I wanted to run towards Tito Ivory and take Zion from him but my Papa's hand on my shoulder almost broke my bone just to stop me. Masakit pa rin ang sikmura ko na dalawang beses sinuntok ni Tito Ivory ngunit hindi ko kayang magpaawat dahil lang doon kahit ang mga suntok nya ang gumising sa akin noong umagang iyon. Halos hilain na ako ni Papa nang makarating kami sa penthouse. Galit ko syang hinarap ngunit isang sampal sa mukha galing sa kanya ang nagpatigalgal sa akin. "Jarius!" Daddy's voice cut the silence between me and my father. "Kung hindi ko napigilan si Ivory kanina malamang hindi lang suntok sa sikmura ang tinamo mo mula sa kanya, Akira. How could you drag Zion sa mga kalokohan mo?!" Singhal ni Papa sa akin. "Sumagot ka!" He screamed at me nang tanging matatalim na tingin lang

