Chapter 5

1112 Words
"Iwan ko dito sa bench itong damit." "Sige, salamat. Patapos na ako." Narinig kong sagot ni Mr. Yan mula sa shower area. "Hanapin ko lang 'yong first aid kit." "Ge bro." Pagkatugon nito ay lumabas na ako ng locker room at nagtungo sa may front desk para kunin ang first aid kit. Habang naglalakad ay hinihimas ko ang balikat at panga ko. Mas nararamdaman ko na ngayon ang sakit ng katawan ko. Pagkabalik ko ay naabutan ko itong katatapos lang magbihis. Lumingon ito sa akin nang maramdaman ako nitong dumating. Pinagmasdan ko ang suot nito. Kasyang-kasya rito ang damit ko. "Tara sa taas." Yaya ko rito. He nodded his head and followed me to the rooftop. "Wow. Nice place.” Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Kasalukuyan kaming nasa may b****a ng hagdan. Kalahati ng buong palapag ay walang harang. Pinalandscape ko itong kalahati ng fourth floor kaya magandang tambayan kapag gabi. At mas lalo iyon pinaganda ng mga ilaw na nagmumula sa mga karatig na istraktura. "Gusto mong dito na lang tumambay o sa loob?" Tanong ko rito. "Dito na lang.” Anito. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa railings, sa may mismong tapat ng signage ng Tier One. "Are you up for another round?" Yaya ko rito. When he turned his head to look at me, I raised my hand and did a drinking gesture. "Shot?" Tanong nito. I nodded my head in reply. Wala rin naman kasi akong gagawin ngayon. I was supposed to be at the hotel right now humping with Lucy but well, things happened. "Call." Sagot nito bago kami sabay na nagtungo sa may lounging area. Iniabot ko muna rito ang first aid kit para ito na ang maunang gumamit saka pumasok sa loob para kumuha ng maiinom na alak. Nagpadeliver na lang ako ng pizza dahil nakalimutan kong magstock ng pagkain sa ref. Pagkalabas ko ay naabutan ko itong ibinababa ang suot nitong t-shirt. "Ilan na ang branches ng Tier One mo Steven?" Bahagya akong natulala nang marinig ko ang pangalan na tinawag nito. Medyo nakakapanibago. Madalas kasi ay Steve lang ang tawag sa akin ng mga tao. "Tatlo na." Sagot ko nang makahuma ako. Nagbukas ako ng isang boteng pale pilsen at saka ibinigay iyon rito. Kumuha ulit ako ng isa pa para naman sa akin bago ako umupo sa may bench. "Sole proprietorship?" "Oo. Pinautang ako ng kaibigan ko ng kapital, tapos napalago ko." Sagot ko rito. Hinila ko ang first aid kit sa may mesa saka ginamot ang mga sugat ko. "Bakit ito ang naisip mong negosyo?" "Fitness instructor ang trabaho ko dati. ‘Yon ang bumuhay sa akin noong namatay ang mga magulang ko." Kwento ko rito habang tinatapalan ng bandaid ang mga sugat ko. "I'm sorry." Mahinang sambit nito. Nag-angat ako ng tingin at tinignan ito. Tipid akong ngumiti. "Ayos lang, matagal nang nangyari ‘yon." Inabot ko ang bote ng beer at tahimik na tumungga ng alak. Kahit na matagal nang nangyari iyon, hindi ko maintatangging nangungulila pa rin ako sa kanila. Huminga ako ng malalim at iniba ang usapan. "Curious lang. Anong trabaho mo? Isa ka sa mga big time clients namin eh." "VP sa Simmons." Sagot nito. I whistled. "Wow. Kaya pala." He chuckled. "Nga pala, hindi kaya huntingin ka ng mga no’n? Napuruhan mo talaga ‘yong isa eh." Umiling ito. "Tinawagan ko na ‘yong abogado ko kanina habang nasa loob ka ng pad mo. Siya na ang bahala doon." Dahan-dahan akong tumungo. "Mamaya samahan na lang kita na kunin ‘yong sasakyan mo doon. Baka mamaya nag-aabang sila do’n." Anito. "’Wag na. Ipapakuha ko na lang sa isa sa mga empleyado ko mamaya." Tanggi ko rito. "Madalas ka ba sa Zapheon?" Umiling ako. "Kapag niyayaya lang." "Huwag ka na lang muna pumunta do’n habang mainit pa tayo. Sa Xenos, maganda rin doon." Bahagya akong tumawa at sinabing, "Hindi naman ako gabi-gabi nagpupunta sa gano'n." "Malay mo, may magyaya sa'yo." Tumango na lang ako. Mabuti pa ngang gano’n ang gawin ko, kaysa mapaaway ulit. Nagkwentuhan lang kami ng tungkol sa kung anu-anong bagay hanggang sa dumating ang pizza na inorder ko. Tumawa ito ng malakas sa kinwento ko. "Sakto pa kasi nangyari ‘yong kanina, nakalimutan ko na may kasama pala ako." Sabi ko rito sabay iling. "Ano kayang nangyari do’n?" Wala sa loob na tanong ko habang tumutungga ng alak. "’Di bale. Ihahanap na lang kita ng bago. Ano ba ang type mo?" "Ako? Hahanapan? Di no. Babae ang lumalapit sakin uy." Tumawa ito. "Wala kang serious girlfriend?" Tanong nito habang kumukuha ng isang slice ng pizza. "Sa ngayon, ayaw ko pa ulit. Hindi ko sila maintindihan. Akala ko okay tapos biglang may problema pala.” Sagot ko rito. Ngumiti ito ng mapait sabay sabing, "I totally agree." Tumaas ang isang kilay ko nang makita ko ang reaksyon nito. "Problema sa chicks? Gf?" Ngumiti ito saka umiling. "Nadala lang." "Ex?" Tumango ito saka uminom. "Naghanap ng iba kasi malungkot daw. Long distance relationship kasi. Nakipaglandian sa iba habang kami pa." "Aray." Komento ko. "Alam mo pa kung ano ang mas masakit?" "Ano?" "Nahuli ko mismo. Kung nalate siguro ako mas malala pa siguro ang nakita ko." "Recently lang nangyari?" "May 3 years na. Hindi na gano’n kasakit, pero hirap na akong magtiwala. Mas magandang fling-fling na lang.” "Takte ang tagal na pala. Hindi ka pa rin nakamove-on?" Pabirong komento ko. "Gago, first serious girlfriend ko ‘yon. Syempre masakit. Tsaka iba sa akin eh, niloko ako." "Sabagay. Well, nasasayo naman ‘yon kung dadamdamamin mo pa o hindi na. Hindi naman ako ‘yong mahihirapan." "Salamat sa concern ha." Anito sabay bato sa akin ng nilamukos nitong tissue. "Walang anuman." Sabi ko rito sabay tawa ng malakas. Nakitawa rin ito habang umiiling. Maya’t maya ay muli itong nagsalita. "Nabanggit mo na wala na ang mga magulang mo. Sino ang kasama mo ngayon dito?" "Wala. Mag-isa lang akong anak.” Gulat itong napatingin sa akin. Saglit na natahimik. Nang makahuma ito ay saka lang ito nagsalita ulit. "Saludo ako sa'yo. Ganito ka kasuccessful ngayon sa sariling hirap. Bibihira ‘yan." Inumpog nito ang bote nito sa bote ko. "Kailangan eh. Wala naman akong ibang masasandalan na iba. Buti na lang swerte sa kaibigan kaya kinaya ko pa lahat ng pagsubok na dumating sa akin." I paused and smiled. "Kaya para sa akin, kapag nagkaroon ako ng kaibigan, iniingatan ko. Iniwan na ako ng lahat pero sila nand’yan pa rin. Kahit nakakagago paminsan-minsan ‘yong mga ‘yon." Sabi ko sabay tawa. Marami pa kaming napagkwentuhan habang nag-iinuman. Hindi namin namalayan ang pagtakbo ng oras. Napagpasyahan lang naming matulog nang bahagyang lumiwanag ang kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD