-=Lyal's Point of View=- "Bayad po." ang nakangiti kong sinabi sabay abot ng bayad sa kundoktor ng sinasakyan kong bus, on the way na kasi ako sa BGC kung saan naroon ang Park Enterprises Holdings, ngayong araw kasi na ito ang interview ko sa naturang kumpanya at labis ang kabang nararamdaman ko nang mga oras na iyon idagdag pa ang nararamdaman kong pagkailang dahil sa pagtingin sa akin ng mga nakakasalubong ko, I mean I just had a haircut and dress a little bit nice pero ako pa din ito, ako pa din si Lyal Advincula, si Lyal Advincula na nalalapit na ang paghihiganti sa hinayupak niyang ex na si Brian. Hindi ko maiwasang hindi mangamba kapag dumating na ako sa naturang building, bahagya ko tuloy nalukot ang dala dala kong resume na nasa loob ng brown envelope, kakapaprint ko lang ng natu

