-------- ***Elara’s POV*** - Malalaki ang mga hakbang ko nang makita ko sina Hayden at Haidee sa may sala, at silang dalawa lang ang magkasama. Aminado akong nag-alala ako sa anak ko. Hindi siya malapit kay Hayden kaya may posibilidad na maiyak siya. Wala rin akong tiwala kay Hayden. “Ano ang—” naputol ang sasabihin ko nang marinig kong tumatawa si Haidee, tila tuwang-tuwa habang naglalaro sila ni Hayden. Napaurong ako, at hindi ko kayang ipaliwanag ang naramdaman ko sa sandaling iyon. Ngayon pa lang ang unang beses na nakita kong masayang nakikipaglaro si Haidee sa tunay na ama. Halo-halo ang naramdaman ko, pero mas nanaig ang galit. Ayaw kong mapalapit ang anak ko kay Hayden. Kinalma ko muna ang sarili ko bago muling humakbang palapit sa dalawa. “Haidee, sweetheart…” tawag ko sa an

