Chapter 17

1191 Words
"Bro pwede ba naming mainvite ‘yong singer dito sa table namin?" Tanong ni Jeff sa waiter nang bumalik ito dala ang pulutan at alak na inorder namin. "Naku sir. Hindi ho nagte-table yang si Odessa." Sagot ng waiter. "Tanungin mo lang kung gusto niya." Ani Jeff sabay pasimpleng inipit sa vest ng waiter ang isang libo. Napailing na lang ako sabay tawa nang makita ko ang ginawi nito. Kagaya ko ay desidido din itong manalo. Ilang minuto ang lumipas, nakita naming bumalik ang waiter. Subalit ngayon ay may kasama ito. Kasunod nitong naglalakad ‘yong babaeng kumakanta kanina sa stage. Tinitigan ko ang mukha at katawan nito. Mas maganda ito sa malapitan. Makinis at maputi ang kutis. "Sir, ito po si Odessa." Pakilala ng waiter. Pagkatapos ay nagpaalam na ito at iniwan na si Odessa na nakatayo sa harap ng mesa namin nang mag-isa. Nahihiyang ngumiti ang babae sa amin. Tumikhim si Jeffrey saka tumayo. "Hi I'm Jeffrey." Anito at saka nakipagkamay rito. Ang bilis talaga nitong gumalaw. Pero magpapahuli ba ako? I stood up and stepped to the side a little bit, emptying the chair I was sitting on earlier. "Dito ka na umupo, Miss. I'm Steve by the way." I said. I flashed my most charming smile. I held her elbow gently and quickly guided her to the seat. Hindi naman ito tumanggi. I looked at Jeff and smirked. Umiling lamang ito saka tumawa. Pagkatapos ay muli na itong naupo sa upuan nito. "May gusto ka bang inumin? Order ka kahit ano." Saad ko kay Odessa. She waved her hand and shook her head. "Okay lang, kakanta pa ako after nito eh." "Ohh. Gaano katagal ka nang kumakanta dito sa Republika?" Tanong ko rito. "Three months pa lang." Sagot nito saka tipid na ngumiti. "Ang ganda ng boses mo. Ang sarap pakinggan." Narinig kong papuri ni Jeff. Bumaling ang tingin ko rito. Hindi pa rin ito sumusuko. "Kasing ganda ng boses mo ang mukha mo." Kaagad ko namang hirit. A tinge of red crept up to her cheeks. I glanced at Jeff and grinned. "Regular kang singer dito?" Tanong ni Jeff. Umiling ito at sumagot, "Tuesday, Thursday, and Saturday evening lang. Depende pa minsan sa day job ko.” "Ohh, noted." Makahulugang tugon ko. Nahihiyang nagyuko ito ng ulo nang marinig nito ang sinabi ko. Umiiling na napataas ng kamay si Jeff saka tinungga ang natitirang laman ng baso nito. "Sigurado ka Odessa, ayaw mong uminom?" I asked, calling her name sleekly. Nahihiyang tumango ito at sinabing, "After nitong gig ko pa pwede." She paused for a second to glance at her watch. "Kailangan ko nang bumalik. Sumaglit lang talaga ako dito." Dagdag nito. I nodded my head reluctantly and said, "Sige." Tumayo ito at muling nagpaalam sa amin. Bago ito tuluyang makalayo ay tinawag ko ito. "See you later?" Nananantyang tanong ko rito at mataman itong tinitigan sa mga mata. She hesitated for a second before nodding her head twice. Namumulang tumalikod ito at naglakad pabalik sa backstage. I leaned back on my chair and whistled in victory. Jeff laughed. Nakangiti na inabot ko ang kutsara at sumubo ng pulutan bago ko binuksan ang isang bote ng beer at lumagok ng ilang beses. "Kailan ang birthday mo?" Jeff asked all of a sudden. "October 25." Sagot ko rito. "I knew it. Birthday mo nga ang passcode mo sa bahay mo." Anito. I nodded my head in confirmation. "Ang tagal pa. Anong ginagawa mo kapag birthday mo?" Tanong nito. "Maghahanda. Minsan bumabyahe akong mag-isa. Depende. Ikaw? Next month na birthday mo ah." Tumango ito. "Uuwi ako ng Laoag. Mga