-------- ***Third Person’s POV*** - “F*ck!” Hindi napigilan ni Hayden ang pagmumura. Muntik na niyang maibato ang cellphone sa inis. Kanina, muntikan na siyang bumigay nang malaman niyang kambal ang ipinagbubuntis ni Elara — at babae at lalaki pa raw ang mga ito. Mabuti na lang at na-lowbat ang cellphone niya. Ano ngayon kung kambal? May magbabago ba? He is already married. Kahit nagsisimula nang magkaroon ng problema sa relasyon nila ni Maricar, hindi pa rin mababago ang katotohanang mag-asawa silang dalawa. Nag-away lang sila ngayon, pero sigurado siyang maaayos din nila ito. Malaki ang pakinabang ni Maricar sa kanya—ito ang humahawak ngayon sa pinakamalaking proyekto ng kanyang kompanya. Kaya dapat lang na ayusin nila ang kanilang pagsasama. Siguro, hindi lang talaga nila lubos na

