Dion's POV "Papalapit na naman anniversary ng kompanya, may ideya ba kayo kung saan natin ito idadaos?" "Yan ang wala talaga akong kaalam-alam." "Malamang, palagi ka namang missing in action sa anniversary eh." Napuno ng tawanan ang apat na sulok ng meeting room na ito matapos kong ipatawag ang ilang mga inhinyerong katulad ko dahil sa bagong project na gagawin namin. And since we're all done with the said meeting, I let my colleagues spend the remaining minutes of our working schedule here inside the room. At dahil uuwi na rin naman kami maya-maya, napagpasiyahan nila na magusap-usap tungkol sa anibersaryo ng kompanya. "What about you, sir? May ideya ka ba sa nalalapit nating anniversary?" Nakangiting tanong sa akin ng kapwa kong inhinyero. I fixed my seat before answering him.

