Chapter 3: Akira

3268 Words
"HAPPY BIRTHDAY, AKIRA!" Everybody in the club screamed when I rise up my glass of wine. "Happy birthday, sweetie!" Liningon ko ang bumati at tipid na ngumiti sa kanya. She tried to kiss me on the lips pero kaagad akong nag-iwas ng mukha kaya lumanding ang halik nya sa pisngi ko. Napipilan sya sa ginawa ko pero kaagad din syang nakabawi. "Ikaw ha. One year na tayo pero ayaw mo pa rin ng PDA." Malambing syang tumawa sabay yakap sa akin. I cringed when I felt her boobs rubbed my chest. Kung pwede ko lang syang itulak ay ginawa ko na but I can't. She's my girlfriend. Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumitaw sya ng yakap at pumunta sa dance floor kasama ang ilang kaibigan nya. "Akira, buti hindi nagagalit yang si Jayden sa cold treatment mo sa kanya. Dude, bukod sa birthday mo, 1st anniversary nyo pa ngayon just in case nakalimutan mo na." Reno, a close friend, told me. Hindi ko sya sinagot bagkus ay pinanuod ko ang pagsasayaw ni Jayden. Ano ba ang isasagot ko sa kanya? Sasabihin ko ba na hindi naman talaga girlfriend ang trato ko kay Jayden? That I don't love her? Ni hindi ko nga matandaan kung paano ko sya naging girlfriend eh. Nagising na lang ako na magkatabi kami sa kama at parehong hubad. According to her, I kissed her daw during my birthday party and asked her infront of my guests to be my girl friend. She said yes naman daw and we ended up on her bed. She was so happy that time na nawalan ako ng boses para umayaw o para itanggi ang sinabi nyang we're already in a relationship. When I went to class, everyone was congratulating me dahil napasaakin na daw finally ang pinakasikat na babae ng Martenei University. Yup. Jayden is beauty, body and brains dito sa school. She's more than perfect. Walang sinoman ang aayaw sa kanya. Ako lang. Ako lang yata ang ayaw sa kanya. Bakit ko nga ba sya hinalikan nung gabing iyon kung hindi ko naman pala sya gusto? Is it because  I miss someone she always reminds me of? Is it because she's the next best thing to that person? I felt the familiar pain in my chest upon remembering that boy. Nag-iwas ako ng tingin sa grupo nina Jayden at tumungga ng wine. "Bantayan mo sila. Magpapahangin lang ako sa labas. Masyadong mainit dito." Paalam ko sa kanya. Tumalikod na ako at walang lingon na umalis. Naglakad ako palabas ng club. Ni hindi ko pinapansin ang mga nadadaanan kong mga estudyanteng binabati ako. Dumiretso ako sa elevator at umakyat sa rooftop ng hotel na kinaroroonan ng club. I heavily sighed when the cold wind embraced me. I miss him. I miss him so much. "Z--zion..." I whispered his name. Ilang taon na ba? Ilang taon ko na syang hindi nakikita? Ilang taon na ba akong umaasa na pupuntahan nya ako? Ilang taon na ba akong naghihintay? Pinagsiklop ko ang mga daliri ko. I bitterly laughed at my f****d up mind imagining that I'm holding Zion's hand like we used to do tuwing naglalaro kami noon ng taguan. Kung may choice lamang ako, pupuntahan ko sya sa America. Pero hindi pwede. Wala ng mabigat na reason para pumunta kami doon. Narito na sa Pilipinas sina grannies. Dito nila napiling magretire. Pwede siguro kung bakasyon ang reason pero masyadong busy sina Papa at Daddy sa mga businesses namin. Ayaw din nila kaming payagan na umalis na kami lang dahil sa koneksyon ni Tito Isly sa mga Mafia. Mahirap daw na kami ang mapagbalingan ng mga kalaban nya. I'm wondering if I'll ever see him again. Kapag nagkukuwento si Jayden, limited lang ang mga impormasyon na sinasabi nya. I tried looking for him in f******k pero kakaunti lang ang mga larawan nyang