Nasa penthouse unit ako ngayon ni Ralph kung saan may kasalukuyang nagaganap na party.
Isa ako sa mga imbitado sa birthday nito.
Ngunit imbis na makisaya at makihalubilo ay nanatili akong nakatulala sa isang sulok, tinatanaw ang mga nagkikislapang ilaw sa malayo na nagmumula sa mga building na katapat nitong condominium building na kinatatayuan namin.
I've been like this for the past month, always in a daze. I could still work normally though. Minsan lang kapag akong ginagawa bigla na lang akong natutulala.
"Steve, bakit hindi ka umiinom?" Narinig kong tanong ni Ralph paglapit nito sa akin.
"Pass muna ako pre." Itinulak ko ang baso ng alak na inaabot nito sa akin.
"Anong meron sa’yo? Simula nung dumating ka, hindi ka pa humahawak ng alak. Tapos pinapaalis mo pa yung mga chicks na lumalapit sa’yo. Are you abstaining dude?"
"Pasensya na kung party pooper ako. Wala lang talaga ako sa mood ngayon." Sumandal ako sa railings at tumingala.
"Problem?"
Umiling ako. Ayaw kong pag-usapan ang tungkol roon ngayon. I couldn’t bring myself to say it.
"Okay. But don’t hesitate to tell me if it's something I could help you with, alright?" Anito sabay tapik sa balikat ko.
"Okay, thanks pare." Tugon ko rito. Naglakad na si Ralph palayo at nakihalubilo sa iba pa nitong bisita.
Halos isang buwan na simula nang dumating ang isang pagsubok sa buhay ko na sa unang pagkakataon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
I sighed deeply.
I am currently abstaining from alcohol. Nagbabaka sakali akong iyon lang ang sanhi ng problema ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Gayunpaman, hindi ko pa rin magawang magtungo sa doktor para konsultahin sila tungkol sa lagay ko.
Ilang linggo nang puro tubig lamang ang iniinom ko. Ni isang patak ng alak ay hindi pa ulit ako nakakatikim.
Muli akong napabuntong-hininga sa pagkayamot. Malapit na akong masiraan ng bait sa nangyayari sa akin.
I looked down at my crotch helplessly and sighed once again.
'It' is not standing up... f**k.
No matter what I did, it doesn’t get hard anymore.
I think it started after that night with Odessa. Hindi biro ito. Natatakot akong isipin na ito na ang katapusan ng s*x life ko.
Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. I don't know if this was only a temporary thing or a permanent one. Nonetheless, both situations were still making me insane.
Kaya ako tumuloy sa party na 'to kahit na namomroblema ako ay nagbabaka sakali rin ako. Na baka kapag nakakita ako ng mga babae na magaganda at sexy at saka handang makipaglandian ay ganahan ako.
The moment I arrived at this place, countless women already tried to have a flirty conversation with me, sadly, I never felt sexually aroused at all.
God damn it.
I stayed for a couple more minutes before deciding to go home. Wala rin naman akong mapapala rito. I don’t wanna ruin Ralph’s party because of my mood.
***
After leaving the party, I went straight home. My condition was stressing me out. I couldn’t figure out what was causing it.
Pagkapasok ko ng bahay ko ay kaagad akong may napansin na kakaiba. Nakabukas ang lahat ng ilaw. Why was it turned on when I always made sure to turn off the lights before going out?
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at inarok kung sino ang intruder sa bahay ko.
Tumuwid ako ng tayo sabay napabuga ng hangin nang matagpuan ko si Jeff na nakaupo sa sofa, kumakain ng popcorn habang nanonood ng telebisyon.
Bumaling ang tingin nito sa gawi ko. "You're back." Anito.
Walang imik na nagtungo ako sa kabinet ko at nagpalit ng pambahay. Nais ko lang mahiga at magpahinga ngayon.
Pagkatapos kong magbihis ay dumapa ako sa kama at pumikit.
"Hoy, anong meron? Bakit hindi ka namamansin?" Narinig kong tanong ni Jeff. Naramdaman ko itong lumapit sa akin ngunit hindi ko pa rin ito pinansin.
"Kumain ka na?" Tanong ulit nito. I grabbed my pillow and covered my ears in response. I’m not in the mood to speak with anybody at the moment.
"Uy..." Ngunit Ilang saglit lang ay nararamdaman ko ang magaang pagsundot nito sa tagiliran ko gamit ang paa nito.
"Bukas na tayo aalis. Tanda mo pa? Dumaan lang ako sandali dito. Kagagaling ko lang sa Thailand." Narinig kong saad nito. Napamulat ako sa ilalim ng unan at ilang beses na napakurap.
"Daanan na lang kita bukas, alas tres ng hapon. Alis na ako." Ani Jeff.
Saka ko lang naalala ang usapan namin tungkol pagpunta sa Laoag. Nawala na iyon sa isip ko dahil sa problema ko.
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko at bahagyang napabangon. Tinignan ko ang pigura ni Jeff na naglalakad palabas ng bahay.
Pagkasara nito ng pinto ay muli akong humiga sa kama. I spread my arms and legs wide open and stared at the white ceiling.
I sighed in frustration.
Bumangon na ako at kinuha ko ang backpack na binili namin ni Jeff sa Baguio. Kaunting damit lang ang dadalhin ko. Pwede naman sigurong makilaba do'n sa kanila. Ayaw ko kasing nagdadala ng maraming bagahe. Isa pa ay pwede namang ulit-uliting isuot ang pantalon.
Pagkatapos kong i-empake lahat ng kakailanganin ko ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang lahat ng managers ng tatlong branches ng Tier One.
Nagbilin ako sa mga ito na isang linggo akong mawawala at tawagan na lang nila ako kapag nagkaroon sila ng problema na kakailanganin ako. I hired competent employees. Kaya alam kong kung hindi lang rin naman emergency ay hindi ako gagambalain ng mga ito.
Pagkatapos kong ayusin lahat ng dapat ayusin ay humiga na ulit ako sa kama at natulog. I wanted to rest because it's gonna be a long day tomorrow.
I am quite looking forward for this trip. Baka ang nakakarelax na environment sa probinsya ang makatulong sa kalagayan ko ngayon.