Chapter 45 “Mahal we are preparing for our wedding.” Reklamo ni Jeremie sabay pabagsak na nahiga sa kama namin. “Next month pa naman ang wedding natin. And hindi pa naman sure kung mapipili yung designs ko, in case lang naman kaya nagsabi ako sayo.” Paliwanag ko sa kanya. “Ikaw bahala.” Nakasimangot na tugon nito sabay talikod sakin ng higa. “Mahal, sayang naman kasi. Look, opportunity na ‘to para mas makakuha pa ako ng mga clients overseas and malay mo makapagrun na rin tayo ng isa pang branch doon diba?” alo ko kay Jeremie sabay halik sa pisngi nito habang nakayakap. Humarap sakin si Jeremie sabay sabing “You win.” Sa mga sumunod na araw ay naging abala kaming mag-asawa sa preparations ng kasal. Hands-on kami mula sa

