---------- ***Elara’s POV*** - “Bakit, Inay? Bakit mo ginawa ‘yon nang hindi man lang ako tinatanong? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” halos pasigaw kong tanong habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi lang dahil sa sakit ng sugat ko sa tiyan, kundi dahil sa sobrang galit at panghihinayang sa ginawa ni Inay. Hindi pa nga halos nag- sink- in sa isip ko ang katotohanang nawala ang isa sa mga anak kong kambal, heto’t may ginawa na naman siya na mas lalo lang nagdagdag sa bigat ng nararamdaman ko. Gusto kong makita, kahit sa huling pagkakataon, ang anak kong nawala. Gusto kong mahawakan siya, mahaplos man lang kahit isang beses. Pero hindi na pala mangyayari ‘yon. Nalaman ko na lang na ni-release agad ni Inay ang bangkay ng anak ko at ip

