------- ***Elara’s POV*** - “S–Saan ang ina ko? P–Pakawalan n’yo na siya.” Buong tapang kong sabi sa lider ng kilalang gang sa lugar namin, kahit pa nanginginig ang buo kong katawan sa matinding takot. Ayon sa sulat na natanggap ko, kinuha raw ng gang na ito ang aking ina. At ang tanging paraan lamang para mapakawalan nila ang ina ko ay ang personal kong kunin ito mula sa kanila. Kapag hindi ko raw gagawin ito ay papatayin nila ang aking ina. Kahit masama ang loob ko kay Inay at kahit malaki ang hinanakit ko sa kanya, hindi ko magawang pabayaan na lamang siya. Ina ko pa rin siya at mahal na mahal ko siya. Imbes na sagutin ako, dahan-dahang tumayo ang sinasabing lider ng gang. Humakbang siya palapit sa akin at mas lalo akong kinilabutan. Ang kanyang malamig na titig ay tila ba kakainin