one week siguro ako do’n. Matagal-tagal na din nang huli akong bumalik sa probinsya. Nagtatampo na ‘yong nanay ko sa akin." Ngumiti ako. "Oo tama lang 'yan. Dapat binibisita mo sila palagi habang nand'yan pa sila." I said and took a few gulps of beer. Parehas kaming natahimik. Tanging ang musika lang ang umaalingawngaw sa paligid. It was not my intention to make the mood gloomy. Kusa na lang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. I suddenly missed my parents. "Tara. Sama ka sa ‘kin sa Laoag. Free mo ‘yong sched mo next month." Bigla kong narinig na nagsalita si Jeff. I looked at him in surprise. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Jeff grinned and spoke once more. "Okay na, ha? Mag-big bike tayo papunta do’n." "Ang layo no'n. Magmomotor tayo?" "Oo nga. Mas maganda nga kapag malayo, masarap mag-drive." Anito. "Pahapon na tayo bumyahe. Hindi masakit sa balat ‘yong araw." "Hoy teka. Hindi ko pa sinasabing sasama ako." Sabi ko rito. "Wag kang killjoy." Nakatawang saad ni Jeff. Kapagkuwan ay tumayo ito. "Teka lang." Paalam nito. Nagtatakang sumunod ang mga mata ko sa pigura ni Jeff. Kapagkuwan ay nakita ko itong tumigil sa may bar counter at sa tabi ng isang lalaking malagkit ang tingin kay Jeff. Somehow, ever since I found out that Jeff was a bisexual, I became more aware of ‘their’ existence. Napailing na lamang ako sabay tungga sa bote ng beer na hawak ko. Inubos ko na ang laman no'n at nagbukas muli ng panibago. Paminsan-minsan akong sumusulyap sa gawi nila Jeff, tahimik na naghihintay sa pagbalik nito. Masayang nag-uusap ang dalawa. Mukhang nagkakaigihan. Maya't maya ay sabay na tumayo ang dalawa at magkasamang naglakad pabalik sa direksyon ko. "Kaibigan ko pala." Pakilala sakin ni Jeff. Tumayo ako at nakipagkamay sa bagong dating. "Steve." "Lee." Naunang umupo si Jeff, habang si Lee naman ay naupo sa tabi ng huli. "Order ka lang ng gusto mo. My treat." Ani Jeff. Nag-aalangang tumingin si Lee sa akin. Tumango ako at nginitian ito. Kumuha si Jeff ng isang bote ng beer at inabot iyon kay Lee. "Why are you drinking alone?" Tanong ko kay Lee. Ako na ang naunang makipag-usap rito para hindi ito mailang sa akin. "Mending a broken heart." Sagot nito sabay tawa ng bahaw. "Cheers sa mga sawi." Sabi ko sabay angat ng bote ko. Lee smiled and bumped his bottle with mine. "Broken-hearted ka din?" "Hindi." Sagot ko. "Ikaw at siya." Dagdag ko sabay nguso sa gawi ni Jeff. I already had a guess why Jeff was drinking again. It probably had something to do with the ex of his. At dahil mukhang ayaw nitong magsalita tungkol doon, hinayaan ko na lang ito at hindi na ito inusisa pa. Nagtatanong ang mga matang tumingin si Lee kay Jeff. The latter just shrugged his shoulders off before taking a couple of gulps of his beer. Itinulak ko ang pulutan palapit kay Jeff. Kumuha ito ng isang chicken wing at pinapak iyon. Pasimple kong inobserbahan si Lee. Sinuri ko ang suot nito. Mukhang kagagaling lang nito sa trabaho. "Saan ka nagta-trabaho?" Tanong ko rito. Tumingin ito sa suot nito saka ngumiti. "Sa banko ako. Kayo?" Tanong nito. "Sa gym." Sagot ko rito. Tumango-tango ito bago bumaling ang tingin nito kay Jeff. "Pal." Sagot ni Jeff. Nagtataka ang mga mata kong tumingin rito. Pal? Philippine Airlines? "Philippine Airlines?" Lee asked, voicing out my thoughts. Umiling si Jeff. "Palamunin niya ako." Anito sabay nguso sa gawi ko. Napabunghalit ako ng tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD