Anjo Pov... Nangako ako kay Savannah na mamasyal kami pagkatapos niya mag - aral kaya naman ginalingan niya para mailabas ko siya. Iniwanan namin si Maya sa kanilang bahay dahil date lang namin iyon ni Savannah. Pinasakay ko siya sa lahat ng mga rides bago pinakain ng ice cream na paborito niya. Pagkatapos naming maglaro at kumain ay dinala ko siya sa department store para bumili daw ng Elsa na stuff toy saka kanyang bihisan na damit dahil madumi na ang kanyang suot. Nakalimutan ko kasi magbaon ng damit niya kanina dahil sa excitement niya ganun din si Maya. Talagang gabi na nung pumayag siyang umuwi na kami. Masarap ang tawanan namin pagpasok ng bahay. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Andrew sa kanilang bahay. Hindi ako nakapagsalita agad nung nakita ko siya dahil talagang nagulat

