------- ***Third Person’s POV*** - “What is your problem, bro?” Galit na galit na tanong ni Hendrik sa kanya. Bigla niya kasi itong kinuwelyuhan pagkalapit pa lang niya, dahilan para magulat at mapaatras ang mga babaeng kasama nito. Halata ang takot at pagkabigla ng mga ito sa biglaan niyang pagsugod. “What are you doing right now? Are you cheating? Pinagtaksilan mo ba ang asawa mo?” halos pasigaw niyang tanong, puno ng inis at galit ang tinig niya. Agad kumawala si Hendrik mula sa mahigpit na pagkakahawak niya, saka ito napatawa—isang tawang nakakabanas, nakakainis, at nakakainsulto. Gago talaga ito, sa isip niya. Mas gago pa sa kahit sinong gago na kilala niya. “Don’t worry about my wife, bro. She doesn’t mind at all—me being with different women.” Natatawa nitong sagot, halatang