nakapost sa album ni Jayden. Wala naman syang sariling f******k account. Ayaw daw maexpose ng mga magulang nila si Zion sa social media. At mukhang malabo rin na payagan nila itong mag-explore sa outside world bukod sa bahay nila. Based on Jayden's stories, Zion wasn't allowed to go to ordinary schools dahil sa bad experience nito when he was in Grade 8. Zion was bullied because of his condition. Nagkatrauma ito dahil sa mga sinabi at ginawa ng mga kaklase nyang matagal na pala syang binubully simula nang grumaduate sa school nila ang mga kakambal nya. He didn't tell his parents nor his siblings about it sa takot na patigilin sya ng mga ito sa pag-aaral. Until he can't take the bullying anymore. I was in turmoil while Jayden was sharing Zion's experience. Sinabi nyang ikinulong daw nila si Zion sa likuran ng isang sasakyan na iniwan nila malapit sa gubat sa kabilang city. Mabuti na lang daw at may isang police mobile na nakakita sa abandonadong sasakyan kaya narescue si Zion. I felt guilt upon knowing what Zion has experienced from those bullies because I am a bully myself. The only difference was that, I do not bully for self-satisfaction. I bully those who do not abide with our rules. I have the right for I am the master of the 7 Demons. Binuo ko itong muli upang mapangalagaan ang eskwelahan na pag-aari ng aking pamilya. Just like my Lolo Marcus and Papa, I managed the school with iron fist. Noong dumating kami dito sa Pilipinas, the former President of the school was not aware na marami na palang hindi magagandang nangyayari sa loob ng school. Students were not throughly disciplined that's why petty crimes became rampant. When Daddy became its President, sinimulan nyang ayusin ang school but it was hard. Kaya naman when I turned 15, muli kong binuhay ang grupo ng 7 Demons and started 'cleaning' the school from the inside. Masasabi ko na sa loob ng tatlong taon ko bilang Master ng 7 Demons, napatino ko na ang 75% ng mga estudyante. It was hard especially noong nagsisimula pa lang ako. I had to close my eyes from the sight, ears from the pleas, and heart from pity when we started 'cleansing' the students. I was able to prove my self as the Master of the 7 Demons. My Lolo and Papa are so proud of what I've already accomplished. I am not an A+ student. Average lang ang talino ko. It was my brother Kenji who got Daddy's intelligence. Wala namang problema sa akin o sa mga parents ko iyon. As long as magaganda ang mga gradong naipapakita ko, wala kaming problema. Hindi rin naging problema ng pamilya namin kung kaninong anak ba talaga kami ni Kenji. Kung kay Papa ba o Daddy. Kumuha sila ng surrogate for me and my brother kaya we were born in the natural way. Ang importante naman sa amin ay isa sa mga parents  namin, our fathers,  ang pinanggalingan namin. Though masasabi ko na mas hawig ko si Dad at mas hawig ni Kenji si Papa. Tahimik lang din ako. Hindi palasalita. Malayo daw ako sa pagiging madaldal at pilyo noong bata pa ako. I could say na nagsimula lang naman ang pagiging tahimik ko nang dito na kami sa Pilipinas manirahan. Nadala ko na yun hanggang sa edad kong ito. It became so hard for me to live here in the Philippines unlike my brother na nakapag-adjust agad. Ako, nahirapan. I became a loner. Mas ginusto ko ang mapag-isa kesa ang makipaglaro o makipagkaibigan sa iba. Mas gusto ko ang magkulong sa kuwarto ko kapag walang pasok upang alalahanin ang mga panahon na kasama ko pa ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Isa lang ang nakakapagpalabas sa akin sa kuwarto, bukod sa pagkain dahil kailangang sabay-sabay kami. Iyon ay ang pag-aaral ng piano. My Dad hired a teacher for me at masasabi ko na nagfocus talaga ako na matuto dahil sa pangako ko sa isang importanteng tao hanggang sa maging bihasa ako sa instrumentong iyon. Sa ngayon, kami na lang ng kapatid ko ang narito sa Martenei. Nagpatayo ng mansion ang Papa ko sa isang subdivision three years ago isang oras ang layo dito sa university. Umuuwi kami ni Kenji doon tuwing weekends o tuwing may espesyal na okasyon. Doon na rin naninirahan ang mga lolo. My life is good. It's almost perfect. My parents are okay. My grannies are still healthy and strong despite of their age. I manage the school well kaya minsan sa isang buwan na lang pumunta dito si Dad para magcheck. I have a great group of friends. I have a perfect girlfriend. Pero... Hindi ako masaya. Hindi pa rin ako masaya. Hindi pa rin ako kontento. Nakukulangan pa rin ako sa buhay ko. Obvious naman kung ano or rather sino ang kukumpleto sa akin. Ewan ko ba. Napakatagal na panahon na pero nasa isip at puso ko pa rin sya. Madalas, tinatanong ko sa sarili ko kung dapat pa ba akong maghintay at umasa. Baka nga hindi na nya ako naaalala eh. O baka, ayaw nya talaga akong maalala. I could still remember, halos two years ko syang pinapadalhan ng sulat noon. Doon nga gumanda ang penmanship ko kasi dati tamad akong magsulat. Pero dahil inspirado ako, halos every week ay nagpapadala ako ng sulat sa kanya ngunit ni isa, wala syang sinagot. At dahil matigas ang ulo ko, sulat pa rin ako nang sulat. Nung nakaisang taon nga ako sa pagsulat sa kanya, I even made up an excuse for him. I told my self na baka hindi pa sya marunong magbasa at magsulat dahil sa condition nya. So isa pang taon ang ginugol ko sa walang sawa kong pagpapadala ng sulat bago ko natanggap sa aking sarili na talagang hindi na nya sasagutin ang mga sulat ko. I was so hurt dahil nakakatampo naman talaga. Kahit isang sulat man lang sana. Pero wala. I even tried calling him through the help of Dad to the point na iniiyakan ko pa sya noon para lang mag-overseas call sya sa mga Salvador. Pero lagi na lang syang unavailable whenever our calls get through hanggang pati si Dad ay nagsawa na rin. Pero ako, hindi pa rin nagsasawa sa kahihintay sa kanya. Hindi nya man sinagot ang mga tawag at sulat ko, hindi ko pa rin magawang magtampo sa kanya ng matagal. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na maghintay at umaasa kahit sobrang tagal na. Kaya naman nang dumating si Jayden para mag-aral dito sa Martenei ay naging malapit kami sa isa't isa to the point na naging best friend ko sya. She reminds me of him. She's the living proof na may hinihintay pa ako. Yun  nga lang, may nagbago na sa estado ng pakikitungo ko sa kanya simula nang maging 'girlfriend' ko sya. I don't know if she knows what I feel towards her brother. Hindi naman ako vocal sa kanya. Maging ang mga magulang at kapatid ko ay walang alam tungkol sa totoong nararamdaman ko kay Zion. Ayokong kawaan nila ako. Ayokong mapagtawanan. Ayokong sabihin nila kung bakit sya pa. Marami namang iba. Marami akong pwedeng pagpilian. Andyan si Jayden na kasundo ko naman at talagang maipagmamalaki sa kahit na sino. Hindi katulad ni Zion na lalaking tulad ko. Hindi normal kung ikukumpara sa mga ordinaryong tao. Hindi mabubuhay kung hindi aalagaang mabuti at pagtutuunan ng pansin. Ngunit sya talaga ang gusto ko. Sya talaga ang hinahanap ng puso ko. Iba talaga sya sa lahat ng nakakasalamuha ko. Hindi nila mapalitan si Zion sa kinalalagyan nyang puwesto sa buhay ko. Not even Jayden could fill the gap in my heart