Chapter 1

1050 Words
Jamie Bilisan mo, Jamie! Bilis! Hay naku! Araw ngayon ng Huwebes, may pasok. Kung hindi lang ako siguro nagpuyat kagabi at late nang magising, sana hindi ko dinaranas ang kalbaryong ito. Ngunit ano pa ang magagawa ko, nangyari na ang nangyari. Ngayon, ako ay may nalalabing isang oras na lang para masapit ang paaralan. Dapat ko na talagang bilisan! Dahilan sa exam week namin ngayon sa unibersidad na pinapasukan ko, mahigpit ang patakaran ng administration sa mga papasok nang late. Kapag nagsimula na ang oras sa exam schedule ng mga estudyante, may extension na 15 minutes na binibigay para sa mga darating na late. Kapag hindi nakaabot ang estudyanteng iyon-- maliban na lang kung gaano ka-valid ang kanyang rason-- ay hindi na siya makakakuha ng exam sa naturang subject na iyon. Sa maikling salita ay malaki ang chance na ma-fail ng estudyanteng iyon ang subject na wala siyang exam. Bilis! Bilis! Kasabay sa pag-pe-pedal ko ng aking bisikleta ay ang kumakalam ko na sikmura na piniling hindi na lang mag-almusal para subukang umabot sa 8:15 namin na schedule. Calculus ang una naming exam sa araw na ito. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nagpuyat kagabi. Wala akong ibang inatupag kung hindi i-review lahat ng mga naging topiko namin sa subject na iyon. Nagbabakasakaling makabawi ako sa huling pagsusulit nito, upang hindi na ako mabaon sa mababang marka. Sana magka-75 man lang ako. Habang ako ay patuloy sa pag-pe-pedal ng bisikleta sa pinakamabilis na paraan na kaya ko-- habang pinanatili ko rin ang aking consciousness sa paligid at hindi nakokompromiso ang kaligtasan nino man-- sa pagliko ko sa kaliwa, isang pangyayari ang sisira sa aking araw ang naganap. Tila ay napakamalas naman nitong araw sa akin. Mula sa matulin na pag-pe-pedal ko, nang may natapakan ang unahang gulong ng bisikleta ko na isang matalim na dulo ng pako, bigla akong nawalan ng kontrol sa lahat-lahat. Mistula nag-slow-motion ang aking paligid. Dahilan sa agad-agad na nabutas ang gulong, naging hindi kanais-nais ang pagpapatakbo ko ng bisikleta. Gumiwang-gewang ang manibela nito hanggang sa may nadamay na ngang tao. Habang sinusubukan kong ihinto ang bisikleta, may nasagi akong babae. "Miss, sorry po," may pagpasensyang sabi ko sa babae na nakaupo na ngayon sa damuhan. Dahilan sa impact nang pagkakasagi ko sa kanya, kaya nandoon na siya ngayon. Kita pa rin sa kanyang mukha ang pagkagulat sa bilis ng pangyayari. "Miss, sorry talaga." Mula sa bisikleta-- na sa wakas ay huminto na rin-- ay tinungo ko ang kanyang kinalalagyan. Inilahad ko sa kanya ang aking kanang kamay, nagbabalak na tulungan siya. Dahan-dahan niya muna akong hinarap at pansamantalang tiningnan sa mukha bago napagdesisyunang tanggapin ang aking kamay. Tinulungan ko siyang tumayo. "Miss pasensya ka na talaga," magaan na sabi ko sabay bigay ko sa kanya ng puting panyo. Mabuti na lang at sa damuhan nangyari ang pagkakasagi ko sa kanya. Nagkaroon lamang siya ng mga pailan-ilang dumi sa kanyang damit. "Salamat." Ngumiti siya habang tinatanggap ang aking panyo. Agad-agad naman niyang pinunasan ang mga dumi na nakikita niya sa kanyang mga damit na parehong gawa sa denim fabric. "Excuse me, Mr..." Tiningnan niya muna ang aking school I.D. bago nagpatuloy sa pagsasalita, "...Sylver. Pwede mo bang matingnan ang