Rain’s POV Alas dose na ng gabi, magkakatabi na sa kabilang malaking kama sila Rocco, Reese at ng kanilang daddy. Nakapulupot ang magkambal sa kaniyang mga braso na kung iisipin mo ay takot na silang maghiwalay ulit. Gusto ko ng tumabi sa kanila. Pero dahil sa ang sarap nilang pagmasdan habang natutulog, tumayo na lang ako at inilagay ang robe sa aking katawan. Hindi ko alam -- hindi ko aakalaing na aabot pa pala sa punto na mabubuo pa ang aking pinangarap na pamilya. Buong araw silang naglaro kaya alam ko pagod na pagod ngayon ang magkambal kaya mahimbing at malalim sila ngayon na natutulog. Lumabas na lang muna ako sa balcony, kumuha ng red wine at umupo sa couch. Mga kalahating oras ang lumipas, lumabas din si Rumir dito sa balcony. Tinitingnan niya lang ang kilos ko, ang iniino