for Zion. Iba yung dala ng ngiti nya kumpara sa kakambal nya. Iba yung init ng yakap nya, yung tunog ng tawa nya, yung pagngiti ng mga mata nya, yung pagsasabi nya ng 'I love you'. Jayden told me a lot of times that she loves me. But not even that could reach the amount of happiness I felt when it was Zion who told me those words. Alam kong unfair kay Jayden because I just let her think that I'm okay with our relationship. I want to break up with her but ayoko syang masaktan. Pakiramdam ko kasi kapag sinaktan ko sya ay parang sinaktan ko na rin si Zion. Kaya naman I've decided to let her be. Hihintayin ko na lang na magsawa sya. Hihintayin ko na lang na sya ang makipagbreak because I cannot love her back. Hindi naman siguro magtatagal iyon. Ikahuling taon na nya sa kanyang kursong HRM kaya alam ko na kapag umalis sya for her OJT, malaki ang chance na makakahanap sya ng iba who could reciprocate the love she's willing to give. As of me, maghihintay pa rin ako. At kung sakali man na hindi pa rin sya darating ng kusa sa akin, I'll work for a couple of years more at kapag may ipon na ako na sarili ko, kapag nakapagpatayo na ako ng pwede kong pagtirahan sa kanya at kapag kaya ko na syang buhayin at alagaan na ako lang ay ako na mismo ang darating sa harap nya. At least at that time, may maipagmamalaki na ako sa kanya at sa pamilya nya. Gagayahin ko ang ginawa ni Papa for Dad. Pero sana, sana dumating na sya sa buhay ko dahil sobrang miss na miss ko na sya. I've heard from Jayden na balak ulit mag-aral sa school ni Zion at pinagpipilian nya kung sa Russia where Azyra is o dito sa Martenei sya mag-aaral. I'm really hoping na dito sya pag-aralin nina Tito Ivory. Kapag nangyari iyon, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo. Aalagaan ko sya, hindi ko sya pababayaan at hahayaang masaktan. At gagawin ko ang lahat para hindi na kami magkahiwalay gaya ng ipinangako ko sa kanya. Ilinabas ko ang phone ko and opened the f******k app. Hinanap ko sa account ni Jayden ang picture nilang mag-anak which was taken almost a year ago during the christmas eve. Izinoom ko ang picture ni Zion. Sya ang pinakapayat sa kanilang magkakapatid. Sya ang may pinakamaliit na katawan at pinakamaliit ang height na namana nya kay Tito Robby. Napakacute nya. Nagmature lang konti ang mukha nya compared sa huling itsura nya na nakita ko. I love the way he smiles. I love his nose. I love his hair that covers a part of his face. I love the innocence of his eyes. I love the shape of his face and the color of his lips. I love everything he has. Napatitig ako sa mga iyon. Ilang beses ko ba syang nanakawan ng halik noon dahil sa super pula at cute nyang mga labi? Kabisadong-kabisado ko pa kung paanong bumuka ang mga iyon tuwing sinasabi nyang mahal nya ako. I know, he only loves me as a friend. But I intend to make him love me more than that. Kung nagawang paibigin ni Lolo Marcus ang may pagkahomophobic na si Lolo Francis at nagawa iyon ni Papa kay Dad, bakit hindi ko magagawa iyon kay Zion? Martenei ako. At hindi titigil ang mga Martenei na gumawa ng paraan hanggang sa matutunan silang mahalin ng mga taong minamahal nila. I will make Zion fall in love with me whatever it costs. "Choose Martenei, Zion. Choose me." Bulong ko sa nakazoom nyang larawan na akin pa ring tinititigan. Nang hindi ako makatiis ay ilinapit ko ang phone sa akin at hinagkan ang screen nito na para bang sya na mismo ang hinahagkan ko at sinabi dito ang mga salitang hindi ko masabi-sabi kay Jayden. "I love you." .... "Ouch!" Jayden groaned while clutching her shoulder. Tinignan ko