Napabuntong-hininga na lang si Jeremie sa inasal ko. Hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyayari sa akin.
“Enough Liza Monteverde!” may diin sa bawat bigkas ng salita ni Jeremie.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa mismong bahay ko. Nagtataka man kung paano siya nagkaroon ng susi ng bahay ng mansion naming ay hindi ko na iyon inintindi. Mas nangingibabaw sa akin ang sakit ng mga pangyayari ngayong araw. Inakay niya ako papasok sa loob ng bahay. Pagpasok sa loob ay mabilis kong tinanggal ang braso ko sa kamay niya.
“You can leave” malamig kong sabi sa kanya.
“Bakit mo ba ito ginagawa Liza? Anong gusto mong patunayan?” tanong sa akin ni Jeremie.
Hindi ako umiimik. Paano ko ba sasabihin sa kanya na mahal ko na yata siya? Paano ko sasabihin sa kanya na nagbago na ang pagkatao ko simula ng makilala ko siya? May Pam na sa buhay niya. Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha ko.
“Ang hirap mong intindihin Liz! Pati ako naguguluhan sayo” sabi sakin ni Jeremie. Humarap ako sa kanya. This time ayoko ng itago sa kanya yung nararamdaman ko.
“Mahirap? Subukan mo kayang magmahal sa isang katulad mo nang malaman mo kung ano ang mahirap?!” sabi ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
Natulala si Jeremie. Speechless sa narinig niya sa akin.
Pero mas lalo ako natulala sa ginawa niya sa akin. Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Yun bang kahit hindi siya magsalita alam mo na agad ang gusto niyang sabihin. Yung tipo ng yakap na kung pwede lang wag ka ng pakawalan. Ramdam kong may nararamdaman siya para sa akin pero hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magsalita, ayaw niyang magtapat ng nararamdaman niya.
“It will be my biggest mistake that I’m falling in love with you, too” pag-amin ni Jeremie pagkatapos ang matagal na pananahimik.
“Your biggest mistake? Bakit?” tanong ko sa kanya na hilam sa luha ang mga mata.
“I’m sorry, hindi ko masabi sa iyo lahat. But in time sasabihin ko sayo, but for now makontento na muna tayo sa ganito, ang mahalaga alam nating mahal natin ang isa’t-isa” sabi sakin ni Jeremie. Hinimas-himas ni Jeremie ang ulo ko na parang bata.
“Pero diba may relasyon kayo ni Pam? Nabasa ko na nagtext ka sa kanya, saying you’re missing her so much” may lamlam ang aking mga mata ng sinasabi sa kanya ang mga salitang iyon.
“Wala akong tinitext sa kanya, nasalubong ko siya sa hallway at nahuli ko siya na nagtetext sa sarili niyang cellphone gamit ang cellphone ng isa naming katrabaho doon” amin ni Jeremie.
“Siya din ang nagsend sa akin ng video na nasa bar ka at nagsasayaw kaya nalaman ko na andoon ka, gusto niya na magalit ako sayo ng tuluyan at magalit ka sakin. Matagal na siya saking may gusto pero dahil priority ko noon ang aral at trabaho ay hindi ko siya pinapansin” sabi ni Jeremie.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya pero dala ng bugso ng damdamin ay mas pinili kong maniwala sa kanya.
Napakabilis ng mga pangyayari. Simula ng araw na iyon nagkaroon na kami ng pagkakaintindihan na kami lang ang nakakaalam. Things are not the same anymore.
“Hon, wake up. It’s Monday morning better late than never?” sabay halik sa leeg ko ang gumising sa akin nang umaga na iyon.
“Oh Sh—t! Anong oras na? Bakit hindi mo ako ginising?Kapag tayo na-late yari ka sakin!” sabi ko sabay tayo at punta sa banyo para maligo.
Natatawa na lang sakin minsan si Jeremie. Kapag nasa labas kami lalo na at kasama sila Alex ay hindi kami nagpapahalata na may pagkakainitindihan kami. Siguro nahihiya lang ako umamin na sa wakas ay nagising na rin ang puso kong babae. Kumakalas ako sa pagkakahawak niya kapag may ibang nakakakita sa amin.
Pagdating sa school umattend lang ako ng tatlong subject pagkatapos ay dumiretso na ako sa theatre para muling magpaaudition. Palapit na ang araw ng play pero hindi pa kami nakakapili ng gaganap sa main role.
“Ok thank you!” sabi ko sa huling nag-audition. Sumasakit ulo ko sa mga sumasali na walang kaemo-emosyon sa pag-arte.
“Last na then we call it a day” sabi sakin ng adviser naming na kasama ko sa pagpili ng mga gustong sumali.
“Pasok na yung huli pang sasali please!” sigaw ng adviser naming si Miss Ellen.
At napanganga ako sa huling pumasok. Si Jeremie ang pumasok sa stage para mag-audition. Napakunot ang noo ko sa kanya na para bang nagtatanong sa kanya kung ano ba ang ginagawa niya doon.
“Ok read your line” utos ni Miss Ellen.
Nakaharap sa amin si Jeremie habang nasa stage pero sa mga mata ko siya nakatingin.
“I am willing to wait, maghihintay ako kung kailan ko pwede ipagsigawan sa buong mundo na sa wakas mahal na ako ng babaeng minamahal ko. Handa ang puso kong mapagod at maghintay.” buong damdaming bitaw ng linya ni Jeremie.
“Hindi ko hinihingi na mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko, dahil kahit pabali-baliktarin mo man ang mundo wala akong maibibigay sayo at maipagmamalaki, pero aasa parin ako na isang araw makakaya mo rin akong iharap sa ibang tao bilang taong mahal mo” sabi ni Jeremie na titig na titig sa akin. Napapatingin tuloy sa akin ang adviser namin. Palakpakan ang lahat, pati mga nakikinood lang na mga estudyante.
Hindi ko alam kung nasa script pa ba ang mga sinasabi niya pero iba ang tama nun sa puso ko. May kirot na hindi ko maintindihan.
At dahil pati adviser namin ay nadala sa salita niya ay natanggap siya as main lead sa role play namin. Hinabol ko siya habang papalabas ng building.
“Jeremie, sorry kung__” pero pinutol na niya ang sinasabi ko.
“Ok ba yung pag-arte ko? Galing ko umarte ano?! Sigurado ako bilib sila sa talent ko kaya tingnan mo, on the spot natanggap agad ako” sabi ni Jeremie, pero halatang pilit lang yung ngiting pinapakita niya. Ramdam na ramdam ko yun. At tumalikod na siya para mauna ng maglakad papunta sa parking lot. Sabay na kaming pumasok sa bar, at kahit pagdating sa trabaho ay tahimik parin si Jeremie. Wala siyang imik hanggang sa dumating kami sa dorm. Binati siya ng kahera naming si Ate Jho pero tumango lang siya, hindi katulad ng dati na pinapalandi niya ang boses dahil nga sa pagpapanggap niyang bading noon para lang makishare ng room sa akin.
Nagi-guilty ako sa nangyayari.
Pagpasok namin sa kwarto ay lumapit agad ako sa kanya at yumakap sa likod niya.
“Bakit bigla ka yata nag-audition sa play?” tanong ko sa kanya.
“Ginawa ko iyon kasi halos wala na tayong time sa isa’t-isa. Ginawa ko yun para lagi kitang makasama” tagos sa puso ang mga salita ni Jeremie sa akin.
“Sorry” tanging salitang kaya kong sabihin sa kanya.
Pakiramdam ko araw-araw ko siyang nasasaktan, dahil sa hindi ko kayang aminin sa mundo na may relasyon kaming dalawa. Lagi kong iniisip kung ano ang sasabihin ng mga kakilala ko sakin, ang alam nila lesbian ako na sa girl lang talaga naiinlove but all of sudden may boyfriend na ako. Natatakot ako na baka kung ano ang sabihin nila sa akin o sa pagkatao ko.
“Please give me time to adjust, I’m new to this you know what I mean” pakikiusap ko sa kanya.
“Ok lang, choice ko ‘to. Choice kong masaktan. Choice kong umasa at maghintay” sabay higa niya sa sarili niyang kama ng nakadapa.