Rain’s POV “Ano bang dress ang gagamitin ko sa dinner meeting namin?” saad kong mag-isa habang nakatingin sa kabuuhan sa aking wardrobe. ’’Four thirty pm pa lang pero nag-re-ready na ako. Eh eight thirty pm pa naman ang meeting naming dalawa ni Rumir ha?’’ dagdag ko pa. “Sus gusto mo lang magpaganda sa kaniya eh.” Sabi ng isip ko. “Duh! Bakit naman ako magpapaganda sa kaniya? At sa manloloko pa na ‘yon talaga? Isa ‘yang malaking kahibangan! Hahaha!” sigaw naman ng kabilang isip ko. Walang hiya, mukhang mababaliw pa yata ako ha! Pinili ko ang kulay pula kong casual dress at isinampay sa upuan. Pumili na rin ako ng susuutin kong sandals. Mag-stiletto na muna ako ngayon. Pagkatapos kong maihanda ang lahat at maiplantsa ang dress na aking gagamitin, umidlip muna ako at naglagay ng pipi

