CAROLE Sa shower room ay hinayaan kong maubos ang aking luha, kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking katawan . Malaya Kong maipalabas ang bugso ng aking damdamin . "If you don't like my decision ...then leave ." Malinaw ang pagkasabi ni Gabriel sa akin . So it's up to me , whether to stay or go away . Basta ang final decision ay dadalhin Niya si Grace sa kastilyo in two days time . Ano ba ang dapat Kong gawin ? Makakaya ko ba na makikita silang dalawa na magkasama ? "Leave ..leave .." Ang ibig lang sabihin ay balewala Kay Gabriel kung aalis man ako . Kung aalis ako ay malaya na silang dalawa , pero hindi ako aalis . "Habaan mo ang Iyong pasensya ." Naulinigan Kong sabi ng Doktor. "Till death do us part" I remember the exchange of promises and vow Gabriel and I uttered, Ito ang