muna kung okay lang sya bago ako tumingin sa lalaking bumangga sa kanya. "I'm sorry po." Buong pagpapakumbabang apologize ng estudyante ngunit hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata ang pagtaas ng gilid ng labi ng estudyante. Walang salitang lumapit ako sa kanya at hinigit ang kuwelyo ng uniform nya. Nanlalaki ang mga mata nyang napatitig sa akin. "M-master, hi--hindi ko po---" Isang malakas na sampal mula sa akin ang natikman nya. I heard everybody gasped including Jayden. "M--master----" Isa pa ulit na sampal ang tumama sa pisngi nya. This time, mas malakas kesa sa nauna. "H--hindi... ko po--- Wag po!" Napapikit sya ng mariin nang ikuyom ko na ang kamay ko. Hinintay ko munang dumilat sya bago diretsong pinatama ko ang kamao ko sa bibig nya. "Ayy!" Sigawan ng mga kababaihan. "Akira, stop it! Hindi nya sinasadya!" Malakas na utos sa akin ni Jayden ngunit hindi ko sya pinakinggan. Dalawang magkasunod na suntok pa ang iginawad ko sa duguang bibig ng estudyanteng lalaki bago ko sya binitawan. Napasadlak sya sa floor ng hallway. "Master! Master, sorry po! Sorry po!" Sumasargo na ang dugo sa kanyang mga labi ngunit hindi ako nakadama ng awa. Pakiramdam ko kasi, si Zion ang binangga nya. Si Zion ang sinadya nyang saktan. Ganito kasi ang isa sa mga pambubully na ginagawa nila kay Zion sa dati nyang school ayon kay Jayden kaya naman lalo pang nadagdagan ang galit ko. Hindi pa ako kontento na makakakita ng dugo sa mukha nya. I stalked towards the student who tried to crawl away on the floor ngunit agad syang pinigilan ng mga estudyanteng members ng 7 Demons. Itinaas ko ang paa ko at ubod ng lakas na isinipa iyon sa tagiliran ng lalaki. Halos mamilipit ito sa sakit na dulot sa katawan nya ng sipa ng sapatos ko. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Sinipa ko pa sya. Isa pa. At isa pa. Wala akong pakialam kung aling parte na ng katawan nya ang tinamaan ng masasakit kong sipa. Muli kong itinaas ang paa ko at akmang ipapatama ko na ito sa dibdib nya nang makarinig ako ng isang sigaw. "STOP!!!" Lahat ng nasa hallway na iyon ay napahugot ng hininga at bumaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Stop. You've already hurt him too much." Muling sambit ng boses na iyon. Damn it! Sino ba itong pakialamerong ito? Hindi ba nya ako kilala? Liningon ko ang pinanggalingan ng boses. Nang makita ko sya, pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko at nawalan ako ng hininga. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . A/n: Before you continue, hulaan nyo muna kung sino ang taong iyon. Kapag may hula na kayo, you may proceed to the next part of the chapter. After reading, comment if tama kayo. Hahaha. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . A B C D E . . . . . . . . . . . . . . . . . . . "T---tito Robby?!" He gave me an empty smile before sya lumingon sa kanyang likuran. Kung kanina ay tumigil sa pagtibok ang puso ko, ngayon ay dumadagundong ang bawat pagtibok nito sa dibdib ko habang hinahayon ng mga mata ko ang taong tinitignan ni Tito Robby. Bumaliktad ang mundo ko nang makita ko ang taong natatakot na nakatingin sa akin. Halos hindi ko maibuka ang bibig ko ngunit isinisigaw ng isip ko ang pangalan ng taong iyon. ZION! ...... Sa mga want mag-avail ng The Twins (with special chapters) and Rough Love (BxB: not posted in w*****d), you can buy them at only Php 300 instead of Php350. PaChristmas nyo na sa akin at PaChristmas ko na rin sa inyo. Basta dalawa sila ha. Pero pag isa lang, original price. Merry Xmas naaaa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD