------ ***Elara's POV*** - Mahigpit kong nakuyom ang aking kamao habang nakatitig sa lalaking hindi ko inakalang maaabutan ko rito sa loob ng baby room ng anak namin ni Harry. Ramdam ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko sa sobrang galit nang makita kong karga-karga niya si Haidee. Pagkasabi sa akin ni Manang Tessy na nandito si Hayden at pinuntahan nito si Haidee, halos hindi na ako huminga sa kaba. Malalaki ang naging hakbang ko habang nagmamadali akong pumunta dito sa baby room, nanginginig ang isip ko sa posibilidad na baka kung ano ang ginawa ni Hayden sa anak ko. Mas lalo pang tumindi ang kilabot na naramdaman ko nang marinig kong umiiyak si Haidee—iyong iyak na hindi basta pag-aalboroto, kundi iyak na puno ng takot. At ito nga agad ang sumalubong sa akin: si Hayden, nakata

