-=Lyal's Point of View=-
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay agad akong napangiti ng makita kong masipag na nag-aaral si Brian.
Si Brian ang pinakamamahal kong boyfriend, dalawang taon na kaming magboyfriend at nagsasama ng tuluyan akong lumayas sa amin dahil sa naging tutol ang mga magulang ko sa binata.
Actually graduating na siya sa kursong Management ngayong March kaya naman natutuwa ako sa ginagawa nitong pagsusumikap, sa totoo lang ako ang nagpapaaral dito kaya nga kinailangan kong huminto sa pag-aaral ko dapat fourth year na din ako ngunit minabuti kong huminto para masuportahan ko ito masyado ko kasing mahal ang lalaking ito at ramdam ko na ganoon din siya sa akin.
"Kumain ka na ba?" ang tanong ko dito ng humalik ako sa pisngi nito at sobrang kinikilig pa din ako dahil ang bango bango nito.
"Hindi pa nga eh, sige na pagluto mo naman ako ng paborito ko please." ang paglalambing nito at sino ba naman ang makakahindi kapag ito na ang nagpacute kaya naman dali dali akong nagsaing at sandali lang na pumunta sa maliit na palengke malapit sa amin at bumili ng mga sangkap sa lulutuin kong sinigang na baboy, gustong gusto niya kasi iyon lalo na kapag luto ko.
Kahit masakit sa akin malayo sa mga magulang ko at magkaroon kami ng hidwaan ng mga ito ay napupunan naman iyon ng mahal kong si Brian, nagkakilala kami sa pinagtatrabahuan kong parlor kung saan siya madalas na magpagupit at dahil guwapo naman talaga ay agad ko itong napansin well namin tatlo ng mga kaibigan ko at mabuti na lang at ako ang nagustuhan niya.
Naging suki sa parlor si Brian hanggang kalaunan ay nagdadala na sa akin ng bulaklak sa trabaho, si Brian ang classic example ng straight looking dahil, hindit ito kumikilos na bading katulad namin, ang suot nito ay iyong tipong pang straight kaya nga hindi mo mahahalatang isa din siya sa amin.
Nagkaroon na din naman ng karelasyon ito na pawang mga straight acting na gay din ngunit ako lang ang naging karelasyon nito na crossdresser.
"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ko dito habang abalang abala sa pagluluto, hindi naman kasi nasasayang ang perang pinang-aaral ko dito dahil masipag na estudyante ito, laging matatas ang mga grado nito sa school kaya naman proud na proud ako dito at kahit na napapagod ako sa pagtatrabaho ay ok lang sa akin.
"Maayos naman ang sinabi sa amin ni Dean ay malakas ang pag-asa kong makapagmartsa ngayong Marso." proud nitong sinabi.
"Alam ko naman iyon lalo na't sobrang talino at sipag ng mahal ko." ang sinabi ko naman dito at ilang sandali nga lang ay sabay na namin kinakain ang mga niluto ko.
As much as possible ay binibigay ko ang lahat ng pangangaiangan nito ganoon talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang taon, ang tawag na nga sa akin ng mga kaibigan ko ay Sugar Tranny na tinawan ko lang dahil hindi naman ako matanda at ginagawa ko lang ito para tulungan ang taong mahal ko.
Maliban sa pag-aaral nito ay ako din ang tumutustos sa mga damit nito, pangbaon, pati na din ang pagbili ng cellphone nito kahit na nga ba kinailangan kong maglakad papasok sa trabaho at magtiis na hindi kumain na pabor naman sa akin dahil kahit paano ay nakakapagdiet ako.
"Anong gusto mong graduation gift ko para sayo?" tanong ko dito at kita ko pang parang nahihiya ito kaya naman pinilit ko pa ito para magsalita.
"Gusto ko sana...... huwag na lang nakakahiya eh." ang sinabi nito.
"Sige na huwag ka nang mahiya ako naman ang nagtatanong at magiging gift ko sayo iyon dahil sa pagsusumikap mo>' pamimilit ko dito.
"Gusto ko sana nang relo na katulad sa kaklase ko." nahihiya nitong sinabi.
"Ano bang brand ng relo ng kaklase mo at nang mabili ko." pagmamayabang ko pa dito dahil para dito ay gagawin ko ang lahat para maging masaya lang ito.
"Fossil." bigla akong nasamid ng marinig ko ang gustong brand ng relong gusto nito, kung gshock na relo medyo kaya pa kaso naman Fossil iyon kahit hindi ako pumunta sa mall para tignan kung magkano iyon ay sigurado akong mahal iyon.
"Sabi ko sayo huwag na eh." ang natatawa nitong sinabi habang pinapainom ako ng tubig at hinihimas ang likod ko.
"Hindi kaya ko yan." ang sinabi ko dito, gumagana na ang isip ko kung paano ba ako makakabili ng relong iyon ngunit kahit anong isip ko ay alam kong hindi kakasya ang sinasahod ko para mabili siya ng ganoong relo lalo na't kulang kulang tatlong buwan na lang at graduation na niya, ngunit desidido akong mabigyan ito ng relong gusto nito, kapalit na din ito ng pagsusumikap nito.
Sandali pa kaming nagkuwentuha nito ng mga nangyari dito at sobrang tuwang tuwa ako dahil kahit hindi ako nag-aaral ay parang pakiramdam ko ako na mismo ang nakakaexperience nun habang nakikinig sa mga kuwento nito.
Balak ko naman bumalik sa school kapag nakapagtapos na si Brian at iyon mismo ang pangako ko sa sarili para na din mapatawad na ako ng mga magulang ko dahil iyon naman mismo ang gusto nilang maabot ko at iyon mismo ang gagawin ko.
Twenty one na kasi ako pero bata pa naman ako para makabalik sa school at isang taon na lang naman at gragraduate na ako sa kursong Marketing.
Matapos namin magkuwentuhan ay bumalik na ito sa pag-aaral nito at kapag may mga hindi ito naiintindihan ay sa akin ito nagtatanong, hindi naman sa pagmamayabang pero ako ata ang laging nangunguna sa school namin iyon nga lang kailangan ko talagang huminto pero kahit ganoon ay hindi ako tumigil sa pagbabasa para hindi naman pumurol ang mga natutunan ko sa school.
At ako nga ang nagtuturo nito sa mga academics nito, katulad nga ng sinabi ko lahat ay gagawin ko para kay Brian ganyan ko siya kamahal.
Sabay na kaming nahiga sa kama namin at kuntento na ako na kasama ito, masayang masaya na ako dahil may isang katulad ni Brian na nagmahal sa akin at labis ko ding mahal.
Kahit simple lang ang pamumuhay naming dalawa ay masaya na ako dahil kinumpleto ni Brian ang pagkukulang na nararamdaman ko sa buhay ko at siya mismo ang tamang hinahanap ko sa buhay ko.
"I love you Brian." ang sinabi ko dito, at mukhang antok na antok na ito kaya naman umungol lang ito, mas siniksik ko pa ang mukha ko sa mabangong katawan ng binata.
Lahat ng pagod ay worth it ng dahil kay Brian.