon likod na umalis. Tuluyan nang nabored si Paula sa gabing iyon.Hindi sa hindi niya gusto ang ganung event, ayaw lang niya talaga makipag socialized sa mga babaeng mamayaman na naroon, nagpapayabangan nang yaman sa pamamagitan nang mga eleganteng kasuotan at nagkikintabang alahas. Sa mga hindi nakakaalam, kahit siya ay ipinanganak sa mayamang angkan nang pamilya pero hindi siya komportable na makipagsukatan nang yaman kahit kanino, para sa kaniya pantay pantay lang ang mga tao. Habang papalayo si Paula mula kay Jacob, naramdaman niyang bumibigat ang bawat hakbang niya. Hindi niya alam kung galit ba o sakit ang mas nangingibabaw sa dibdib niya. Kailangan niyang umalis sa lugar na iyon bago pa siya tuluyang masaktan. Ngunit bago siya makalayo nang tuluyan, naramdaman niyang hinawakan siya sa braso. “Paula,” malamig ngunit may halong tensyon ang boses ni Jacob. Hindi siya tumingin sa lalaki, pero ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak nito. “Hindi pa tayo tapos.” Nilingon niya ito, pinilit ang sariling maging matatag. “Jacob, wala na tayong dapat pag-usapan. Ayoko nang patulan ang kabastusan mo.” “Bakit? Dahil totoo ang sinabi ko?” Mapait ang ngiti nito, ngunit sa kabila ng panlabas na galit, tila may ibang emosyon sa mga mata ni Jacob. Parang may hinahanap ito, pero hindi niya mawari kung ano. “Hindi ako perpektong tao, Jacob, pero hindi mo karapatang husgahan ako base lang sa nakikita mo. At lalo na base sa mga maling iniisip mo,” madiin niyang sagot, pilit na itinatago ang nangingilid na luha. “Hindi kita hinuhusgahan, Paula. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko.” Huminga siya nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. “Kung ganun pala, mali ang tingin mo. At mas lalong mali ang ideya mo sa pagkatao ko. Ikaw ang dapat magbago ng pananaw mo bago ka magbigay ng hatol.” Tumalikod siya ulit, naglalakad nang mabilis palabas ng veranda. Pero bago pa siya makalayo, narinig niya ang mahinang tugon ni Jacob, sapat lang upang marinig niya. “Hindi kita hinuhusgahan dahil gusto kong saktan ka, Paula. Hinuhusgahan kita dahil ayokong mahulog sa isang taong hindi ko kayang intindihin.” Parang tumigil ang oras. Napahinto si Paula, ngunit hindi siya lumingon. Nanghihina ang tuhod niya sa bigat ng mga salita ni Jacob. “Hindi ko kaya…?” Paulit-ulit itong umalingawngaw sa isip niya. Bago pa siya tuluyang bumigay, pinilit niyang magpatuloy. Kailangan niyang umalis bago pa maging mas magulo ang lahat. Sa kotse pauwi: Tahimik na nakatingin si Paula sa bintana habang binabagtas ng kotse ang daan pauwi. Ang mga ilaw mula sa kalsada ay tila nagiging blur sa harap ng kanyang mga mata. Parang wala siyang makita nang malinaw, maging ang damdamin niya ay magulo. “Hindi kita kayang intindihin…” bulong niya sa sarili, pilit na inuunawa ang ibig sabihin ng sinabi ni Jacob. Kung galit siya sa akin, bakit siya nag-abala? At kung ayaw niya sa akin, bakit niya ako sinundan? Muli niyang inalala ang eksena kanina. Ang titig ni Jacob, ang bigat ng mga sinabi nito. Parang may iba pang dahilan kung bakit ganito ang trato nito sa kanya—isang bagay na hindi sinasabi ng lalaki.Bakit parang nasasaktanyata siya sa mga sinasabi nito sa kaniya at sa cold treatment nang lalaki. Ang ganung eksena kanina ang siyang nagpapabigat sa damdamin niya, ngayon niya ito naramdaman sa isang lalaki. Dati naman wala siyang pakialam kung ano ang komento sa kaniya nang karamihan, pero yong galing mismo sa bibig ni Jacob parang kutsilyo iyon na tumutusok sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD