------ ***Elara’s POV*** - Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay dumating na si Harry, may dala itong kotse para kunin ang lasing niyang pinsan. Tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Hayden. Pinagtulungan pa itong buhatin ng mga tauhan para maipasok sa loob ng sasakyan. Nang tuluyan na nilang naipasok si Hayden sa backseat, humarap naman ako sa mga taong nakainuman niya. Baka kung ano pa ang isipin ng mga ito dahil sa mga pinagsasabi ni Hayden kanina. Mabuti na lang talaga at hindi niya nabanggit ang pangalan ko. “Wag n’yong pansinin ang mga pinagsasabi ni Hayden kanina. He is broken-hearted, kaya siya nandito, kaya siya nagbakasyon dito sa San Miguel. Kung ano man ang nasabi niya, inaasahan ko na hindi iyon kakalat—na hindi niyo iyon ipagkukuwento sa iba. Na

