Rain’s POV
Medyo nakakaramdam na ako ng lungkot at pag-alala dahil sa ang isang kamay niya ay nakalagay na sa kaniyang mukha.
“R-Rumir, -- okay ka lang ba? Gusto mo ba na -- umuwi na lang tayo para makapagpahinga ka na?” pagyayaya ko sa kaniya pero ang isang 'to, gustong gusto talaga maglabas ng hinanaing niya.
“Alam mo ba Rain? Na si daddy lang nagtatanggol sa akin kapag sinasaktan ako? Oo mahal ako ni mommy, alam ko naman 'yon. Pero ang gusto niya kasi ay laging ako na lang ang magparaya. Kaya si daddy lang ang katangi-tanggi laging nagtatanggol sa akin talaga. But not anymore when he died -- wala na. Wala na talagang nagtatanggol sa akin na magulang.”
“Kaya Rain, noong narinig kitang pinagtanggol mo ako sa kaklase ko, pinahanga mo talaga ako ng sobra. Sobra-sobra. I remember dad that time because of you.” Wala akong maisip na isasagot, kundi salubungin lang ang mapupungay niyang mga mata.
“Rain, my Riri, thank you. Thank you for comforting me, for protecting me.”
“Tsk ano ka ba Rumir, maliit na bagay.”
“But so big for me, actually this is too much. Paano ba ako makakabawi sayo?”
“Hmm, ito. Okay na to sa akin.” Masayang saad ko at tumingin sa mga pagkain.
“No, this is not enough sa babaeng napakatapang at nagtanggol sa akin. Naalala ko tuloy bigla no'ng pinagtanggol mo ang freshman.”
“N-nakita mo 'yon? Nandoon ka?”
“Uhuh. Yes, I was there. Bilib din ako sayo dahil sinagupa mo ang Patrick na ‘yon.”
“Kawawa naman kasi si JJ, buti nga at hindi na trauma ‘yon eh. ‘Yon ‘yong kapatid ni Noah na sinusundo niya sa university.” Saad ko at biglang kumunot ang kaniyang noo.
“Hmm Rain, if you mind, may nanliligaw na ba sayo? Kinukulit ka pa rin ba ni Noah?”
“Hmm, wala namang nanliligaw sa akin. W-why?”
“Don’t lie to me, ang alam ko nililigawan ka nga rin ni Patrick pero binusted mo siya at sa harap pa ng maraming tao. Pati 'yong anak ng mayor dito niligawan ka, but you refused and marami pang iba.”
“Oh alam mo pala eh, bakit ka nagtatanong sa akin. Hahaha.”
“Sa dami ng nagkagusto sayo, you haven’t had ex or anyone yet?”
“Hmm no, acads kasi ang focus ko talaga.”
“And ngayon acads pa rin plus Science Club ‘di ba?”
“Y-yes?”
“Then why are you allowing me to take your precious time?”
''S-simply because -- I know you’re a good person.”
“Sa mahigit isang buwan na lagi na tayong magkasama Rain, ‘yon lang 'yon? That I’m a good person?” hindi ko alam pero dahan-dahan na namang nanlalambot ang mga tuhod ko.
“Rain I have something to tell you bago tayo ulit bumalik sa university dahil may sundo ka ng lolo dad mo. Rain, I -- mommy, bakit ka nandito!” napalingat ko sa likuran ko at pansamantalang napatitig sa mistisang babae.
“Hi dear! May dinaanan kasi kami dito ng daddy mo. Birthday ng inaanak niya sa kabilang venue. Nakita ko kasi ang big bike mo sa labas kaya I’m thinking na baka your just around. And see? I was right. Who is this beautiful lady with you darling?”
I should be confident enough dahil nakapag-ayos naman ako pero hindi ko maiwasan na hindi pa rin mailang dahil sa kakaibang titig na binibigay ng kaniyang mommy sa akin ngayon.
“Ikaw Rumir, hindi mo pinakikilala ang girlfriend mo ha. Bukod kay Tina, may iba ka na pa lang kakilala na malapit sayo. I’m so happy for both of you and maintain the sweetness. Ang cute niyong dalawa tingnan. O siya, babalik na ako sa kabila at baka hinahanap na ako -- ng daddy mo.” Pagkatapos niyang magpaalam ay umalis na rin siya kaagad.
“Ganda ng mommy mo.”
“Iba pa rin ang ganda mo Rain.”
“Lipat ka na doon ulit.”
“Gusto ko tabi tayo -- teka okay ka lang ba?”
“Okay lang ako. Sige na kunin mo na upuan mo at bumalik ka na ulit sa harapan.”
“Wait, wait, wait. Anong problema?”
“Sino si Tina? Akala ko ba na -- “
“HAHAHA! Wait nagseselos ka ba Rain?”
“At bakit naman ako magseselos Rumir? Saan na nga ‘yong regalo ni Noah? Sa akin na nga!”
“NAGSESELOS KA BA? Awit nagseselos nga! Hahaha!” bwisit, ngayon ko lang nakita ang side ko na 'to! Matured naman na sana ako pero bakit napaka-childish ko ngayon!
Huminga muna ako ng sandali, pero ang katabi ko, naka-smirk pa rin. Kainis!
“So pwede ka na bang kausapin love?”
“Love your face Rumir.” Hinubad niya ang kaniyang gray leather jacket at inilagay sa akin.
“Ayoko, hindi naman ako nilalamig.”
“Tigilan mo ko Rain, oo bago pa lang tayong magkakilala pero alam kong mahina ka sa lamig.” Hays, napagwapo na, napaka-observant pa! Ang hirap naman lusutan ng isang 'to!
“Rain ito seryoso 'kong tanong, pwede ba kitang ligawan?”
“Bakit ako? Bakit hindi ‘yong Tina?”
“Tsaka ka na magselos ng ganiyan kung girlfriend na kita. Hahaha.” Magsasalita na sana ako ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Si lolo dad! Tumatawag!
“Hello l-lolo dad?”
“O iha, nandito na ako sa labas ng gate. Nasaan ka na?”
“Hmm, sorry -- sorry lolo dad -- n-nasa SM po ako ngayon. Hindi ko po kayo na-update kaagad. P-pasensya po.”
“Nasa SM ka? Bakit parang ang tahimik naman yata diyan?”
“Po? Nasa comfort room po ako -- lolo dad.”
“Okay punta ako diyan, para sunduin kita.”
“No! N-no lolo dad, mag-ta-taxi na lang po ako pauwi. Thank you lolo dad, see you later.”
“O sige sabi mo eh. Mag-iingat ka iha ha, see you mamaya.” Namatay na rin ang tawag. Halos higit isang buwan na akong laging ganitong kakabakaba at nakakapagsinungaling. I’m so sorry lolo dad!
Kinuha ko ang aking bag sa kabilang upuan. “Alis na tayo dito.”
“Not until you answer my question. Ms. Rain Ann Acosta, maaari ba kitang ligawan?”
“If I said no?”
“If you said no, I will respect it. Iiwas na rin ako, para hindi na mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sayo.”
“Ayaw ko magpaligaw. So ‘yon, iwasan mo na ako ha.”
“At talagang naniwala ka doon? Rain kahit pirapiraso na ang puso ko ngayon at kung mabasag pa ito ulit dahil sayo, kakayanin ko dahil alam 'kong ikaw 'yan. Ikaw 'yan na iniibig ko.”
Rrr. Na-touched ako ng sobra!
“Sige fine, pumapayag na ako.”
“YES! I will make you happier Rain! I promise! Hindi kita titigilan Rain hanggat hindi ka napapasaakin!”
Pumayag ba ako dahil sa na-touched ako sa sinabi niya o talagang -- mahal ko na siya, dati pa?