Maya Pov... Simula bumalik ako ng Maynila ay kinakabahan akong magkrus ang landas namin ni Andrew. Hindi pa ako nakahandang salulubungin ang pag - usok ng kanyang bulkan lalo na kung ito ay pumutok. Malaking pasalamat ko rin kay Anjo na kahit tinanggihan ko siya ay annatili siyang kaibigan sa aking tabi at ama kay Savannah. Pero ngayong apat na taon na si Savannah alam na niyang hindi si Anjo ang kanyang ama. Si Anjo rin ang nagpasok sa akin sa Cebu sa kompanya ng mga Farinias. Ngayon inilipat niya ako dito sa Quezon city. Hindi ko alam na sakanya rin pala ang VTG Marketing. Hindi naman mahirap magtrabaho pero si Savannah ang inaalala ko. Lagi na kasing sa yaya siya naiiwanan. Hindi ito ang gusto ko kaya gusto ko magbukas ng sarili kong maliit na negosyo. Pero dahil sa pagpunta ni Andrew

