-=Lyal's Point of View=- Mabilis na lumipas ang mga araw, at katulad ng mga nakaraang araw ay nanatili akong nagshashadow kay Brian sa ayaw man namin at gusto at ang hinayupak na si Brian ay talagang hindi ako kinakausap o kahit man lang pinapansin matapos ang naging pag-uusap namin sa rooftop, hindi ko alam kung natakot ba ito o baka talagang ayaw lang nitong malaman ng iba ang kung anumang meron sa aming dalawa dahil baka may makahalata, pero kahit naman hindi ako nito turuan at panoodin ko lang ito sa pagtatatrabaho ay nakukuha ko naman agad kung ano ano ba ang dapat kong gawin sa trabaho namin. Monday morning pangalawang linggo ko na sa kumpanyang iyon at parang nababagalan ako sa mga nangyayari dahil akala ko pa naman na kapag nasa kumpanya na akong iyon ay maipapamukha ko agad kay

