Chapter 14

1500 Words
Gabi na nang makarating si Ligaya ng rest house nina Eric sa Tarlac. Muntik pa siyang maligaw dahil dinala na niya ang kaniyang sariling sasakyan. Pinauna na niya si Eric. Ayaw pumayag nito pero sa huli ay napapayag din niya. Nakabukas ang gate ng bahay kaya naman ipinasok na niya ang kaniyang kotse. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Nakakapagtaka nang pati ang main door ay nakabukas. Bigla siyang kinabahan. Hindi naman siguro basta-basta iiwan ni Eric na bukas ang lahat ng pinto ng bahay lalo na ang pinaka-main. Pilit tinapangan ni Ligaya ang sarili kahit na sobrang kabado na siya. Pumasok siya sa loob ng kabahayan. Madilim na dahil hindi pa naka-on ang mga ilaw. Nang pinindot niya ang switch ng ilaw ay nakita niya ang magulong sala. Nakabaliktad ang sofa na wala na sa mismong puwesto nito at basag ang center table. Wala na din 'yong TV set. What the!? Where's Eric? Agad niyang kinuha sa kaniyang bulsa ang cellphone at idi-nial ang numero nito. Nakapatay ang cellphone nito. Mas dumoble tuloy ang kabog ng dibdib niya. No! He's probably somewhere inside the house at baka may hinahanap lang ito kaya magulo ang sala. Tinungo niya ang kusina. Magulo din ito. Naiiyak na siya sa mga naiisip niyang nangyari. Kasalanan niya kung may masamang nangyari kay Eric. Kung sana ay nagsabay na lamang silang nagtungo doon ay hindi... Natigilan siya nang may marinig siyang kaluskos sa may bandang study room. Medyo hindi iyon abot ng ilaw sa may sala kaya naman kinailangan pa niyang i-on ang flash light ng kaniyang cellphone. "Nasaan ba ang switch ng ilaw dito?" reklamo pa niya habang naglalakad. Pinalis niya ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi bago nagpatuloy. Nang nasa tapat na siya sa pinto ng study room ay bumalik na naman ang kabang pilit niyang nilalabanan. Napapikit siya ng mariin nang sa pagtulak niya ng pinto ay ang maliwanag na flash galing sa isang camera. "Welcome back, Ligaya Mora." natatawang sambit ng boses na sobra sobra niyang na-miss. Ayaw niyang magmulat ng mata. Baka kasi nananaginip lang siya. Hindi biro ang kabang naramdaman niya tapos ganito? Ano? Naglolokohan lang sila? Hindi ito magandang biro. "Lord please, kung totoo 'to bigyan mo po ako ng sign." naidalangin pa niya. Wala siyang narinig na kahit anong ingay. Ngunit isang mainit at malambot na bagay ang kaniyang naramdaman sa kaniyang mga labi. It taste sweet at halos ayaw na sana niyang matapos pa ang sandaling iyon. Napamulat siya ng tuluyan ng lumayo ito. "Eric..." "I'm sorry I scared you." sincere na sabi nito. It was all in his eyes. Na-miss tuloy niyang titigan ang mga mata nito. Parang sa isang iglap lang ay nawala ang kanina'y sobra-sobrang tahip ng kaniyang dibdib. "You did it big time." napayakap siya ng mahigpit dito at hindi na muling napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha. "I'm sorry." muling sambit nito na sinuklian ng mahigipit na yakap ang yakap niya. Her nose was filled with his smell. Nakakaadik talaga ang amoy nito kahit noong una palang niyang nakilala ito. Iyong tipong hahanap-hanapin mo kapag hindi na maabot ng ilong mo ang amoy nito. "Kung ano ano na ang naisip ko dahil sa ginawa mo..." and she remembered something, kumalas siya dito at nanghuhusgang tiningnan niya ito. "What happened out there? Bakit ang gulo ng sala? May mga gamit pang nawawala." sumbat niya dito na animo may bata siyang kinagagalitan. Napakamot ito ng ulo at mukhang hindi alam kung ano ang sasabihin. Pinandilatan niya tuloy ito ng mata at nameywang pa. "Eric?" Ngumiti ito ng matamis. "Actually that was a horrible trick." simula nito na ikinakunot ng noo niya. "Trick? What trick?" Hindi niya mahulaan kung ano ang nais nitong iparating. Mukhang gi-nood time pa siya nito, ah. Nakita niya ang makahulugang ngiti nito. Hindi tuloy siya mapakali. Ano ba talaga ang binabalak nito? "Eric c'mon. May nangyari ba talagang masama at ganoon kagulo ang sala? Eric ayaw ko ng ganyan, binibitin mo ak..." "I was going to ask you." biglang putol nito sa kaniya. "Ask what?" Bigla itong natawa. "Damn. Akala ko talaga madali lang but you know what? I'm nervous right now." kumunot na naman ang noo niya. Ano ba talaga ang nais nitong sabihin? Siya ang kaninang sobra ang kaba dahil sa nadatnan niyang gulo sa loob ng bahay pagkatapos ay ito naman ngayon? "Kinakabahan ako na baka hindi ka mag-yes." "Yes lang naman pala kung ano ano pa ang sinasabi mo, ano ba'ng tanong?" walang ideyang sambit niya. Natawa lalo si Eric. "Hey, what's funny?" Bigla nalang lumuhod ang binata at may kinuhang kung ano sa bulsa nito. Binuksan nito ang isang kahita sa harapan niya at doon tuluyan na niyang naintindihan ang mga sinasabi nito. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi. Ang slow niya. Gusto niyang kutusan ang sarili. Wala siyang ka-ide-ideya sa pakulo ni Eric. "Please, marry me, Ligaya Mora." may kung anong kumislap sa mga mata ni Eric. Is he about to cry? Damn this man. How can she not marry this kind of guy? Swerte nga siya at may lalaking kasing guwapo at kasing kisig ni Eric na nagpo-propose sa kaniya ngayon. She offered her hand for the ring and he slid it. Napsinghap pa siya nang maramdaman ang singsing sa kaniyang daliri. "Of course I will marry you, Mr. Eric John Ongpico." hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. It was surreal. Ni hindi nga niya namalayan na lumuluha na pala siya at napahid na ni Eric. "What happened?" biglang nagseryoso ang mukha ni Eric. Nakita niya ang pagtitig nito sa kaniyang kamay. Pagkatapos ay sa mukha niya ibinaling ang tingin nito. Napalunok siya ng kaniyang laway. "Ah, E-eric..." napaiyak na siya. Hindi niya masabi kung ano ang nangyari. Na hindi naman siya dapat umalis kung hindi lang siya naaksidente. "Is this the reason why you left? Ano ang nangyari?" may galit na sa mga mata nito pero alam niyang hindi para sa kaniya ang galit na nakikita niya. "I-I had an accident..." marahas na napamura si Eric. "Damn it!" "Noong araw na pumunta ako sa bahay ng mga magulang mo, balak ko sanang umalis ng bansa. Pero pinagsabihan ako ni Ilaya. I stopped my car, pero kasunod...n-nabangga ako ng kotseng sumusunod sa akin..." Sunud-sunod ang malutong na mura ni Eric. Mayamaya ay niyakap na siya nito ng mahigpit. "Hindi ko alam. I'm sorry. I almost lost you." Parang pinipiga ang puso niya. She has so many flaws. But with him, she felt nothing to worry about dahil ramdam niya ang pagmamahal at pang-unawa nito. "I'm sorry I didn't let you know. Ayaw ko lang na..." hindi na siya nito pinatapos. Hinagkan siya nito sa labi. It was soft and sweet, full of love and tenderness. "I love you, Ligaya." His eyes were full of love. Sinapo niya ang mukha nito at pinakatitigan ito sa mga mata. "How someone like you love someone like me?" naitanong niya. "Dahil ikaw ang itinibok nito." kinuha nito ang kanang kamay niya at itinapat ito sa puso nito. "And God lead me to you. Dahil ikaw ang itinakda Niyang maging ina ng mga magiging anak ko." Labis ang galak na nararamdaman ngayon ng kaniyang puso. Bakit ba niya tinatanong pa iyon? Ramdam na ramdam na niya ang pagmamahal nito sa kaniya. Ang dapat niyang gawin ngayon ay ang suklian ang pag-ibig na iniaalay nito sa kaniya. "I love you more and much." natawa pa siya. Gusto niyang higitan ang pagmamahal nito ngunit parang imposible. Sa mga pagsubok palang ay ito na ang lumaban para sa kanila. Isinuko nito ang trabaho para sa kaniya. "Whatever." natawa na din ito sa sinabi niya. "You'll be Mrs. Eric John Ongpico in two months time." Nanlalaki ang mga matang napatingin siya dito. "Two months? Wait! Ah..." Hindi niya tuloy alam ang sasabihin. That fast? Hindi pa nga sila ayos ng pamilya niya at ng pamilya nito. And his supporters. Sigurado siya na kahit umalis na ito sa pagmomodelo ay mayroon pa rin itong mga tagahanga na solid ang suporta dito. Natawa ito sa naging reaksiyon niya. "Natatagalan pa nga ako sa two months. If all the requirements are settled, maybe we can move it earlier than two months. Maybe in two weeks?" sabi pa nito na mas lalo niyang ikinatanga. Naaaliw yata ito sa kaniya kaya naman para magising siya sa pagkakatulala ay masuyo siya nitong hinalikan sa labi. "Am I dreaming? Eric...are you serious? Really?" hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pinagsasabi nito. Yes, they were engaged, but they also need to inform their families. Niyakap siya nito ng mahigpit. "Wala na silang magagawa dahil pumayag ka na sa alok kong kasal. They surely understand. I promise you that." It feels always comfortable when she was in his arms. She feels safe. At hindi pa ba siya maniniwala sa mga salita nito? Dahil lahat ng mga naging desisyon niya ay nagresulta ng hindi maganda. "I trust you, Eric. I love you." "And I love you too, my future Misis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD