Kabanata I - Ang Unang Pagtatagpo

3004 Words
Madaling araw pa lang ng lunes ay maagang naghanda sa pag-alis si Xenon, upang sa ganoon ay hindi siya mahuli sa pag-uusapan nila ng katagpo niyang tao. Sapagkat para kay Xenon ang araw na ‘yon ay lubos na mahalaga dahil ang katatagpuin niyang tao ngayon araw ay isa sa dahilan upang mas mapalawak pa niya ang kaniyang kompanya. Bukod dito, gusto niya ring kaagad na matapos ang kasunduan niya sa taong katatagpuin niya sa araw na ‘yon, sapagkat bukod sa araw na ito ay may iba pa rin siyang gagawin.   Kaya nga hindi maiwasan na mainis ni Xenon habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Kapag naaalaala niya ang taong dapat ay kaniyang katatagpuin ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi siya nito sinipot. Ilang beses na rin niyang tinawagan ang numero ng taong kakausapin niya ngayong araw ngunit kahit isa ay hindi nito sinagot ang tawag niya dahilan upang mas lalo pang mainis ang binatang si Xenon.   Kilala rin si Xenon Caasi bilang isang misteryosong nagmamay-ari ng pinakatanyag na kompanya sa Pilipinas. Bukod dito, may iba rin siyang pag-aari sa iba’t ibang panig ng bansa, ngunit kahit na misteryoso siyang maituturing marami pa rin na kababaihan ang humahanga sa kaniya. Sa edad niyang dalawampu’t siyam, kahit isa ay walang nababalita na naging kasintahan niya.   Kaya naman hindi maiwasan ng ibang kababaihan na isipin na ang binata ay may pusong babae rin. Sa madaling salita lalaki rin ang hanap. Sa halip na pagtuunan pa ito ng pansin ni Xenon, hindi na ito gaanong pinansin pa ng binata sapagkat alam niya sa sarili niya na babae ang gusto niya at hindi lalaki.   Isama mo pa rito ang matikas niyang katawan, ang mamula-mula niyang labi na siyang kinasasabikan ng maraming kababaihan. Habang ang matangos niyang ilong na siyang bumagay lalo sa gwapo niyang mukha na nagiging dahilan upang mas lalo pang mabaliw sa kaniya ang mga kababaihan. Mas lalo pang nakadagdag sa kaniyang kagwapuhan ay ang katangkaran niya na siyang tinitingala rin ng mga kababaihan na nakakasalubong niya sa daan.   Gusto man niyang magwala dahil sa hindi pagsipot ng taong kausap niya ngayong araw ay hindi pwede sapagkat lulan siya ng kaniyang sasakyan. Natatakot din siya na baka sa tindi ng galit na nararamdaman niya ay baka may madamay pa siyang inosenteng tao dahil lamang nararamdaman niya. Hanggang sa isang iglap bigla na lamang siyang napatigil ng may isang babae na bigla na lang tumawid.   Batay pa lang sa pinaggalingan ng dalaga masisigurado ni Xenon na galing ito sa baryo hindi kalayuan sa pwesto nila. Ngunit ang pinagtataka ng binata ay kung bakit nakatapak ang dalaga. At kung pagmamasdang mabuti tila ba sa hitsura ng dalaga ay palaboy-laboy lamang ito sa paligid. Dahil sa inis na nararamdaman niya kaagad siyang bumaba ng kaniyang minamanehong sasakyan upang sermunan ang babaeng bigla na lamang sumulpot sa may daanan niya.   “s**t! Are you out of your mind, Miss?” galit na pahayag ni Xenon sa babae na ngayon ay nakatungo na tila ba natatakot sa kung anong mang gagawin dito ng binata. “P-Pasensiya na hindi ko sinasadya,” hinging paumanhin ng babae na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin.   Akmang sisigaw na sana si Xenon sa babae nang bigla na lang siyang napatigil ng makita niya ang mukha nito. Tila isang iglap ay nawala lahat ng galit niya nang makita niya ang maamong mukha nito. Ang mamula-mulang labi at mga mata nitong tila umaakit sa kaniya. Habang ang mahaba at kulay abo nitong buhok ay inaalon ng sariwang hangin. Sa hindi malamang dahilan natagpuan niya ang sarili na hinahaplos ang maamong mukha ng babae. Tila ba pakiramdam ni Xenon sa mga oras na ‘yon ay tanging kapayapaan lamang habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga.   