--------- ***Third Person’s POV*** - Naabutan ni Hayden si Haidee na naglalaro sa sala kasama si Aling Tessy, na abala naman sa pagtutupi ng mga maliliit na damit ng bata. Tahimik siyang lumapit, hawak ang laruan na binili niya kanina—isang manikang napansin niya sa mall at agad niyang naisip na bagay na bagay para sa anak. Gusto niyang ibigay ang lahat para kay Haidee. Kung siya lang ang masusunod, gusto niyang sabihin kina Elara at Harry na handa siyang akuin ang lahat ng gastusin ng bata—mula sa pagkain, mga pangangailangan, lahat na para dito. Pero alam niyang hindi pa tamang panahon. Masama pa ang loob ng pinsan niya sa nangyari kahapon, at kailangan muna niyang palamigin ang sitwasyon bago niya buksan ang kahit anong sensitibong usapin. Lumapit siya kay Haidee, na tawa nang tawa

