-------- ***Third Person's POV*** - Mabilis na natahimik ang mga empleyado ni Hayden nang dumaan siya. Nakasimangot na naman ang boss nila, halatang busangot ang mukha. At hindi na rin sila nagtataka kung bakit mainit na naman ang ulo ng kanilang boss. Ganito na kasi siya halos araw-araw sa loob ng dalawang taon. Para bang pakikibaka na ang bawat araw para sa lahat—lalo na kay Hayden na laging tila may pasan na bigat. Hindi rin maintindihan ng mga empleyado kung bakit biglang nagbago ang boss nilang kahit estrikto pero approachable naman kahit papaano. Ngayon, ang paglapit sa kanya ay parang isang napakahirap na challenge na kailangan munang pag-isipan nang maraming beses ng mga empleyado niya. Diretso si Hayden sa opisina. Pagkapasok niya, sinalubong agad ng sangkatutak na files sa m

