chapter 5

1169 Words
Mabilis na humabol si Enzo kay Sofia dahil matulin itong tumakbo pabalik sa bahay ni Aling Melinda. Ramdam ni Enzo ang kasiyahan dahil ngayon pa lang may pag-asa na siya kay Piyang. Kagyat siyang napakagat labi habang tinatanaw ang papalayong dalaga kumirapas na ito ng takbo. “Kapag boyfriend mo na ako. Ilalayo na kita sa tiyahan mo. Wala ng kahit na sino man ang puwede mananakit sa’yo,” saad ni Enzo sa kanyang sarili. Unang kita pa lamang niya sa dalaga may kakaiba na siyang nararamdaman para rito. Mas tumindi ang kanya pagmamahal sa dalaga habang tumatagal. Ngunit inilihim lamang niya ito at madalas idinaan sa biro. “Piyang, bakit napakatagal ninyong bumalik? Naku kayo talagang mga bata kayo. Baka magkasakit pa kayo niyan dahil sa lamig. Hala, sige na magbihis na kayo nakahanda na ako ng hapunan natin,” utos ni Aling Melinda sa mga bagong dating. “Pasensiya na po, Aling Melinda. Napasarap kasi ang pagtatampisaw namin sa ilog.” Napatango lamang siya kay Sofia. Walang anak ang ginang, kaya parang anak na rin ang turinh niya sa kanila. Dati pa lang naawa na siya sa dalawa. Si Enzo wala na itong nga magulang namuhay na lamang ito mag-isa. Kaya simula noon lagi niya itong binibigyan ng pagkain. Masipag at mabait din naman ito. Lagi itong tumulong sa kanya lalo na sa karenderya niya. Si Sofia naman saksi siya kung paano pagmamalupitan ng tiyahin nito. Kung hindi lang masamang makialam matagal na niyang sinumbong sa DSWD ang bruhildang Milet. Pero kadugo nito ang bata kaya wala siyang karapatan na pakialaman ito. Napaigtad si Sofia ng may biglang umakbay sa kanya. Papasok na sana siya sa banyo nila Aling Melinda. Para magbihis. Paglingon niya nakangising mukha ni Enzo ang sumalubong sa kanya. Nagpa cute ito ng ngiti sa kanya. Kaya lalo tuloy lumuwa ang malalim na dimples nito sa kabilang pisngi. “May Piyang bakit ko ako iniwan,” maktol nitong saad sa kanya. Nakanguso pa ang mapupula nitong laba na tila umaktong nagtatampo sa kanya. Dahan-dahan na tinanggal ni Sofia ang braso ni Enzo na nakaakbay sa kanyang balikat. Kung dati okay lang sa kanya ang ginawa nito pero ngayon na iilang na siya dahil alam niyang may gusto sa kanya ang binata at manliligaw na ito sa kanya. “Eh, i-ikaw kasi ang bagal mo,” hindi niya alam bakit bahagya siyang nauutal. Si Enzo lang naman ’yon. Kung dati kompartable siya sa mga yakap sa kanya ni Enzo pero ngayon hindi na. Nahihiya na siya sa binata. “Natatakot ka na ba sa akin ngayon, Sofia?” malamlam ang tinig na tanong ng binata sa kanya. May lungkot sa kulay brown nitong mga mata habang nakatitig sa kanyang mga mata. Napalunok naman si Sofia unang beses niyang tawagin ng binata sa kanyang pangalan. Bakit napakagandang pakinggan nito sa tuwing si Enzo ang bumibigkas sa kanyang pangalan. “Ahm, bakit naman ako matatakot sa’yo Amboy? Wala ka namang ginawang masama,” napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi dahil sa bigla na lamang tumahip ng malakas ang kanyang dibdib. Napayuko siya ng ulo dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito na tila ba tumatagos sa kanyang puso. Baka mamaya masagot na niya ito kahit hindi pa man nagsimulang manligaw ito sa kanya. Ngunit napaangat rin siya ng tingin nang hawakan ni Enzo ang kanyang baba at itinaas iyon para magpantay ang kanilang mga tingin. Mas lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib nang muling magtama ang kanilang paningin. “Salamat Sofia, sa pagkakataon na binigay mo sa akin. Alam mo ba na natatakot akong aminin sa iyo ang nararamdaman ko dahil ayaw kong layuan mo ako, ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin. Masaya na ako nakasama kita lagi. Sofia, patawarin mo ako kung minahal kita. Mahal na mahal kita," puno ng senseridad na saad ni Enzo. . Unang beses niyang nakitang sobrang seryoso ni Enzo. Ibang-iba ito sa Enzo na kasama niya araw-araw na laging nagbibiro at nakangiti. Marahan siyang ngumiti sa binata dahilan na muling pagliwanag sa mukha ng binata. “Wala ka naman dapag ihingi ng tawad, Amboy. Wala kang ginawang masama.” Dahil sa kanyang sinabi hindi napigil ni Enzo nayakapin siya ng mahigpit. Ngunit tila na pasong lumayo siya kaagar sa dalaga dahil kahit may suot itong damit naramdaman niya anpg lambot ng malulusog nitong bundok na lumapat sa kanyang matigas na dibdib. Baka hindi pa siya makapagpigil at kung ano pa ang kanyang magagawa. “Ah, pasensiya ka na. Sige na magbihis na tayo baka papagalitan na tayo ni Aling Melinda.” Buong hapon masaya si Sofia. Kahit sandali nakalimutan niya ang mga hinanakit sa buhay. Walang anti Milet na nanakit at bumubulyaw sa kanya. Matamis siyang napangiti habang pinagmasdan ang magandang paligid. Sobrang nagugustuhan niya ang lugar dahil tahimik ito malayo sa kanyang kinalakihang lugar na maingay. Ganito ang luhar na pinangarap niyang tirhan. Nag-aagaw na ang linawang at dilim heto siya nakaupo sa bangko na yari sa kawayan. Kung maari lang siyang mananatili rito pero hindi puwede dahil alam niyang magagalit ang tiyahin. Hindi rin niya maatim na iwan ang mga ito. Sila na lang ang natitira niyang pamilya, kahit malupit ang tiyahin nitong si Milet at kanyang nga pinsan mahal pa rin niya ang mga ito. “Sofia, pumasok ka na sa loob gumagabi na. Baka marami ng lamok diyan sa labas!” sigaw ni Aling Melinda kaya sinunod niyang pumasok na lamang. Nadatnan niyang naghuhugas ng plato si Enzo gustuhin man sana niyang siya na lang ang maglilinis sa kanilang pinagkainan pero nakipag-agawan sa kanya ang binata kaya hinayaan na lamang niya iyon. Inisip na lamang niya na parti iyon sa panliligaw ng binata. Kasalukuyan sila ngayong nasa maliit na sala sa bahay ni Aling Melinda nang marinig nila ang tugtog ng gitara. Nagtakang sumilip sa bintana ang ginang para alamin kung sino ang naroroon. Maging si Enzo at Sofia ay nakiusyoso na rin. Nakita nila ang tatlong kalalakihan na nakasuot pa ng karsones, naka polo na puti at halatang nilagyan ng gel ang mga buhok. Malapad ang mga ito na ngumiti at kumakaway sa kanila. “Lando, Miggy at Samuel kayo lang pala. Bakit kayo napadpad sa pamamahay ko?” “Tiya Melinda, nakita ko kasi na may magandang babaeng kang kasama. Kaya nais sana naming haranahin siya.” “Tatanungin ko muna siya kung papayag ba sa gusto ninyo.” Napalingon sa kanya si Aling Melinda hinihintay ang kanyang kasagutan. Nang tingnan naman niya Enzo kita niya ang pagkuyom sa ng binata at pag-igting ng panga nito. Hindi niya alam kung papayag ba siya o hindi. Pero pangit na naman pakinggan kung hi-hindian niya sila. Baka akalain pa ng mga ito na maarti siya. “Ano Sofia, payag ka ba?” “Si-sige po, Aling Melinda. Okay lang naman po.” Ngunit mali yata ang desisyon mo dahil nakita ko kung paano mahigpit na ikinuyom ni Enzo ang kanyang mga mata habang nakatanaw sa tatlong mga lalaki. Nagseselos kaya siya kaya siya nagagalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD