Chapter 6: At The Bar

2287 Words
-=Lyal's Point of View=- Naguguluhan pa din ako kung ano ba talagang nangyari bakit sa ganoon na lang nagtapos ang relasyon namin ni Brian, ni hindi nga ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kung may nagawa ba akong masama para ikagalit nito ngunit inabot na ako ng umaga ngunit wala pa din talaga akong maisip na kasalanan ko. Ang kinakasama ko lang ng loob ay ni hindi man lang sinubukan ni Brian na ayusin ang problema namin, sana man lang pinaalam nito ang problema para man lang magawan ko ng paraan at ngayon nga ay ni hindi ko alam kung saan tumutuloy ngayon si Brian, pinili kong huwag muna itong tawagan baka kailangan talaga nito nang panahon para makapag-isip ng maayos. Pinilit kong huwag maapektuhan sa mga nangyayari sa amin ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din maiwasang hindi maluha ng basta basta na lang ngunit pinilit kong ang sarili ko na pumason ng araw na iyon dahil mas lalo ko lang maiisip si Brian kung sakaling magmukmok ako sa bahay. "Oh akala ko pa naman hindi ka papasok ngayon?" tanong ni Mamu ng dumating ako sa parlor ng bandang alas ocho ng umaga. "Wala naman akong gagawin kaya naisipan ko na lang pumasok." ang malungkot kong sinabi dito, kung napansin man nito ang mood ko ay hindi na ito nagtanong. Bandang alas nueve naman ng dumating ang mga bestfriend ko na sina Roxie at Samantha. "Ui Lyal bakit nandito ka, akala ko pa naman hindi ka lalabas ng bahay, ano may nangyari na ba sa inyo ni Brian?" ang nanunudyong tanong sa akin ni Roxie and hearing Brian's name made weep like a kid na labis nilang kinagulat. "Hala!" ang tanging nasabi ni Roxie na hinawakan ako sa balikat na para bang pinapayapa nito ang damdamin ko. Tuloy tuloy lang ang pag-iyak ko kaya naman inutusan na ni Mamu na samahan na lang nila ako. "Tara umuwi na muna tayo sa inyo." ang nag-aalalang aya sa akin ni Samantha. "Please huwag muna tayo doon mas lalo lang akong nadedepress." pakiusap ko sa mga ito habang patuloy sa pag-iyak. Dahil nga sa ayoko munang umuwi kaya naman dinala nila ako sa tinitirhan nila, magkasama kasi sila sa isang bahay samantalang ako ay nakabukod kasama ni Brian. Hindi naman kalayuan ang bahay ng mga ito sa parlor kaya naman agad kaming nakarating doon. "Uminom ka na muna." ang sinabi ni Roxie sabay abot ng isang basong tubig sa akin, agad ko iyong inisang lagok at kahit paano ay kumalma na ang nararamdaman ko. "So ano bang nangyari at bigla ka na lang nagngangawa?" tanong sa akin ni Roxie ng bahagya akong mahimasmasan. "Wala na kami ni Brian." pagtatapat ko at pilit kong nilabanan ang mga luhang muli na namang nagbabanta, paunti unti ay kinuwento ko sa kanila ang nangyari kagabi at mabuti na lang at nanatiling tahimik ang mga ito habang nagkukuwento ako at nang matapos nga ay saka lang sila nagsalita. "Eh siraulo palang lalaki yan eh, matapos mong maibigay ang lahat ng gusto niya basta basta ka na lang iiwan!" galit na galit na sinabi ni Samantha ngunit agad naman akong napailing sa sinabi nito. "Nagkakamali ka Samantha, hindi niya ako iniwan meron lang kaming hindi pagkakaintindihan at kailangan lang niya nang panahon para makapagpalamig." pagdepensa ko para kay Brian. "Naririnig mo ba sinasabi mo ngayon Lyal?! Masyado ka nang nabubulagan ng pagmamahal mo sa taong iyon na kahit gaano na kalinaw ang katotohanan na niloko at ginamit ka lang ni Brian ay pilit mo pa din siya ipagtatanggol! Wake up Lyal kaya ka iniwan ni Brian ay dahil hindi ka na niya kailangan, kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa nang dahil sayo!" sobrang sakit na marinig ang bagay na ito sa kaibigan mo kaya naman hindi ko napigilan na hawakan siya sa kuwelyo at marahas na sinandal sa dingding ng kuwarto nila ngunit kahit ganon ay hindi pa din nagbabago ang itsura ni Samantha habang nakatingin sa akin. "Lyal, tama na yan!" awat naman ni Roxie sa amin. "Bakit Lyal? Masakit bang marinig ang katotohanan? Katotohanang kailangan mong tanggapin, alam kong nasasaktan ka Lyal pero hindi lang siya ang lalaki sa mundo, ang mga katulad natin ay dapat masanay na sa sakit dahil gustuhin man natin o hindi ay konti lang sa mga katulad natin ang talagang nakakahanap ng pagmamahal, heck kahit mga taong straight nahihirapan ding makahanap ng tunay na magmamahal sa kanila." ang sinabi ni Samantha at ako na din ang mismong sumuko. "Alam kong mahirap makahanap ng taong tototong nagmamahal kaya nga hindi ako sumusuko kay Brian." matigas kong sinabi dito at kita ko ang pagtutol sa itsura ng mga ito, naniniwala pa din akong mahal talaga ako ni Brian at may dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay sa akin at hindi iyon dahil sa ginamit lang ako nito. Minabuti ng dalawa na bumalik na sa parlor at hayaan na muna akong mag-isip sa bahay nila, wala akong halos ginawa ng sumunod na mga oras kung hindi tignan ang phone ko hoping for Brian's text, paulit ulit kong binabasa ang mga text messages nito sa akin mula noon hanggang ngayon, kailangan ko ito para maramdaman ko pang may pag-asa pa kami dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya sa buhay ko, pinaglaban ko siya sa mga magulang ko at kahit masaktan ko sila ay nagawa ko para lang makasama si Brian, at ayokong sa ganito lang matapos ang lahat sa amin. Sa sobrang pagod mula sa pag-iyak ay hinayaan ko ang sarili kong lamunin ng kadiliman at ilang sandali lang ay tuluya na nga akong nakatulog. "Brian....." ang namutawi sa mga labi ko at laking gulat ko nang may banayad na humawak sa kamay ko at nang tignan ko kung sino iyon ay laking gulat ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni Brian, at hindi ko na naman napigilang hindi maiyak sa nakikita kong pagmamahal sa mukha nito, sinabi ko na nga ba na mahal pa din ako nito at hindi totoo ang sinabi ni Samantha na ginamit lang ako nito. "Sorry Lyal kung iniwan kita, kailangan ko lang talagang mag-isip pero mahal na mahal kita, ikaw ang buhay ko." ang madamdamin nitong sinabi sa akin mas lalo tuloy nagalak ang dibdib ko sa narinig mula dito, ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo at dahil iyon kay Brian. Dahan dahan akong pumikit nang makita kong unti-unting nilalapit ni Brian ang mukha nito sa mukha ko na ang ibig sabihin ay hahalikan ako nito, hindi na ako nakatiis at nilapit ko na din ang mukha ko dito ngunit laking pagtataka ko nang hindi ko iyon magawa nang maramdaman kong may pumigil sa noo ko para mailapit ko ang mukha ko sa mukha ng taong mahal ko. "Brian?" naguguluhan kong tanong dito ngunit laking gulat ko nang imbes na ang mukha ni Brian ang makita ko ay mukha ni Samantha ang bumungad sa akin at base sa itsura nito ay pilit itong umiiwas. "Hindi ko akalain na maliban sa sleepwalking meron din palang sleepkissing." ang natatwa namang sinabi ni Roxie nang tuluyan na akong nahimasmasan, apparently mukhang nanaginip lang pala ako, at agad sumalakay ang lungkot sa dibdib ko. "Hindi iyon nakakatawa Roxie, Lyal almost kissed me, ano to lasunan?" tila nangdidiri nitong sinabi na para bang labis itong nabastusan sa muntik ko nang panghahalik dito. "Bakit naman kasi ang bilis niyong makabalik?" tanong ko kay Roxie ignoring the look of horror on Samantha's face. "Anong ang bilis? Lyal alas diyes na kaya ng gabi." ang sinabi ni Roxie sa akin at talagang nagulat ako ng makita ko ang oras sa orasan na nasa ibabaw ng TV ng mga ito, ang balak ko kasi ay iidlip lang ako pero hindi ko inasahan na magtutuloy tuloy pala iyon, kaya naman pala kahit paano medyo malinaw linaw na ang pag-iisip ko. "Kumain ka na muna may dala kami para sayo at maghanda ka na din dahil may lakad tayo." ang sinabi ni Samantha na mukhang nakaget over na din sa muntikang kissing scene naming dalawa. "Saan naman tayo pupunta?" nag-aalangan kong tanong dito at ngumiti lang ang dalawang bruhang ito kaya naman wala na akong nagawa kung hindi pilitin ang sarili kong kainin ang pagkain na uwi nila. At matapos ngang kumain ay agad na nila akong pinaligo at pinaghanda sa pupuntahan daw namin at kahit anong tanong ko sa mga ito ay hindi nito sinasagot ang tanong ko kaya naman wala na akong nagawa kung hindi sundin ang gusto nila kahit na nga ba mas gusto ko na lang magmukmok sa bahay. "Saan niyo ba ako dadalhin?" patuloy kong tanong sa mga ito nang nakasakay na kami ng Taxi at base sa tinatahak namin ay masasabi kong patungo kami ng Timog. "Well alam kong part ng pagiging brokenhearted ay ang pag-inom kaya naman iinom tayo ngayon." ang nakangiting sinabi ni Roxie sa akin. "Huwag na gagastos pa tayo." mariin kong pagtanggi dito. "Ano ba naman Lyal hayaan mo naman gastusan ang sarili mo, enough of Brian." naiinis ng sinabi ni Samantha at alam kong kapag ganito na ang boses nito ay talagang nagsisimula na itong magalit kaya naman tumahimik na lang ako. Dumiretso kami sa isang bar na punong puno ng tao kahit na nga ba weekday ngayon at may pasok bukas. Mas pinili namin sa bandang second floor kung saan kahit paano ay mayroon kaunting privacy para na din siguro makapagkunwetuhan man lang kami. "Day ang daming future dito." excited na sinabi ni Roxie na ang ibig sabihin ay madaming lalaki. "Correct ka diyan ang dami din bilat pero kumpara naman sa face ng mga bilat na iyan, luz valdez sila sa beauty nating tatlo." ang natatawang sinabi ni Samantha na may kasama pag high five kay Roxie. Sandaling lumibot ang mga mata ko at tama nga ang mga ito ang dami ngang guwapo sa naturang bar na ito ngunit kahit ilang libong lalaki pa siguro ang meron dito ay si Brian pa din ang pipiliin ko. Agad nag-order ang mga ito nang dalawang bucket na red horse na para bang inaanticipate na nila na makukulangan kami sa isang bucket at dahil nandito na din naman ay agad kong binuksan ang isang bote at sinaid ang laman nun. "Woah Lyal alam kong sinabi kong kailangan natin uminom pero hindi ko naman sinabing kailangan magmamadali at magpalango sa alak." ang nag-aalalang sinabi ni Samantha. "Hayaan niyo na ako maybe I really need this." ang natatawa kong sinabi sa sarili ko, siguro nga kailangan kong uminom para makalimot, imbes na pumunta ng dance floor ay minabuti na lang ng dalawa na