likod ko?" Iniharap niya ang likod niya sa akin na siya ko rin namang tiningnan kung may dumi nga. "Wala po," matipid na tugon ko nang aking  masiguradong walang dumi ang mayroon. Ewan ko ba kung ako lang ang nakapansin, ngunit ang ginawa niyang pagtalikod sa akin ay naganap sa sexy na paraan. Tama ba ako? Hay naku! Ito na naman ako sa madumi kong imahinasyon. Aaminin ko, maganda siya. Ngunit wala siyang gusto sa akin! "Sige, Mr. Sylver. Baka mahuli ka pa sa exam mo." Dahan-dahang narehistro sa aking utak ang kanyang sinabi. The f**k! Ilang minuto na ba ang nakalipas? Mula sa kanya ay dali-dali kong tinuon ang aking tingin sa relong nasa kaliwang kamay ko: 7:50. "See?" narinig ko ang magandang babae na nagsalita. Ngunit hindi ko na nagawang harapin siya dahil masyado na akong natulala sa posisyon ng mga kamay ng orasan. Paano na ito? Hindi na talaga ako makakaabot sa exam. Mula sa relo ay tiningnan ko ang aking butas-na-harapang-gulong-na-bike na pansamantalang hindi ko magagamit sa kasalukuyan. Andoon iyon nakahiga sa damuhan na para bang pinagtatawanan ako sa aking kamalasan sa araw na ito. "Miss, sorry talaga. Sana ay mapatawad n'yo ako." Tinungo ko ang aking bike at napagdesisyunang ikandado na lang ito sa malaking puno. "It's okay, Jamie," magiliw niyang sinabi ang aking pangalan. "Ano ang una mong exam ngayon?" "Integral Calculus po, Miss." "Ah, I see. 8:15 ang simula, 'di ba?" "Opo, miss. Bakit n'yo po alam?" "Secret. By the way, ilang taon kana  ba?" "19 po." She chuckled a bit before replying, "Ang galang mo naman Jamie. But I prefer you just call me Candice. And also, no 'po' during our conversation. Understood?" "Po?" "Kasasabi ko lang na 'walang po'. I think this would not be the last time we will be meeting each other." Gusto niya ulit ako makita? "Malamang nga, Candice," pagsang-ayon ko. "I like it when you speak my name, Jamie. So husky." Nang matapos ko na ang ginagawa kong pagkandado sa aking bike, tinungo ko ulit si Candice at nagpaalam: "Mauna na ako, miss." "Sabi ko nga. Good luck sa exam mo." Kasabay niyon ay nag-gesture ako sa kanya ng shake hands na walang pasubali namang tinanggap niya at nakipagkamay sa akin. "Nice meeting you, Candice." "Nice meeting you, too, Jamie." "Salamat!" ang huli kong tugon bago kumaripas ng takbo. Mayroon na lang akong iilang minuto na laan sa biyahe. Dapat ko na talagang bilisan! Dahilan sa hindi ko na magagamit ang aking bisikleta, ang pangalawang transportasyon na gagamitin ko papuntang paaralan ay ang bus na. Mabuti na lang at malapit sa pinangyarihan ng insidente ang inihintuan ng sasakyan. Mula sa kabilang banda ng kalye ay tumawid ako sa pedestal crossing nang mag-sign na ang traffic light na pwede na kaming maglakad-- kung saan ako ay tumakbo. Nang makatawid na ako ay agad-agad akong lumiko sa kanan at tinungo ang waiting shed na ilang sandali pa lang ang nakalipas ay may huminto nang bus. Pumasok ako roon at naghanap ng upuan na bakante. Hindi nga ako nabigo, may nakita ako. Doon sa kaliwang dulo, nakatingin sa labas ng bintana na may malalim na iniisip, ay ang childhood bestfriend ko na walang katabi. Ewan ko ba kung ano ang nangyari sa aming pagkakaibigan at ngayon ay nagmukha na kaming estranghero sa isa't isa. Ano nga ba ang nangyari, Florence?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD