Andrew Pov... Hindi pa pumapasok nang buo sa utak ko ang mga sinabi ni Maya! Anu daw nabuntis ko siya at hindi niya asawa si Anjo? Napahalakhak ako ng malakas! Anung akala niya sa akin maloloko nila! Napasuntok ako sa mesa dahil sa inis. Sabi ko hindi na ako magkakaganito dahil sa isang babae pero bakit halos makapatay na ako! F*ck! Malakas kung pagmura. Buti naman at tahimik ang bartender, wala ngayon si Dave na nakakaintindi ng galit ko kapag andito ako sa bar. Muli akong umorder ng hard drinks. Para akong baliw na tumatawa habang nagagalit. Hindi ko maiwaksi sa aking isipan ng paulit - ulit ang nabuntis mo ako at hindi ko asawa si Anjo. Gusto kong magbunyi kong totoo man yun pero hindi naman niya ipinaliwanag sa akin kung anu talaga ang estado nila ni Anjo kaya mahirap paniwalaan.