Isama mo pa rito na tila ba magaan ang pakiramdam niya sa dalaga na labis na ikinagulo ng isipan niya. Bukod dito, napansin din ni Xenon na tila ba nangangapa pa ang dalaga sa kapaligiran nito na mas lalong nakapagpagulo ng isipan ng binatang si Xenon.   “What’s your name?” kaagad na tanong ni Xenon na tila ba natauhan sa kaniyang ginagawa.   “Aurora Asuncion ang pangalan ko. Pasensiya na naguguluhan lamang ako sa nangyayari.”   Gusto man matawa ni Xenon sa kainosentahan ng babae ay pinili na lamang niyang manahimik. At ganoon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang mapagtanto niya ang hitsura ng babae. Tanging manipis na bestida lamang ang suot-suot nito at halata mong walang panloob na ginagamit. Tila ba sa hitsura pa lang ng babae ay maaari na kaagad itong mabastos ng kung sino man. Gusto man niyang tanungin ang dalaga kung ano bang nangyari dito ay mas pinili na lamang ni Xenon na manahimik muna.   “Tsk! Hindi mo ba alam na maaari kang mabastos sa hitsura mo.”   Sa halip na sagutin siya ng babae isang ngiti lamang ang iginawad nito sa kaniya. Ganoon na lamang ang gulat niya nang bigla siyang yakapin ng babae at sumubsob sa dibdib niya. Tila ba isang pusa na nanlalambing sa amo nito. Dahil sa ginawa ng babae kaagad namang nanigas si Xenon at hindi alam kung ano ba ang gagawin niya sa biglang pagyakap sa kaniya ng babae. Sapagkat aminin man niya o hindi nakakaramdam siya ng kakaiba dahil sa ginawang pagyakap sa kaniya ng dalaga. Isama mo pa rito na walang suot na kahit na anong panloob ang dalaga kaya hindi maiwasan ni Xenon na maramdaman ang dibdib ng dalagang ngayon ay nakayakap pa rin sa kaniya.   “Ang bango-bango mo pala. Hindi mo naman ako sasaktan ‘di ba?” Maamong pagtatanong naman ng dalaga sa binatang si Xenon.   Isang tango na lamang ang naging sagot niya sa misteryosong babae sapagkat alam sa sarili ni Xenon na hindi niya alam kung ano ba dapat ang isagot niya sa dalagang nasa harapan niya. Muli ay gusto na naman niyang magmura ng mapagtanto na isinakay na pala niya ang babae sa kaniyang sasakyan. Bagamat nagulat si Xenon sa naging reaksyon ng dalaga mas pinili na lamang niyang hindi ito ipakita sa dalaga. Tila ba kung pagmamasdan ang dalaga mapapansin mo rito na pawang wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Ang gulat na ekspresyon nito na tila ba ngayon lamang ito nakasakay sa ganoong magarang sasakyan. Kaya naman walang magawa si Xenon kung ‘di ang lihim na lamang na mapangiti sa dalagang ngayon ay kasa-kasama na niya sa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi man niya aminin sa sarili pero tila ba isang bata si Aurora na ngayon lamang nakalabas. Bukod dito, hindi rin maintindihan ni Xenon ang sarili kung bakit madali lang siyang napaamo ng dalaga. Tila ba nahipnotismo siya dahil sa angking kagandahan nito na kahit kailan ay hindi niya nakita sa mga babaeng nagpapansin sa kaniya. Sapagkat alam ni Xenon kakaiba ang dalaga sa ibang mga babae na nakakasalamuha niya pang-araw-araw niyang buhay.   Bukod dito, pakiramdam ni Xenon may koneksyon siya sa dalaga. Isama mo na rin ang hindi niya maipaliwanag na nararamdaman para sa dalaga. Tila ba pakiramdam niya gusto niyang protektahan ang dalaga sa lahat ng oras na kasa-kasama niya ito.   “Where do you live? So that I can drive you home.”   At ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang unti-unting lumalandas ang luha sa magandang mukha ni Aurora. Wala siyang nagawa kung ‘di itigil ang kaniyang sasakyan sa gilid ng karsada upang daluhan ang lumuluhang dalaga.   “s**t! Aurora please stop crying. Did I say something wrong?” natatarantang pagtatanong naman ng binatang si Xenon sa lumuluhang dalaga sa kaniyang harapan.   “P-Pasensiya na pero hindi ko alam kung nasaan na sila. B-Basta nagising na lamang ako na wala na sila,” lumuluhang sagot naman ng dalaga kay Xenon.   “What do you mean? Nagising?” nakakunot na tanong ni Xenon sa dalagang nasa harapan niya.   Tanging pagtango naman ang nagawang isagot ng dalaga kay Xenon. Dahil dito hindi maiwasan ni Xenon na hindi maguluhan dahil sa sinabi sa kaniya ng dalaga. Ang mas nakapagpagulo pa sa kaniya ay ang sinabi ng dalaga na nagising na lamang ito na wala na ang pamilya nito. Kung kaya naman ay hindi alam ni Xenon kung ano ang iisipan niya tungkol sa dalaga. Lalong-lalo na ang kakaibang hitsura nito na hindi normal sa isang tao. Oo nga’t bumagay dito ang kulay abo nitong buhok pero sa tanang buhay ng binata ngayon lamang siya nakakita ng kulay lilang mata kagaya ng mata ng dalagang si Aurora.   Kaya naman sa sinabi ni Aurora walang nagawa si Xenon kung ‘di ang isama na lamang niya ito sa kaniyang tirahan. Matapos ng kanilang pag-uusap natagpuan na lamang niya na mahimbing ng natutulog ang babae. Halos isang oras din bago siya makarating sa kaniyang tirahan. Dahil sa ayaw niyang maistorbo ang tulog ng dalaga maingat na binuhat na lamang niya ito patungo sa kaniyang unit.   Bakas man ang pagtataka sa mukha nang mga nakakasalubong niya hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Batid niya rin ang pagpapansin sa kaniya ng ibang babae ngunit tila isang hangin lamang na nilampasan niya ang mga ito. Ngunit kahit anong iwas ni Xenon sa mga babae tila ba mga aso ang mga ito na habol nang habol pa rin sa kaniya. Tila walang pakialam ang mga ito kahit na nakikita na ng mga ito na may pasan-pasan siyang babae na mahimbing na natutulog. Sa halip na pansin pa ang mga ito daig pa niya ang isang hari na naglalakad sa harap ng maraming kababaihan. Kaya naman walang nagawa ang mga kababaihan kung ‘di ang habulin na lamang ng tanaw ang lalaking matagal na nilang pinapangarap na mahulog sa kanila. Ang ayaw niya rin sa lahat ay ang mga babaeng walang ginawa kung ‘di ang magpapansin sa kaniya. Dahil alam niya na pera lamang ang habol ng mga ito sa kaniya. Hindi rin nawala ang ilang kababaihan na pasimpleng umirap sa dalagang si Aurora na mahimbing na natutulog sa bisig ng binatang si Xenon. Nang makarating siya sa kaniyang unit ay marahan niyang inihiga nang dahan-dahan si Aurora sa malambot niyang kama. Alam niya sa sarili niya na hindi niya gaanong kilala ang dalaga ngunit tila ba may nag-uudyok sa sarili niya na ingatan niya ang dalagang nasa harapan niya na mahimbing pa ring natutulog.   Isama mo pa rito na hindi niya matandaan kung saan niya nga ba nakita ang babae. Tila ba nakita na niya ito hindi niya lang matandaan kung saan at kailan. Kaagad na kinutuban si Xenon ng mapagtanto niya na maaaring isang espiya si Aurora na pinadala ng mga taong kalaban niya. Gusto man niyang kumprontahin ang dalaga mas pinili na lamang niyang manahimik muna habang minamanmanan ang magiging kilos nito sa mga susunod na araw.   Sa halip na isipin pa niya ang babae ginugol na lamang niya ang sarili sa kaniyang trabaho, dahil hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang dalaga kapag nalaman niya na isa nga itong espiya na pinadala ng mga kalaban niya. Sapagkat para sa kaniya kahit babae pa ito hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang dalaga oras na lokohin o pagbantaan siya nito. Dahil sa pagod sa pagtatrabaho niya hindi niya namamalayan na unti-unti na pala siyang nilalamon ng kadiliman.   Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng maramdaman niya na tila ba may sumusundot-sundot sa kaniyang pisngi. At hindi nga siya nagkamali dahil ang nakasimangot na si Aurora ang kaniyang nasilayaan. Tila ba sa hitsura ng dalaga kanina pa nitong ginigising ang binatang si Xenon na napahimbing ang tulog. Kahit na ang totoo naman ay kanina pang gising ang binata hindi lamang ito mumulat dahil hinihintay niya kung anong hakbang ang gagawin ni Aurora.   “G-Ginoo pwede bang humingi ng pagkain?” Nahihiyang tanong ni Aurora kay Xenon.   Dahil sa narinig ni Xenon na tinawag sa kaniya ng dalaga bahagya siyang napatigil at bahagyang napakunot ang kaniyang noo. Sapagkat hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang naging tawag sa kaniya ni Aurora. Para bang nagmula pa ito sa sinaunang panahon sa paraan pa lamang ng pananalita nito.   “What time is it?” mumukat-mukat namang tanong ng binatang si Xenon sa dalagang si Aurora.   “Pasado ala-sais na nang hapon ang tagal mo namang matulog, Ginoo.”   Muli na namang napakunot ang noo ng binata ng marinig na naman niyang tinawag siyang Ginoo ng dalaga. Pakiramdam ni Xenon para bang ang tanda-tanda na niya kapag tinatawag siya ng ganoon ni Aurora. Dahil kung tutuusin hindi pa naman siya ganoong katandaan para tawagin ng dalaga na Ginoo.   “Call me Xenon not Ginoo.”   Mabilis namang tumango-tango si Aurora na para bang isang batang pinagsasabihan. Doon din napansin ni Xenon na hindi mahirap kausap ang dalaga. Kung tutuusin daig pa ni Xenon na may kasa-kasama ngayong bata dahil sa pinapakitang kilos ni Aurora sa harapan niya. Akmang lalabas na sana sila nang unit para kumain ng biglang mapagtanto ni Xenon ang suot ni Aurora. Tinalo pa niya ang kidlat sa bilis ng paghahanap ng damit na maaaring suotin ng dalaga. Dahil alam ni Xenon na wala siyang damit na pambabae kaya naman mabilis siyang naghanap ng mga damit niya na maaari niyang ipagamit muna pansamatala sa dalaga, habang wala pa itong sarili nitong damit.   Isang panjama at malaki ngunit makapal na t-shirt ang pinasuot niya sa dalaga. Sapagkat alam niyang may mga bastos na lalaki na maaaring makapuna sa babae. Dahil hindi maitatanggi na may taglay itong kagandahan na tila ba isang buhay na manika ang hitsura ni Aurora. Kaya naman kahit itanggi niya sa kaniyang sarili hindi maaalis ang taglay na kagandahan ng dalaga na labis na nakapagpapagulo ng isipan ng binatang si Xenon. Hindi pa nagtagal ang nakarating silang dalawa ng dalaga sa restaurant na pagkakainan nilang dalawa.   Pagpasok na pagpasok pa lang nila ng restaurant muli na namang napansin ni Xenon ang nagtataka at humahangang mukha ng dalaga sa lugar na pinuntahan nila. Hindi rin maalis ang iilang tingin ng kababaihan sa dalagang si Aurora. Batay pa lamang sa paraan ng pagtingin ng mga ito sa dalaga mapapansin mo kaagad na maninamaliit ng mga ito si Aurora. Ngunit kahit na ganoon ang reaksyon ng ilang kababaihan tila ba wala man lang pakialam sa kanila si Aurora.   Akmang may lalapit sanang babae kay Xenon ng mabilis niya itong sinamaan ng tingin na tila ba nagbababala na huwag itong lumapit sa kaniya. Wala namang nagawa ang babae kung ‘di ang maupo na lamang ulit kasama ang mga kaibigan nito. Mababakas din sa mukha ng babae ang matinding pagkapahiya dahil sa pagtanggi ni Xenon. Ngunit para kay Xenon wala siyang pakialam dito sapagkat ang pinakaayaw niya sa lahat ay ‘yong babae pa ang nagbibigay motibo sa lalaki. Naalis lamang ang masamang tingin ni Xenon sa babae ng bigla siyang kalabitin ni Aurora at mahinang bumulong sa may tainga niya.   “Xenon, masarap ba dito ang mga pagkain?”   Dahil sa ayaw ni Xenon maghintay bago pa lang sila magtungo sa restaurant ay kaagad siyang nagpa-reserve upang maihanda na kaagad ang pagkain nila.   “Yes. So stop questioning me and eat your food.”   Kaya naman walang nagawa ang dalaga kung ‘di ang tahimik na lamang kumain. Hindi nakaligtas kay Xenon ang ginawang kilos ng dalaga sapagkat kung pagmamasdan itong mabuti mapapansin mong nagmula ito sa mayamang pamilya. Ang paraan pa lamang ng paggamit nito ng mga kubyertos tila ba bihasang-bihasa na ito. Sa halip na magtanong pa nagpatuloy na rin siyang kumain na hindi iniinda ang kakaibang tingin sa kanila ng mga tao.   Nasa kalagitnaan sila nang pagkain ng bigla na lang may umaakbay na lalaki kay Xenon. Dahilan upang magulat si Aurora sa tiim ng pagkakatitig ng lalaking nakaakbay kay Xenon sa may harapan nito. Batay pa lamang sa tingin ng lalaki sa dalagang si Aurora mapapansin mo sa hitsura nito ang pagtataka sa babaeng kasama ni Xenon.   “Miracle! Who is this beautiful lady, Xenon?” Tila hindi naman makapaniwalang tanong ng binatang si Silver sa kaibigan nitong si Xenon na patuloy lamang sa pagkain. Batay pa lamang sa reaksyon ni Silver alam na kaagad ni Xenon na aasarin siya ng kaniyang kaibigan dahil sa unang beses nitong makitang may kasa-kasama siyang babae.   “Tsk. She’s Aurora Asuncion, so keep your mouth shut, Silver.” Balewala namang sagot ng binata si Xenon sa kaibigan niyang si Silver.   “s**t! Don’t tell me related siya sa mga Asun---”   Hindi na naituloy ni Silver ang kaniyang sasabihin ng biglang takpan ni Xenon ang kaniyang bibig. At matiim na tinitigan na tila ba nagbababala na tumahimik ito. Bakas man ang kalituhan sa isip ni Aurora pinili na lamang nitong manahimik sapagkat hindi rin naman nito kilala ang kaibigan ni Xenon.   “Just shut your mouth for a while, Silver. I”ll tell you everything later.”   Sa halip na magpumilit pa si Silver mas pinili na lamang nitong manahimik. At kagaya nina Xenon at Aurora nakisalo na rin ito sa pagkain ng dalawa. Samantalang naiwan namang tulala ang kasa-kasama nitong babae at tila ba walang pakialam si Silver kung naiwang nakatayo ang babae nitong kasama. Akmang pauupuin sana ito ni Aurora ng marahang umiling sa harapan nito si Xenon na tila ba sinasabi na huwag ng makialam pa ang dalaga. Kaya naman walang nagawa si Aurora kung ‘di ang ipagpatuloy na lamang ang pagkain kasama sina Xenon at Silver.   Sa mga oras na ‘yon hindi sa hindi malamang dahilan tila ba pakiramdam ng dalaga na may tinatago rito ang binatang si Xenon. Pero kahit na ganoon ang nararamdaman ng dalaga sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi man lamang nakaramdam ng takot ang dalaga sa binatang si Xenon. Sa halip, pakiramdam ng dalaga na tila ba ligtas ito sa piling ng binatang si Xenon na kahit alam nito na may itinatago ang binata lagay pa rin ang loob ng dalaga sa binata.   Bagamat naguguluhan si Silver pinili na lamang nitong manahimik dahil nangangamba ito na baka bigla na lamang magalit si Xenon. Ngunit hindi maitatanggi ni Silver ang taglay na kagandahan ng dalaga kaya naman hindi nito maiwasan na hindi titigan ang dalaga. Sapagkat kung ito ang tatanungin kagaya ni Aurora ang tipo ni Silver sa babae. Iyon tipong alam nitong hindi siya lolokohin ni Aurora kapag naging magkasintahan sila. Mabilis namang binura ni Silver sa isipan nito ang paghanga kay Aurora dahil kilala nito si Xenon kung paano magalit at higit sa lahat ayaw ni Silver na mag-away sila ng kaibigan dahil lamang sa babae. Samantalang, tila ba isang bula na lamang na nakalimutan ni Silver ang babaeng kasama nito kanina lang. Habang tahimik namang nilisan ng babae ang lugar habang may malungkot na ngiti ang nakapaskil sa labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD