-=Lyal's Point of View=- Isang malapad na ngiti ang namuwati sa mga labi ko ng magising ako ng umagang iyon, finally the long wait is over dahil masisimulan ko na ang paghihiganti ko dahil ngayong araw na ito ang pagsisimula ko sa trabaho para sa Park Enterprises Holdings, kahit paano ay nararamdaman ko ng nalalapit na ang paghihiganti ko, kaya naman nakangiti pa din ako ng bumangon ako sa kama ko, parang feel ko ngang kumanta kanta habang nag-aayos kaso para medyo OA na sa kasiyahan kung gagawin ko pa iyon kaya naman huwag na lang. "This is it Lyal." ang nakangiti kong bulong habang naliligo, naiimagine ko na ang mga kailangan kong gawin sa trabaho, I will make sure na magkakaroon din ako ng mga friends sa office para naman hinding maging boring ang experience ko doon habang ginagawa ko