samahan ako habang umiinom ako. Bandang midnight mas lalo pang dumami ang mga tao sa naturang bar na iyon kaya naman mas lalong umingay sa paligid ngunit sandali akong natigilan ng marinig ko ang boses sa kabilang side, boses na kahit kailan ay makikilala ko kahit na sa gaanong kaingay na lugar katulad ng bar na ito. "Ok ka lang ba Lyal?" nag-aalalang tanong ni Roxie sa akin ng makita siguro ang reaksyon ng mukha ko ngunit sumenyas lang ako sa kanila na huwag maingay at pinilit kong pakinggan ang pinag-uusapan sa kabila. "Congrats sa atin mga brod biruin mo nakagraduate na tayo." ang narinig kong sinabi ni Brian sa mga kasama nito. "Oo nga biruin mo sobrang hirap ng pinagdaanan natin." narinig kong sinabi ng kasama nito. "Baka sayo lang Arthur, pero kay Brian ay walang kahirap hirap, ikaw ba naman ang may baklang nag-papaaral sayo." ang natatawa naman sinabi ng isa pa nitong kasama at parang sinaksak ang puso ko sa narinig sa mga kaibigan ni Brian, hindi ako humihinga habang hinihintay na ipagtanggol ako ni Brian, ng taong pinaglaban ko sa mga magulang ko, ng taong binigay ko ang lahat, ng taong pinakamamahal ko. "Well all it took is just being handsome." ang natatawa naman na sinabi ni Brian, parang nagkapira-piraso ang puso ko ng dahil sa narinig mula dito, ngunit nanatili akong tahimik habang nagpatuloy sa pakikinig sa mga ito. "Pero iyong totoo, wala ba talagang nangyari sa inyo ng baklang iyon?" narinig kong tanong ng nagngangalang Arthur. "Sinabi nang wala eh, I mean I know pumapatol ako sa lalaki pero brad ang gusto ko ay katulad ko ding straight acting din, and besides alam niyo naman kung sino talaga ang target ko di ba?" "Well alam naman namin na si Laurence "Lance" Park ang tinatarget mo kaya nga hindi ba sa Park Enterprises Holdings ka papasok, pero alam kong mahirap ang makapasok sa kumpanyang iyon knowing na isa sila sa pinakamalaki at successful na kumpanya not just in the Philippines but in Asia." tanong nang isa pang boses na hindi ko kakilala. "Ano bang sinabi ko kanina Ben? Kailangan ko lang ay ang kaguwapuhan ko kaya nga hiniwalayan ko na agad si Lyal dahil may tutulong sa akin na makapasok sa kumpanyang iyon at katulad ng ginawa kong panggamit kay Lyal ay pareho din ang gagawin ko sa taong iyon, kailangan ko lang gawin ang mga bagay na ito para makalapit kay Lance Park." ang sinabi nito, mukhang hindi na nakatiis si Roxie at akmang pupuntahan si Brian ng pinigilan ko ito. "Pero hindi ba dapat maghanda ka na ten ang interview mo, hindi ba?" tanong nito, well formality na lang naman iyon." ang natatawa nitong sinabi, hindi na ako nakatiis at agad akong umalis lugar na iyon, nasa sakayan na ako ng Taxi ng maabutan ako ng dalawa konbg kaibigan. "Huwag kang mag-alala Lyal ipaghihiganti ka namin sa user na Brian na iyon." pangako ni Samantha na halatang galit na galit sa ginawa ni Brian. "Nalaman ba niya nandun tayo?" tanong ko dito na labis nitong pinagtaka. "Hindi eh... hindi ba pinigilan mo akong lapitan sila kanina." ang naguguluhang tanong ni Roxie naman. "Good, gusto kong masopresa siya bukas kapag nakita niyang nandoon ako at mag-aapply sa kumpanyang gusto niyang pasukan, and I will make sure na makakapasok ako sa kumpanyang iyon. Magbabayad siya sa ginawa niyang pangloloko kay Lyal Advincula." siguradong sigurado kong sinabi sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD